CED'S POV
"See? I told you, I'm not lying." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan na nakunot-noo ang pulis. Naiinis na ako sa kanila dahil wala raw akong evidence at paano ko raw sinisiraan ang mag-asawang Park.
I clenched my jaw then let out a breathe out of frustration.
Pagkaalis ko sa mansion nila Feira ay agad akong dumiretso sa pulis. Inilabas ko ang phone ko at pinakinig sa kanila ang usapan ni Gilbert.
Nakikinig ng mabuti ang dalawang pulis sa pag-uusap ni Gilbert at ni Manong.
"Bukas na ba ang kasal nila?" tanong ng pulis sa akin.
Tumango ako.
"Do you know that wiretapping is an illegal thing?" singit ng isang pulis na katabi niya.
"I'm not stupid. I know." Huminga ako ng malalim at umupo muli sa harapan nila. "As I said, I'm not stupid. I just don't go here saying my statement without an evidence," seryosong saad ko.
"Hindi niyo nga ako pinaniwalaan kanina, eh. Mabuti nalang hindi ako pumunta rito ng walang dalang pruweba," dagdag kong sabi saka sumandal sa silya at nagcross-armed.
"What do you want us to do?" tanong nila sa akin.
Tinuro ko ang sarili ko. "You're asking me, Sir? That's why I'm here because I know you will know what to do," sabi ko saka napahilamos sa sariling mukha.
Inangat ko ang paningin ko at nagsalita, "Bukas niya papatayin ang mapapangasawa niya dahil sa pera. Narinig niyo naman lahat ang usapan nila. Sa mismong lugar kung saan siya papatayin, dapat may mga pulis na ro'n. Make sure to block all the exits baka pumalya pa at makatakas ang lalaking 'yon," mahabang lintanya ko sa kanila.
"What is your relationship to her, Mr. Hyun?" tanong niya sa akin.
Tinignan ko ang name plate niya. "Police Officer Suames, I'm her driver and a bodyguard. As her bodyguard, I must protect her and I cannot do this alone that's why I need your help to rescue her," sagot ko sa kaniya saka tumungo.
"Kailangan ko siyang iligtas," mahinang turan ko.
"Sabi niyo sa gubat siya malapit sa mansion ng mga Hyun papatayin. Pero wala namang sinabi na sa gubat," sabi ni Officer Lomez habang nakatuon ang mga mata sa monitor.
"Believe me, Sir. I just know," sabi ko sa kanila.
'You wouldn't believe me if I'll say to you that I'm from the future, 4 years after." sabi ko sa aking isipan.
"Okay, Sir. We will do our best to protect Ms. Park." Tumayo silang dalawa at tumayo rin ako saka kami nagshakehands.
"Maraming salamat po. Maraming salamat," pasalamat ko. Bakas sa aking mukha ang saya ngunit hindi parin mawawaglit ang kaba sa aking dibdib.
Lumabas na ako sa presento saka sinuot ang itim na cap ko. Bumaba ako sa iilang hagdan habang nasa straps ng bagpack ko ang aking mga kamay. Sumakay na ako taxi at sinabing sa Dark Forest ako sa likod ng mansion ng mga Hyun.
"Ano po ang gagawin niyo sa gubat na 'yon, Sir? Eh, nakakatakot ang aura ng gubat na 'yon," biglang pagbasag niya sa katahimikan.
"Ah, may hihintayin ako ro'n," sagot ko sa kaniya.
Mayamaya lang ay nasa tapat ng gubat na kami. Bumaba ako sa taxi at binayaran si Manong. Hinintay ko muna si Manong na makaalis kaya tumayo muna ako ng ilang minuto sa gilid ng daan.
Nang makaalis na ito at mawala na sa aking paningin ay saka ako pumasok sa loob. Kumuha ako ng sanga ng puno at ginawang panukod.
I swayed the stick to clear my path. Dead leaves making sound when you step on them. You can also hear some unusual sounds. Nakakakilabot talaga rito kaya si Mommy nuon, hindi niya ako pinapapapunta sa likod ng aming mansion at lumabas sa gate na naroon na patungo rin sa gubat na 'to.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
SonstigesStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...