CHAPTER 35

254 6 0
                                    

Dali-dali kong sinara ang pintuan nang maabot ko ang paper bag na binigay ni Franco. Sampung iba't ibang klase ng underwear ang naroroon at iba't ibang size pa silang lahat. May isang pack pa ng napkin sa sulok!

Pikit mata akong kumuha ng isang underwear at nilagyan ng napkin bago isinuot iyon. Ang underwear kong may mantsa ay maingat kong itinupi at ipinasok sa paper bag. Nang matapos ako sa pag-ayos sa sarili ay lumabas na ako sa banyo. Buti nalang at wala na si Franco doon na siyang ipinagpasalamat ko. Kinuha ko na ang heating pad sa palanggana at dali-dali na akong lumabas ng clinic room para doon na ako maghot compress sa sariling desk habang nagta-trabaho.

Mabilis lang natapos ang oras kaya madali akong nagprepare para makauwi na dahil hindi ko kayang magtagal lalo na at inaatake ako ng matinding dysmenorrhea ngayon. Nang makarating ako sa labas ng building ay masinop akong nag-abang ng habal-habal na paparating dahil bibihira lang ang dumadaang tricycle dito. Pwera nalang kung kaya mong lakarin papunta sa bayan na kahit malapit ay di ko kakayanin lalo na sa kalagayan ko.

Bago pa man may makarating na habal habal ay may isang itim na motorsiklong huminto sa tapat ko at bukod sa naiirita ako ngayon ay halos sapakin ko na ang lalaki sa harapan ko nang tanggalin niya ang helmet na suot. Nakapagtatakang nakasuot lang ito ng simpleng kamiseta na kulay blue at pinaresan ng kupas na pantalon. Tipikal na magsasaka look pero kahit yata basahan ay hindi parin nabawasan ang kagwapuhan niya.

Palihim kong sinabunutan ang sarili sa isip. Did I just complimented him!?

Matalim niya akong tinitigan at salubong ang kilay na pinasadahan ang suot ko. "I told you to fuckin' change that skirt. Didn't I!?" sa tono ng boses niya ay halos pagtinginan na kami ng mga empleyadong lumalabas sa building pero ang tinitingnan nila ay alam kong hindi ako.

Napairap ako sa kawalan. "Bakit ka ba sunud ng sunod? Aso ka ba!? Pinapauwi na kita ah!" umigting ang panga niya nang marinig ang sinabi ko.

"Hop in!" gigil niyang sabi at hindi umalpas sa pandinig ko ang mumunting mura na binitawan niya.

"Umuwi kang mag-isa!" pinag-krus ko ang magkabilang braso at iniwas ang paningin na parang nag-aabang ng masasakyan.

"Emilia!" rinig kong tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko at maya-maya ay may isang BMW na huminto naman sa tapat ng motorsiklong sinasakyan ni Theo.

"You forgot this" winagayway ni Franco ang puting paper bag na hawak nang maibaba nito ang window car. Halos pamulahan ako ng mukha nang maalala kong naroon ang undies kong may mantsa pa! Nakakahiya.

Dali-dali ko siyang nilapitan at taranta kong hinablot ang paper bag mula sa kanya "Ahmm.. Franco, a-ano kasi.." nabubulol kong sabi.

"What is it?" he said in a monotous tone. Nabaling pa ang seryoso niyang tingin sa lalaking kausap ko kanina at taas-kilay ako nitong tiningnan.

"Pwede bang humingi ng pabor?" kagat labi akong napatingin sa likuran para lang makita ang iritadong tingin ni Theo na halata mong pinipigilan ang sarili na manggulo. Binalik ko ang atensyon kay Franco na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Makikisakay sana ako pauwi. Please! Babayaran ko pang gasolina mo!" pakiusap ko sakanya.

"Hop in" maikling sabi niya bago tinitigan si Theo ng masama. Palihim akong nagdasal sa isip na sana ay h'wag magkaroon ng world war 3 sa pagitan nilang dalawa dahil kung ako ang magiging referee ay paniguradong ako ang maiipit sa kanila!

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Franco nang may malakas na nagsara noon pabalik kasabay ng paghawak ng kung sino sa bewang ko.

"She's not going with you" mabilis akong kumawala sa hawak ni Theo nang makita kong nag-uumpisa nang magsalubong ang kilay ni Franco. Sinenyasan ko siyang manatili sa loob dahil nakaamba na itong lalabas ng sasakyan niya sa sobrang inis at ayoko nang gulo lalo na ngayon at dumarami na ang mga taong lumalabas.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon