CHAPTER 45

275 9 2
                                    

I should tell this to Theo.

Kailangan kong malaman kung totoo ang lahat ng ito.

Hindi ko na alam kung sino ang dapat paniwalaan kaya mas maiging kausapin ko rin siya tungkol dito. Maski ako ay naguguluhan na.

Kung hindi si daddy ang pumatay sa ama ni Theo, sino?

Pero naalala ko ang sinabi ni Czarina noon. Matagal na nilang hinintay na magkaroon ng ebidensya laban kay daddy at iyon na nga ang naging dahilan ng pagpunta ko dito sa San Carlos.

Mabilis ang nga paa kong nilakad ang labas ng restaurant nang may lalaking humarang sa dinaraanan ko.

"Emilia. Kamusta?" Bati ni Rommel sa akin. Halos mangilabot ako sa nakakatakot nitong tingin lalo na nung maalala ko ang nangyari noon sa parking lot kung hindi lang ako nailigtas ni Franco noon. Nakasuot ito ng isang simpleng polo at itim na cap dahilan para mapalayo ako ng bahagya sa kanya.

"A-ayos naman." Alanganin kong sagot. Kating kati na ang mga paa ko na makaalis sa lugar na iyon kaya inakma kong lalagpasan siya nang magsalita ito.

"Pwede ba kitang makausap?" Seryoso nitong sabi. Kita ko pa ang pagiging uneasy nito dahil naglulumikot ang mga niya sa paligid bago tumingin pabalik sa akin.

"A-ano kasi nagmamadali ako ngayon pasensya na." Pagdadahilan ko sakanya.

"Saglit lang naman 'to." Nagmamadaling sabi rin nito pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na humakbang papalayo.

Hindi pa man ako nakakalayo ng lakad ay nakaramdam ako ng isang marahas na paghawak sa magkabilang braso kasabay ng pagpiring sa mga mata.

"T-teka bitiwan niyo k-" Nagpupumiglas kong sabi sa kanila pero masyado silang malakas para kaladkarin ako papunta sa kung saan. "San nyo ko dadalhin!? TULONG!!" Natatarantang sigaw ko. Nagbabaka sakaling may maka-agaw ng atensyon ko sa labas ng restaurant na iyon.

"Ipasok na 'yan!" Dinig kong utos ni Rommel sa kung kanino at namalayan ko na lamang na nasa loob na ako ng isang sasakyan.

"Saan mo 'ko dadalhin Rommel? Anong kailangan mo!?" Nagpapanic kong sigaw sa kanya. Malaya nitong hinaplos haplos ang aking braso at halos makadama ako ng hilakbot sa mga hawak niyang iyon.

Nanginginig na nagpumiglas ako sa mga hawak nito dahilan para hulihin nito ang magkabila kong kamay at talian ito gamit ang isang lubid.

"Ikaw ang kailangan ko Emilia." Mahinang bulong nito sa tainga ko pagkatapos nitong talian ang magkabila kong kamay.

"Ang ganda ganda mo talaga." Malambing na sabi nito na may halong malisya. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimahe ko na sa isipan ang malisyoso nitong tingin suot ang isang nakakairitang ngiti. Halos isiksik ko na ang sarili sa sulok ng sasakyan para makalayo lang sa kanya pero nagtagumpay itong makalapit.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nang maramdaman ko ang ulo nitong sumiksik sa aking leeg at pilit na inaamoy iyon. Bago pa man ako makasigaw at makapalag sa ginagawa niya ay mariin nitong itinakip ang kamay sa aking bibig at idinampi ang magaspang nitong labi sa aking balat.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nagising nalang ako na nakaupo sa isang silya at may busal ang bibig. Tulad kanina ay nakapiring parin ang mga mata ko samantalang ang pareho kong kamay ay nasa likuran at nakatali.

Mula sa kinauupuan ay nakaamoy ako ng gasolina sa paligid.

Saan nila ako dinala?

"Gising na pala ang mahal na prinsesa!" Rinig kong sabi ng maarteng boses kasabay ng papalapit nitong yapak base sa tumutunog nitong heels.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon