"Mga anak, the dinner is ready!" sigaw ni mommy pagkalabas na pagkalabas ng kusina.
"Where's Theo?" nagtatakang tanong ni tita Valerie habang tumitingin sa paligid.
"I'm here" maya-maya'y sabi ni Theo at dumating bigla sa salas out of nowhere.
"Let's go to the dining room" paanyaya ni tita na kaagad namang dinaluhan ni Czarina at saka naman kami sumunod.
"Where did you go?" Nang-aasar na tanong ni Vincent sa kuya nito.
"None of your business!" masungit nitong sagot habang nakapamulsa ang magkabilang kamay.
"Sungit" mahina kong bulong.
"What did you say?" naiiritang tanong nito kasabay ng pagharang nito sa akin sa dinaraanan.
"A-ah ano.. yung kwan ..yung movie, sulit panoorin" kakamot-kamot ulo kong sagot sa kanya.
"Tss" inis niyang sabi sa kawalan at mabilis na tinungo ang dining room.
"How are you hijo? I heard mahirap ang pagpupulis lalo na ngayon laganap ang mga sindikato dito sa bansa" panimula ni mommy kay Theo.
"We're currently busy reviewing about this matter tita. We have plans already but we're taking it slow" seryosong sagot naman nito na nagpatango sa kanya.
"Sobrang delikado ng trabaho mo. Why don't you consider managing your company instead?" si dad naman. Kung maka-interview naman itong mga magulang ko parang si Theo ang papakasalan ko at hindi ang kapatid!
"Tama ka amigo. Matagal ko na ngang pinipilit itong si Theo sa pagnenegosyo but he's always ignoring the topic" segunda ni tita Valerie.
"I am planning to consider it tito but maybe after this big operation" mabilis lang nitong sagot at nagpatuloy sa pagkain.
"Ayan ka nanaman sa katigasan ng ulo mo anak! Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama sa buhay mo bago mo pa mahawakan ang negosyo natin? Maawa ka sa akin anak matanda na ako" reklamo ni tita but still, wala parin siyang nakuhang sagot sa panganay na anak.
"Mom, please don't push kuya kung hindi pa niya gusto. Wag na natin siyang pilitin" pagtaanggol naman ni Czarina sa kuya niya na siya namang kinindatan ng kapatid.
"At ikaw bata ka! Ni hindi mo nga rin mahawakan ang negosyo natin. You even choose to work in the hospital to risk your health! Even Vincent, he choose to do the car racing risking his life as well! Santisima!" Nakukunsuming reklamo ng kanilang ina sa kanilang tatlo dahilan para matawa ang mga magulang ko.
"Hahaha. Hindi pa nila marerealize yan sa ngayon amiga. For now, just let them be" nang aasar na sabi ng mommy sa kaibigan.
"That's why I need them to marry a woman or man that will stand with them no matter what in terms of business industry" confident na sabi ni tita habang makahulugan na nakatitig sa akin.
2am early in the morning nang makaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan at naiinis ako sa pakiramdam kong iyon kaya't bumaba na muna ako papunta ng kusina para kumuha ng tubig. Kahit medyo madilim pa ang paligid ay tinalunton ko ang kusina, naglagay ng tubig sa baso at dali-daling ininom yon.
Bago ko pa man maubos ang laman ng baso ay may mahigpit na humawak sa siko ko dahilan para kunin ng kabilang kamay ko ang isang baso bilang suporta nang di mahulog at baka maging dahilan pa iyon ng ingay.Iginiya ako nito sa lababo at idiniin ang katawan ko gamit ang katawan niya dahilan para mapalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Dahil sa intensidad ng mahigpit na hawak nito ay malakas kong binitawan ang kamay na parang bakal na iyon at matapang na tinitigan siya kahit ang liwanag na lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid naming dalawa.
"What are you doing?" kinakabahang tanong ko nang mapagsino ito.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.