Pabalya niya akong inihagis sa loob ng isang auto mobile at ikinabit ang kapares ng posas (na nakakabit sa akin) doon sa handle malapit sa bintana.
Shit! kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas sa poging mama na 'to.
"k-kuya maawa naman kayo sakin. Ako po si Barbie. 21 years old. Ako lang inaasahan ng nanay kong may.. may.. stage 4 cancer sa.. sa baga! tama sa baga! kuya nagta-trabaho lang naman ako ng marangal please pakawalan mo na ko!" pakiusap ko sakanya habang naiiritang hila hila ang posas na nakakabit sa handle dahil gumuguhit ung sakit sa pala-pulsuhan ko.
"Shut up. Will you?" Malamig na sagot nito. Kung kanina lang ay malandi at gwapo ang mga boses ng gwapong papa, ngayon ay naglahong parang bula at naging seryoso at matalim ang tingin nito na parang kakainin ka sa isang maling kilos lang.
Maya-maya lang ay naririnig ko na syang nakikipag-away sa cellphone.
"No mom! I will not marry her and that's my final decision-- no please hear me out!-- I know, I know but I love my job -- Please don't push it mom you know I'll never accept it. I'm sorry but I have to end this call now, I'm on a mission *toot*" Pabalya niyang hinagis ang cellphone sa harapan at naiinis na tinapakan ang selinyador ng madiin. Dahil na rin siguro sa pagiging chismosa ko ay di ko na napigilang magsalita pa.
"You don't have to be rude like that to your mom" mahinay kong sabi.
Hindi naman yata halatang nakikinig ako sa away nila?
Kita ko ang pag-flex ng panga niya maging ang paglitaw ng ugat nito sa leeg indikasyon na naiirita siya.
"It's none of your business!" Naiinis na sagot niya na syang nagpatahimik sa akin.
Saktong papalapit kami sa mga tindahan ng ukay-ukay nang bagalan niya ang pagmamaneho.
Gusto ko sana bumili ng kahit na anong masusuot basta disente kaysa naman sa revealing na red dress na mahahalata mo talagang pokpok sa ayos.
"P-pwede bang tumigil muna tayo don sa ukay-ukay sandali? bibili lang ako n-" Tinuro ko pa ang bilihan ng mga damit sa labas para makita niya iyon pero pinutol lang nito ang mga sasabihin ko sana.
"Didn't I told you to fuckin' shut up?" Naiirita niyang sigaw habang busy sya sa pagmamaneho.
Pero kasi yung suot ko! gusto ko rin isigaw sa kanya.
Mabilis ulit ang pagpapatakbo ng mamang pogi sa sasakyan dahilan para mapatawag ako sa lahat ng santo sa buong mundo.
"Diba bawal mag-maneho ng mabilis? wala na bang mas ibibilis yan?" Naiinis na asar ko sakanya.
"Ok. You asked for it!" At ang herodes! mas pinabilis pa ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang presinto.
Shit naman talaga oh!
Pagkalabas ng sasakyan ay dali dali niyang binuksan ang pintuan sa gawi ko at kitang kita ko pa kung paanong nag-flex ang ma-masel nyang braso habang hinihila iyon at syempre nahuli niya akong tinititigan iyon kaya napalunok nalang ako sa sarili at inirapan siyang palihim.
"Teka, palalabasin mo ba talaga akong nakaganito lang?" hindi ko mapigilang tanong sakanya kahit parang nasa masungit mode padin sya.
"You decided to wear it so deal with it." masungit talaga nyang sagot habang marahas na binabaklas ang posas na nakakabit sa kamay ko. Ramdam ko ang kirot mula sa pagkaka-kalas nito sa pala-pulsuhan ko at paniguradong magkakapasa ako nito mamaya.
Aaaaaarggh! "So ruthless!" bulong ko sa sarili dahil sa inis habang hinahaplos ang namumulang marka sa aking pala-pulsuhan.
Sa sobrang pikon ay pabalya kong iniwas ang kamay na hahawakan sana niya para di ako makatakas.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.