CHAPTER 38

265 8 4
                                    

This chapter is dedicated to fantasticAnghela. Maraming salamat sa iyong tuluy-tuloy na feedback 💋

 
☆☆☆

Pinihit ko ang sasakyan sa parking lot at madaling bumaba para makaabot sa loob ng building. 7 minutes nalang kasi ang natitira at male-late na ako!

Kung di ba naman nakipagpilitan si Theo na maihatid ako kanina ay hindi sana ako male-late sa trabaho. Hindi ako pumayag sa alok niya dahil ayoko naman ipakitang may pag-asa siya sa akin.

Sa ngayon ay ipapahinga ko muna ang puso ko sa lahat. Ang kaya ko lang ibigay sa ngayon ay ang pagpapatawad.

Isa pa, ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko ito sa huli lalo na at tumakas ito sa kasal nila ni Alexa. Marahil ay naguguluhan lang si Theo sa mga nangyayari ngayon at siguro ay nasaktan ang 'ego' niya dahil wala nang nangungulit sa kanya or baka nakakaranas na siya agad ng wedding jitters?

Siguro nga.

I smiled bitterly upon remembering how much he loved Alexa back then. Naalala ko pa kung paanong ipinaglaban nilang dalawa ang pagmamahalan sa harap ni tita Valerie but I choose to shrug it off and headed towards the building with 5 minutes left in my watch.

Hindi ako sensitive na tao but when it comes to people around me, alam ko kung sino ang umiiwas sa hindi. Malapit na mag-lunch break at usually, pupuntahan ako ni Franco sa opisina or tatawagan ako nito na magkita kami sa cafeteria para kumain and I think he's avoiding me the whole time.

"Kamusta na girl? Okay ka na ba?" mabilis na lumapit si Mica sa desk ko habang nakaupo sa kanyang swivel chair at pinagulong iyon papalapit sa akin.

"Ayos naman. Bakit?" sagot ko sa kanyang abala sa pagta-type. Wala namang pasok kahapon pero bakit tambak ang trabaho ko? Tanda ko pa nga nung nakaraan ay natapos ko naman ang task para sa araw na iyon.

"Badtrip si sir Franco kahapon. Halos sigaw-sigawan na nga niya yung secretary" napahinto ang mga daliri ko sa pag-type nang marinig ko ang sinabi niya.

Nilingon ko siya at kita ko ang dismayadong mukha niya habang nakahalumbaba sa desk ko.

"Kahapon? May pasok kahapon?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Binigyan lang ako nito ng nagtatakang tingin at umiling-iling.

Joey started joining in our conversations.

"Mukhang di ka pa okay ate girl. Nakakalimutan mo nang weekends lang tayo walang pasok. Thursday na ngayon" sarkastikong sabi ni Mica at akmang aalis na sa harapan ko nang pigilan ko siya.

"Teka, teka. Ibig sabihin, nandito si Franco kahapon? Hindi umalis?" ulit ko pa sa kanila. Pinaningkitan ako ni Joey ng tingin at naglakad paikot sa puwesto ko.

"Umamin ka nga, LQ kayo no? Sino ba yung poging papa na kasama mo nakaraan? Siguro nagselos iyon si sir" tanong nito na parang detective dahil sa mapagmatyag nitong tingin sa akin na ikinairap ko nalang.

Dahil naiinis na rin ako sa mga sinasabi ni Joey ay mabilis kong tinungo ang opisina ni Franco pagpatak ng lunch break.

Tulad noon ay dire-diretso kong tinungo ang loob ng opisina niya at tama ang hinala kong nagpapaka-abala ito sa pagtatrabaho dahil nakayuko lang ito habang nakatingin sa mga papel na hawak.

Dahil mukhang wala itong balak na iangat ang tingin ay malakas kong kinalampag ang desk niya gamit ang magkabila kong kamay. Nagtagumpay naman ako sa pagnakaw ng atensyon niya dahil napaangat ang tingin nito sa akin.

Malamig lang ako nitong tinitigan at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Iniiwasan mo ba ako?" Di ko napigilang itanong.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon