FEIRA'S POVPinahiran ko ang aking mga luha na dumadaloy mula sa aking mga mata. Lumabas ako sa aking silid at dali-daling bumaba sa hagdan upang puntahan si Ced sa quarter niya. Nais kong sabihin sa kaniya itong nararamdaman ko. May tatlong araw pa ako upang itigil ang lahat sa amin ni Gilbert. Hindi niya ako mahal at hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon. Sa paraan ng pakikitungo niya sa akin, minsan ay wala pa siyang pakialam sa akin at mas inuuna niya pa ang mga ibang bagay kaysa sa relasyon naming dalawa. Sapat na 'yong mga rason para itigil ang lahat sa amin. Lahat ng mga bagay na nabanggit ko ay hindi pinaparamdam sa akin ni Ced kaya hindi ako nagsisi na ginusto ko siya.
Sino ba ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Ced?
Bigla akong napatigil sa tapat ng kaniyang pinto nang mapagtanto ko na may asawa na si Ced at kitang-kita ko kung paano niya pinapahalagahan ang asawa niya. Mahal niya ito ng tapat. Sa tuwing napag-uusapan namin ang kaniyang asawa, halata sa kaniya na mahal na mahal niya ito.
Tatalikod na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ced na halatang nagulat nang makita ako sa labas ng quarter niya. Nandilat ang kaniyang mga mata at unti-unti itong bumalik sa normal at kunot-noong nakatitig sa akin.
"What are you doing here?" seryoso niyang tanong saka isinara ang pinto pagkalabas niya. Nasa likod niya ang saradong pinto. Nakatayo siya habang nakatitig sa akin ng seryoso. Samantala, ang kaniyang mga kamay ay nasa loob sa bulsa ng kaniyang jogging pants.
Nang mapansin niya na napahimas ako sa aking magkabilang braso ay hinubad niya ang kaniyang hoodie. Naka-white sando na siya ngayon at pinasuot ito sa akin.
"Malamig ang simoy ng hangin, ba't ka pa lumabas sa mansion?" tanong niya pagkatapos niyang maisuot ang hoodie jacket niya sa akin na kulay grey.
Nakatulala lang akong nakatitig sa kaniyang habang ginagawa niya iyon. Nabalik ako sa reyalidad at tumitig sa kaniyang mga mata.
"Umiyak ka ba?" alalang tanong niya. Naiyuko ko ang aking ulo at dahan-dahang pumapatak ang aking mga luha. Napasinghot ako kaya agad niyang nilagay ang magkabilang-kamay niya sa aking mga balikat at sinilip ang aking mukha.
"Why are you crying, Ma'am Feira?" tanong niya kaya napaangat ang aking ulo. Nagtagpo ang aming mga titig. Halatang nagulat siya nang makita ang mga mata kong lumuluha.
"C-Ced? I-I know I s-shouldn't feel his but, I-I can't contain my feelings a-anymore," mangiyak-ngiyak kong sabi.
Bigla niya akong niyakap saka niya hinahaplos ang aking buhok sa likod ng aking ulo. "Tell me, what's wrong?" tanong niya at tinulak ko siya ng mahina para makawala ako sa yakap niya. Tinignan ko siya ng maigi at nagsalita, "Nasasaktan ako." Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ang aking mga palad. "Naguguluhan ako," dagdag kong sabi.
"Why?" mahinang tanong niya.
Humikbi ako. "P-Pagod n-na akong umintindi kay G-Gilbert. P-Pakiramdam ko h-hindi n-niya talaga ako minahal. Pagod n-na akong paniwalain ang s-sarili ko na ayos l-lang na gano'n siya, ang importante nasa tabi k-ko siya at h-hindi niya ako iniwan. Pero...napagtanto ko na matagal na niya akong iniwan," malungkot kong sabi.
Humagulhol ako ng iyak. "Matagal na pala akong nag-iisa!" pasinghal kong sabi.
••••
CED'S POV
Parang pinupunit ang aking puso dahil sa aking nakikita. Nasasaktan si Feira ng dahil na naman kay Gilbert. My jaw clenched out of anger. I wanna kill Gilbert for making her suffer like this. She doesn't deserve this.
I held my tears not to fell. I control myself not to be driven by my emotions. Baka kasi, ano pa ang magawa ko.
'Please, Feira. Dalawang araw nalang. Maliligtas na kita,' sabi ko sa aking isipan.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
SonstigesStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...