Prologue

1.2K 15 1
                                    

Kanina ko pa sinisipat ang mala-yelong mata ng estranghero habang preskong nakaupo hindi kalayuan mula sa akin.

Dahil sa antisipasyon na magkaroon ng kikitain ngayong gabi ay nilapitan ko ang puwesto nya ng dahan dahan habang sumasabay sa aliw ng malanding musika.

Dahan dahan at pino ang galaw ng aking pag-giling kasabay ng paunti-unting hakbang hanggang sa makalapit ako sa gwapong parokyano na tingin ko'y maganda magbigay ng tip kaya't nang makarating ako sa bandang likuran nya ay di na ko nagpaliguy-ligoy pa at marahan kong nilagay ang mga kamay ko sa kanyang mga balikat at nagpagiling-giling ng marahan.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ng gwapong papa kaya't napangiti ako ng lihim dahil mukhang kikita ako ng masagana dahil sa kanya.

"Hi handsome. Can I entertain you for a while?" mahina kong bulong sa purong tenga niya dahilan para mapalayo ang katawan niya bahagya.

"sure but in one condition." malalim niyang sabi.

Ang gwapo pati ng boses!

"In what condition?" malanding tanong ko sakanya.

"Let's go somewhere." sagot naman niya sa malandi ring tono.

Shit! wag kang bibigay Emilia!

Nandito ka para sa kikitain mo ngayong gabi hindi para landiin ng mga tulad niya!

Bago pa man ako makasagot sa tanong ng gwapong papa ay tumayo ito bigla kasabay ng paghawak ng mahigpit sa kaliwang kamay ko at ang pag-click ng matigas na bagay sa aking pala-pulsuhan.

"a-anong-"
 
 

"MGA PARAK!!" sigawan ng mga katrabaho ko sa labas ng club.

Sa sigaw palang ng mga tao ay alam ko na ang magiging destinasyon ko mamaya.
 
 

Ang malas! tsk.

"T-teka kuya maawa naman po kayo sa aki-"

"You have all the rights to shut your filthy sexy mouth or else your case will be in vain." malandi paring sabi ng gwapong parak habang ipinapakita sa akin ang chapa na suot suot sa ilalim ng itim niyang polo shirt.

At bago pa man din ako makapalag sa panghihila nya sa akin ay marahas na niya akong binuhat na parang sako para masigurong hindi ako tatakbo.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon