"....Vincent Santillan"
What the fudge!?
"Hi Emilia?" Mula sa likuran ni tita Valerie ay humakbang ito papunta sa harapan ko. Suot ang isang simpleng polo shirt at jeans ay nagmukha itong mabait na ginoo. Nag-dadalawang isip man siya sa gagawin ay nag-abot ito ng isang bouquet sa akin.
Napakuyom ako ng kamao. Kung alam ko lang na siya pala ang tinutukoy ni tita ay umalis na ako kanina pa. At isa pa, hindi ko akalain na maaga silang makakapunta dito! Ganoon na ba sila kaatat na ipakasal ako!?
Nang mapansin kong kanina pa nakatingin ang mag-ina ay ngumiti ako sa kanila kahit pilit at inabot ang bouquet na hawak ni Vincent.
"Thanks" sabi ko.
"No problem." kakamot kamot ulong sabi nito na parang nahihiya pero hindi ko na muna siya pinansin. Tinuon ko ang atensyon kay tita at mabilis na niyaya sa loob.
"Come in tita! I think, kanina pa naghihintay sila mom sa loob" yaya ko sa kanila. Iginiya ko sila sa salas kung nasaan ang mga pinsan ko kanina. Buti nalang at nakaramdam sila ng hiya kaya mabilis nilang naiayos ang salas at dumiretso sila sa kusina.
Napailing ako ng bahagya. Sabi ko na nga ba at pagkain lang talaga ang ipinunta ng mga hinayupak.
"Amigaa!" narinig naming sigaw ng mommy pagkalabas na pagkalabas nito sa kusina. Nakasuot na ito ng dress kahit nakaupo sa wheel chair ay pinaghandaan talaga nito ang lunchdate.
"Amiga!" bati ni tita Valerie kay mommy. Mabilis itong tumayo sa sofa at sinalubong ang kaibigan. "How are you!?" kasunod niyang tanong.
"I'm good and kicking well" pilosopong sagot ni mommy. Kasunod naman ng mommy lumabas ay si daddy na ngayon ay may hawak sa handle ng wheel chair niya.
Dumiretso silang lahat sa bakuran para magkwentuhan. Hinayaan na muna namin sila magkamustahan dahil ilang taon din halos nang hindi sila magkita.
"How are you?" mahinang bati ni Vincent out of the blue.
"I'm good until you came" masungit na sagot ko rito. Hindi naman lingid sa kaalaman nito kung bakit galit ako sakanya.
"I'm sorry. I know it's too sudden. Believe me, I didn't know that the Emilia I'm going to marry could be you." Paliwanag nito na para bang madadala ako nito sa pangungumbinsi.
"You sure? Hindi ako tanga Vincent! Alam kong alam mo na ang lahat ng ito bago ko pa nalaman. Hindi na ako nagtataka kung planado mo itong lahat!" akusa ko sakanya.
"No. I have an explanation! Jeez, listen to me first-" i cutted him off.
"I dont wanna hear your explanation! Ikaw ang dahilan kung bakit galit sa akin si Jean and now, balak mo akong pakasalan para ano? Anong binabalak m-"
Before I could finish the word, I suddenly felt a soft lips landing unto mine that left me dumbfounded. I prepared my fist to punch him in the face pero bago pa man ako makagalaw ay mabilis na itong nagsalita.
"Can you please shut up and listen to me first?" Naiiritang sigaw nito at panay pa ang paghilot sa sentido.
I suddenly remembered someone with those familiar angry emoji face whenever he sees me.
I clutched my heart. Bakit masakit?
Nah. May empatcho ka lang ngayon Emilia. Wake up!
"O-ok" nanghihina kong sabi sa kausap kahit hindi ko na alam kung anong sinabi niya kanina.
"I have a proposal to you" ang tanging naintindihan ko mula sa kanya.
Bago pa man masimulan ang lunch ay nagpalit na rin ako ng isang simpleng peach dress na bumagay naman sa maliit kong katawan at sakto lang para sa okasyon.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.