Chapter 17: Don't leave me

153 2 0
                                    

CED'S POV

"Ano? Nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad palabas ng amusement park.

Agad siyang tumango na may malapad na ngiti sa mukha. "Sobra!"

"Mabuti naman," nakangiti kong sabi.

"Uuwi na tayo at magpapahinga," sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang pulsuhan niya.

••••

Lumingon ako sa gilid ko na kung nasaan siya. Nakasandal ang gilid ng ulo niya sa bintana, natutulog. Hinaplos ko saglit ang buhok niya saka binalik ang atensyon sa daan.

"Feira? Wake up," sabi ko at mahinang tinapik ang pisngi niya.

I just heard her groaned and stretched her arms in the air. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at nilagay ito sa batok ko.

"A-Ano ang ginagawa mo?" nauutal niyang tanong. Nakita kong namula ang mga pisngi niya at umiwas ng tingin sa akin. Halatang naiilang siya.

"I will carry you. Hold tight," sabi ko sa kaniya at kinarga siya, pang-bridal style palabas ng kotse. Naglalakad ako na karga siya papunta sa harap ng mansion. Pinagbuksan kami ng maid at nagulat sila na karga ko si Feira.

"Ibaba mo na a-ako. Nakakahiya. Baka akalain nila nagtataksil ako kay Gilbert,"

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Nasa dulo na kami ng hagdan.

"Ibaba mo na ako," pag-uulit niya.

Dahan-dahan ko siyang binaba at tumayo siya ng maayos.

"Maraming salamat sa lahat pero hindi muna dapat g-gawin 'yon," sabi niya na hindi man lang tumitingin sa mga mata ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Ang sakit. Halos hindi ako makahinga dahil sa sakit. Tinalikuran niya ako at hahakbang na sana sa hagdan ngunit bigla kong hinawakan ang kamay niya at dahil do'n ay napaharap siya ulit sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginagawa ko dahil sa hindi niya ito inaasahan. Niyakap ko siya at nagpumilit siyang kumawala.

"C-Ced? Ano ba?!"

"Bakit mo 'ko niyayakap?"

"Please, let's stay like this for a while," pagsusumamo ko.

Malakas niya akong tinulak kaya napawala siya sa pagkakayakap ko. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkairita.

"Ano ba 'tong ginagawa mo?! May asawa na ako, Ced. Itong ginagawa mo, hindi tama 'to!"

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking kanang palad. "Ano ba ang ginagawa ko?"

"Ito! Ang pagiging malapit mo sa akin. Ang pagiging mabait mo sa akin. Ang mga paraan ng pagtrato mo sa akin na tila ba komportableng-komportable ka," sabi niya.

"I already have a husband and you already have a wife. And please, stop... confusing m-me." Dali-dali siyang umakyat sa hagdan.

Nakatitig lang ako sa likod niya hanggang sa lumiko siya at nawala na sa paningin ko.

"Baliw. Paano tayo nagtataksil? Eh, tayo ang mag-asawa," seryosong sabi ko saka tumalikod na at lumabas sa mansion.

Tumingala ako sa langit at tinitigan ang buwan.

"Ang ganda ng buwan." Binaling ko ang tingin sa isang silid na bukas pa ang ilaw, sa silid ni Feira.

Ang pagsabi na maganda ang buwan ay may natatagong kahulugan ito. Ibig sabihin, ang pag-amin sa nararamdaman mo sa isang tao na mahal mo siya.

IAMADW: SAVING MY WIFEWhere stories live. Discover now