Hindi ako umuwi pagkatapos ng nangyari.
Galit ako.
No. My feelings right now is beyond the word 'galit'
Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang ma-reject ng isang tao and I don't have any idea that the feeling of being rejected was freaking painful.
It's all my fault. Kung hindi ko sana ipinilit ang gusto ko edi sana hindi rin ako nasasaktan ngayon. All this time akala ko na lahat ng gusto ko ay kaya kong makuha sa isang iglap lang. Akala ko hindi masakit. Akala ko na darating ang oras na magugustuhan din niya ako. Ni hindi ko nga alam na pinapanalangin ko na palang gustuhin nya ko simula noong makilala ko siya.
I'm indeed wrong.
Wala pa pala talaga akong alam sa kanya. Between the two of us, ako pala talaga ang feelingera.
It's fuckin' 1am already and I ended up drinking inside a bar. Hawak ang isang basong rum ay sunud-sunod ko itong tinungga ng walang pag-aalinlangan. Mag-isa lang ako at nararamdaman ko ring umiikot na ang paningin ko pati ang bartender na nananahimik ay dumodoble na rin.
Maraming nagtatangkang lumapit at nag-aalok ng inumin sa akin but I always ignore them. Nasa wisyo pa naman ako para umiwas sa mga di inaasahang pangyayari.
Alam kong delikadong uminom na mag-isa and I know my limits kaya nagdesisyon na rin akong dumiretso sa parking lot at mabilis na pinaandar ang sasakyan the moment I entered inside.
Nakarating ako sa isang pamilyar na lugar at dahil sa hindi maipaliwanag na antisipasyon ay napindot ko ang door bell kahit wala naman dapat akong dahilan para gawin iyon.
Minuto lang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto at ang inaasahan kong bumukas ay prenteng nakatayo sa harapan ko. Madali akong lumundag sa kanya at buti nalang ay mabilis ako nitong nasalo. Nabibigla man sa ginawa at dahil sa kakulangan ng inihibisyon dala ng kalasingan ay niyakap ko siya sa leeg at sinunggaban ng mapagparusang halik habang ang luhang pinigilan ko kanina ay sunud-sunod na tumulo ng kusa.
"WHAT THE F*CK EMILIA!?" Nagpupumiglas nitong sabi sa gitna ng panghahalik ko sa kanya.
"Please Theo, love me! M-make love to me-" nahihirapan kong sabi na kahit mahina ay sapat lang para marinig niya.
I don't know what I'm doing. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil hindi ako makapaniwalang magsusumamo ako ng ganito sa isang lalaki. Sa isang Chief Theo pa.
"I'm sorry but I love Alex-"
"She's your cousin!" Bulyaw ko dito.
"I don't care!" ganting sigaw nya sa akin.
"I.. I love you! Did you l-love me even a little bit?" tanong ko habang diretso akong nakatingin sa kanya at mahigpit na nakayakap. I don't want to go without having an answer from him para malaman ko kung dapat ko pa bang ilaban o kelangan nang sumuko.
"Dream on!" He tried pushing me hard ridding me off and when he finally succeed, he immediately closed the door with a loud bang.
That's the answer I needed, I guess? And it hurts.. real bad.
I woke up at 10am saturday morning. Buti nalang at walang pasok dahil halos hindi na ako makatayo ng maayos sa sobrang hilo. Hangover really sucks!Seconds later ay halos iuntog ko na ang sarili sa matigas na bagay na makita ko dahil sa mga naalala kong kagagahan kagabi.
Wrong move ka girl! Tsk.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.