Pagkalabas na pagkalabas ko ng guidance office ay ang mapang asar na ngiti ni Jean ang nabungaran ko.
"It's payback time!" sabi niya habang winawagayway ang mala-twin tower na kilay.
I knew it! siya talaga ang nagsuggest non!
"Ano nanamang trip mo Jean?" nagtitimping sabi ko sa kanya.
"Wala lang. By the way, naisip ng buong department na sing and dance ang gagawin mo tutal-" tiningnan muna niya ko mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ulit "-dun ka magaling. And 2000's Pinoy Disco ang theme kaya galingan mo" sabi niya na nagpatigagal sa akin.
Alam kong siya lang ang may kakayahan na masunod sa department dahil siya ang governor ng College of Business. And I hate the fact that she's using her position just to humiliate me in front of college students!
Relax, Emilia relax!
Napakuyom lang ako ng kamao dahil sa sobrang gigil. Kailangan ko pang magtimpi at kailangan ko ng maraming pasensya.
"I think mapapanalo mo naman ang department natin kaya galingan mo bukas or else tito Dan will know your scandal" she said in a devilish way.
Taas noo ko siyang tiningnan at sinuklian ng mapaglarong ngiti.
"Rest assured, Jean. I'll win the competition. Just watch and eat poops!" sabi ko sakanya na nagpatigil sa kaartehan niya.
Nang mapansin kong natulala lang siya ay sinabi kong "Bye, gotta go!" at umalis na ako agad.
Minutes before I reach the stairs, nakarinig ako ng nakakabinging tili at tuluyan na kong dumiretso sa parking lot kung saan naroon si Czarina.
"Hey!" bati ko sakanya. Ang prente ng upo niya sa sasakyan niyang si Lexy habang may hinihintay.
"hi! I thought you're grounded this time? Nahuli ka ni tito kagabi e" nang-aasar niyang sabi na muntik pang lumabas ang balun balunan sa kakatawa.
Ni-recall niya pa kung anong nangyari sa akin don sa bakuran namin dahil nakita niya yun bago sila umalis ng driver nila.
"Don't mention it. Nakakahiya!"
"Nahihiya ka na pala ngayon? I doubt that after what happened on the club last night" nakangisi niyang sabi.
"How about the video, do you know who's behind that?" tanong ko sakanya. Alam kong gusto niya lang ako ipahiya by dancing on a club in front of guys but not to the point na kailangan niya pang videohan. At alam niyang ayokong maraming nanonood sa galaw ko.. that's why iyon ang naging punishment ko sa pustahan.
"Nope" she said popping the p.
"The one who spread your video probably has the means to humiliate you very bad" she concluded.
"I don't think it's Jean. I know her" sabi ko.
"so do I" maikli niyang sagot.
"Maiba nga ko. Help me find a song. That bitch framed me up!" I said in a boring sound na siyang nagpaexcite sa babaeng katabi ko na may nakakaasar na tawa.
They we're bestfriends indeed!
"What the heck!? Don't freakin' let me sing that one!"
Gamuntik ko nang sabunutan si Czarina dahil sa suggestion niya. Kasalukuyan akong nasa bahay namin kasama si Cza dahil nasa abroad si Dad for business matters at kung nandito man siya ay hindi makakapasok si Cza dahil grounded ako the whole month.
"Wala na tayong choice ate girl! wag nang choosy! After hundreds of songs wala ka paring napipili! How can you rehearse that in just a snap? bukas na ang foundation day girl!" sabi niya habang pabalik balik ng lakad sa harapan ko na parang siya yata ang sasayaw at hindi ako.
"Okay but-"
"No buts Emilia Lauren Ybarra! You're going to sing Pretty Little Baby by Sexbomb Girls and that's final!" sabi niya with matching death glare pa.
I'm so so dead!
I woke up at 4am in the morning para i-rehearse ang sing and dance na gagawin ko para sa foundation day. Sa costume palang ay nafu-frustrate na ako! paano ba naman, kulay dark blue na skimpy dress ang susuotin ko with matching 4 inches black boots na hapit hanggang sa hita ko. Ang pokpok lang!
Yung hairstyle ko naman ay parang katulad ng kay Ariana Grande dahil sa haba ng buhok ko ay iyon nalang ang naisip ni Czarina na gawin sa akin. Kahit siya ay napuyat din kaka-isip ng steps at concepts para doon sa sayaw ko kagabi. Halos wala kaming tulog pareho dahil sa bwisit na foundation day na yan! tsk.
Nasa loob lang kami ng room ng criminology students na naging dressing room ng mga contestants kasi malapit lang ito sa gymnasium kung saan gaganapin ang talent search.
Nakakainis na nga ang mga tinginan ng ibang criminology stude dahil ang lalandi nila! May isa pa nga na tinutulak ng mga kaklase papunta sa direksyon ko para lumapit tapos pag nasa harap ko na biglang mamumula na ewan kaya nginingitian ko nalang sila ng plastik sabay retouch nalang sa sarili para kunwari busy.
Ini-internalize ko pa lahat ng gagawin ko mamaya sa stage nang biglang sumulpot si Jean kasama ang kanyang mga alipores.
"Look at her! She looks pokpok wearing that dress!" sabi niya in a primadonna voice.
"Pwede ba Jean, stop being childish okay?" alma ni Czarina. Kasama ko siya dito sa loob dahil siya ang nagsilbing make-up artist ko atsaka alumni naman siya ng university na to kaya pwede siyang pumasok.
Inirapan lang siya ni Jean atsaka bumulong ng 'bitch'
"Alam mo Jean, kung wala ka namang matinong sasabihin, pwede ka nang umalis"
"No. I wan't to take a look on you first before the program starts. You know, I can't wait for the show! Just came here to say goodluck na rin pampaswerte. Let's go girls! I don't want to be in the same place with this losers!" she said emphasizing the word losers. Pero bago pa tuluyang makalabas ang lahat ay may naiwan pang isa sa mga alipores niya at taas-kilay niya akong tinitigan.
"Hmmp!" sabi niya sabay irap.
sarap sanang sabihing 'ganda ka girl?'
kaso nakalabas na siya bago ko pa masabi ang mga salitang yon.
Sarap sapakin ng alpombre de lata nung pagmumukha. Makapag-inarte akala mo ganda eh! mukha namang bulldog! tsk.
Nakapila na kaming lahat na contestants sa backstage at pangatlo ako sa magpeperform. Apat ang judges na nasa harapan at kailangan ko silang ma-hypnotize sa aking dancing skills mamaya!
Nang matapos ang contestant na nasa unahan ko kanina ay narinig kong nagsalita ang emcee which means ako na ang susunod. Biglang dumagundong ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang emcee.
Shit. Kinakabahan ako!
"And the next contestant comes from the College of Business!"
Matapos magsalita ng emcee ay lumabas na ako sa backstage at pumunta sa harapan ng entablado kasabay ng malalakas na hiyawan ng mga COB students.
Tiningnan ko muna si Czarina na lumapit sa DJ para sa dance number ko at nang marinig kong nagstart na ang musika ay pumikit muna ako at pinakalma ang sarili sabay tingin sa harapan ng mga hurado.
Na sana ay hindi ko nalang ginawa.
Dahil isa sa mga hurado doon ay si Chief Theo.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.