"Saan mo ba kasi ako dadalhin, Ced." Kanina na siya tanong ng tanong sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Seniorita Feira, maglakad lang po kayo and shut your mouth. " Nakangiting sabi ko sabay kinindatan siya.
Tumalikod ako ulit at tumigil sa tapat ng malawak at kalmadong dagat.
"Can we stay here until sunset? You want that, right?" Sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sabay tumango-tango.
Pagkatapos niya sa lahat ng ginawa niya sa opisina. Dinala ko siya sa restaurant at kumain kami. Syempre, libre niya muna kanina kasi wala akong pera. Pumunta kami sa park, umupo at nag-uusap lang kami. She shared not just her own self but also about Gilbert. Nag swing siya kanina at ako lang ang tulak ng tulak. Kita ko naman ang saya at tuwa sa mukha niya. Nang napagod na kami kakalaro doon sa park, pumunta sa kami sa mga food stalls at kumain ng kumain. Pagkatapos ay dinala ko na siya dito sa dagat. Na kung saan ko siya dinala noong araw na aalis na siya.
Alas singko na ng hapon. Nakatayo lang kami parehas habang pinagmamasdan ang dagat, mga barko sa unahan, at ang langit na unti-unti na nagiging dilaw. Tila para bang humahalik ang kulay nito sa dagat. Hinubad ko ang leather jacket ko at inilapag sa buhangin.
"Sit" sabi ko.
Umupo siya sabay hila sa kamay ko para umupo rin ako sa tabi niya. Nagulat ako sa ginawa niya at tawa lang siya ng tawa sa reaksyon ko. Ikaw kaya muntik na mapasubsob sa kaniya. Magkadikit ang braso namin. Ramdam ko ang init niya. Ikinangiti ko iyon at sumigaw sa kawalan.
"SALAMAT PO! MARAMING SALAMAT!" Sigaw ko na ubod ng lakas na may ngiti sa labi, at matang kumikinang sa saya. Hinampas niya ang braso ko sabay tingin sa paligid.
"Hoy, tumahimik ka nga."
"What? There is no people here except us." Sabi ko na nakangiti.
"Kahit na." Sabi niya.
"Bakit ka ba nagpapasalamat?" Curious niyang tanong.
" Because I'm here. "Sagot ko lang.
" Well, salamat din pala sa pagpasyal mo sa akin at sa pagdala mo sa akin rito." Sabi niya at ginulo ko lang buhok niya.
She pouted." Sinira mo buhok ko eh. Ginawa pa akong aso. " Sabi niya.
Tumagilid ako kunti para ayusin ang nagulo niyang buhok at inipit ang iilang strands nito sa kaniyang tenga.
Agad siyang lumayo at tumayo. Nagulat naman ako sa inasta niya. Kita ko na naiilang siya sa ginawa ko.
Tumayo rin ako at tinanong siya.
"What's wrong?" Tanong ko. Namumula ang pisngi niya.
"Wa-Wala. Nakatitig kasi ako sa mukha mo habang inaayos ko ang buhok ko. Hindi naman sa naiilang ako. May naramdaman kasi akong kakaiba sa puso ko. Alam ko naman na hindi tayo pwede ganon ka-close. Pareho tayong may-asawa. " Sabi niya.
'Hmm. I still have effects on you even this year. '
"I know that you can't help yourself not to look at my face because I'm so handsome." Sabi ko sabay taas baba ng kilay habang nakangiti. Napangiti siya ng pilit.
I took a deep sigh.
" We are both aware that we are married. So there's nothing wrong with that. I'm just your driver, bodyguard and a friend you can share on. " Dugtong kong sabi.
" Oo naman, Ced. K-Kasi, you're doing anything that Gilbert haven't done on me before. Baka kasi.---"
" What? That you might fall in love with me? You did. You did first. You love me first before I love you so much. "Sabi ko at tumawa sa huli para magmukhang nagbibiro lang ako but I'm so fucking serious about her.
"Ced naman eh!"
"HAHAHAHAHA. I'm just doing a little charm, you fall in love with me that easily? " Tawa kong tanong. Tumawa rin siya.
" HAHAHA. That won't happen I love Gilbert. Siguro nailang lang ako sa aking sarili dahil napako ang tingin ko kanina sa mukha mo habang inaayos ang ginulo mong buhok ko. " Sabi niya at nagkibit-balikat lang ako.
" I'm just here, Feira. Wherever you go, I'll come after you. We are friends, right? " Tanong ko at tumango lang ako.
" Oo naman! HAHAHA. "
" Look! " Sabi ko sabay turo sa dagat.
" Bumababa na ang araw. Ang ganda-gandaaaa! Woooow! " Mangha niyang sabi sabay talon-talon.
" Another day has ended." Bulong ko sa aking sarili habang nakatitig lang kay Feira na may tuwa sa mukha. Sa kaniya ako nakamasid, hindi sa sunset. Dahil para sa akin, she's the most beautiful among all the beautiful things in the world. No one can defeat her from my eyes.
"Beautiful, indeed." Sabi ko. Tinignan niya ako kaya agad kong inilagay ang aking atensyon sa dagat.
"Ang hirap tignan ng mga matatangkad sa mukha. Sasakit pa batok mo. " Tawa niyang sabi.
" Pfft. Pandak ka lang masyado." Sabi ko.
"Hindi ah! Ang tangkad mo lang. Abnormal ata height mo. "
" Baka sayo. "Sabi ko at kumunot lang ang noo niya. Napipikon na.
" Tss. Sige na nga. Abnormal na ako... sayo. HAHAHAHA" tawang sabi ko at tumakbo ako papalayo sa kaniya.
" CED! " Naiinis niyang sigaw habang hinahabol ako.
Nagmamaneho na ako pabalik ng sentro. Nasa passenger seat si Feira. Nakasandal ang ulo sa bintana ng kotse habang natutulog.
Napangiti ako. "Masaya ako dahil masaya ka sa araw na ito. Inaasahan ko na mawala si Gilbert sa isip mo habang kasama mo ako. Hindi pala. Pero at least kahit kunti, nakalimot ka kanina. Mahal na mahal kita, Feira. Even life and death can't change this feelings of mine. It chose you. My heart chose you. You said that you felt strange earlier when you stared at me, your heart still recognize me. "
" Your mind may not know me but your heart knows every bit of me. And I'm so happy to know that" sabi ko at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho.
Nakarating na kami sa mansion niya. Binuksan ko ang pinto at tinapik siya sa balikat.
"Seniorita Feira. Wake up. Sa kwarto muna ituloy ang tulog mo." Sabi ko. Dahan-dahan niya ibinuka ang mata niya.
" Nandito na tayo? "Tanong niya at tumango lang ako.
" Salamat sa araw na ito, Ced. "
" Sure. No problem. "Cool kong sabi.
" Pasok ka na sa loob. Ipapark ko pa ang sasakyan. " Sabi ko at naglakad na siya sa mansion. Ako naman, napatingin ako saglit sa buwan ng nakangiti.
Pinaandar ko na ulit ang sasakyan at pinark ko na. Pagkatapos ay pumunta na ako sa silid ko at agad na ibinagsak ang sarili sa kama dahil sa sobrang pagod sa pagmamaneho pero masaya naman dahil kasama ko ang pinakamamahal ko.
YOU ARE READING
IAMADW: SAVING MY WIFE
عشوائيStory Description: A/n: This is the Book 2 of I ACCIDENTALLY MARRIED A DEAD WOMAN. Read the Book 1 first then this. If the one that you love the most more than your life, leave you. It is the most painful moment in our life that sometimes could make...