Two weeks before graduation day.
Gusto ko sanang yayain si chief para sa isang date kaso lagi niyang sinasabing busy siya at may nakapilang case study na tatrabahuhin ng team niya.
Dahil matalino ako ay kinulit kulit ko yung nerd na pulis kung kailan ang off ni chief Theo after kong iabot yung lunchbox sa kanya at buti nalang ay nakisama siya at sinabing off nito ngayon.
I'm heading to his condo now at kinakabahan ako dahil pangalawang beses palang ako pupunta doon kasi hindi naging maganda ang pangyayari nung huli at sana naman ay makisama siya!
Nakatayo lang ako sa harapan ng pintuan pero nagtatalo pa ang aking puso, isip, salita at gawa kung kakatok ba ako o aatras nalang dahil pihadong tatanggihan lang niya ako.
No way! nagawa ko ngang papayagin siya noon at paniguradong papayag ulit yon ngayon.
Bago ko pa man mapindot ang door bell ay biglang bumukas ang pinto kasabay ng paglabas ng isang babae na halos kasing edaran ni chief. Nakasuot din ito ng unipormeng tulad ni chief kaya naisip kong pulis din ito.
Alangan namang pokpok? Pwede rin.
"Sino ka?" mataray na tanong ng babaeng hitad.
"sino ka din ba?" laban ko habang tinataasan siya ng plakado kong kilay.
Sumandal muna siya sa hamba ng pintuan bago nagsalita ulit.
"If you are here to mess up with my boyfriend, you can get your ass out now!" preskong saad niya na may nang-aasar na tingin.
"Boyfriend mo lang siya. Asawa ako!" sabi ko na may masamang titig sa kanya.
"Can you please stop arguing in my front?" singit ng garalgal na boses.
"Darling! tara date tayo" sigaw ko sa kanya dahil mukhang ayaw ako papasukin ng hitad na to.
"Can't you see, he's not feeling well!" mabilis nitong sagot sa galit na tono.
"Alexa, can you please get out?" mahinang sabi ni chief pero pagalit din.
"Chill ka lang couz' malay ko bang girlfriend mo siya for real?" nagliwanag ang mukha ng babae sabay angat ng magkabilang kamay na parang sumusuko.
"She's not my girlfriend!" tunog defensive na sagot ni chief.
"Okay. Sabi mo eh! Bye, lovebirds!" patawa-tawang sabi ng pinsan niya sabay alis sa harapan ko.
"Pinsan mo pala yung hitad na yon?" sabi ko.
"Emilia!" sigaw niya ng may babala.
"Okay, I'm sorry" dahil napapansin kong namumula ang mukha niya hanggang sa leeg ay kinapa ko ng marahan ang kanyang noo at muntik na kong mapaso sa init non.
"shit! may lagnat ka chief!" nagpapanic na sabi ko sakanya.
"I know. Hindi ako tanga" garalgal ang boses na sabi niya kasabay ng pagpunta sa kanyang kwarto.
"Wait. Let me take care of you darling!" habol ko sa kanya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kanyang kwarto ay mabilis itong humiga sa kama at halos magyelo na ang buong paligid dahil naka-full blast pa ang aircon!
Paano ba ang gagawin? Shit.
Dahil sa panic ay napasearch nanaman ako sa google kung paano mag-alaga ng may sakit buti nalang ay naka-step by step ito kaya lang ay kailangan ko pang bumili ng analgesic para mawala ang sakit sa ulo niya.
Lumabas muna ako para bumili sa malapit na drugstore at bumili ng isang banig ng paracetamol.
Bumili na rin ako ng ingredients para sa sopas nang mainitan naman ang katawan niya.
Buti nalang ay hindi ko nilock ang pinto para makapasok ako sa loob nang hindi ginagamitan ng passcode.
Dumiretso ako sa kusina niya at sinimulan na ang pagluto ng sopas. Infairness naman sa akin, mabilis naman ako matuto kahit sa youtube lang ako nanunuod.
Nang matapos ako sa pagluluto ay pinatay ko muna yung stove at nagprepare ng isang malamig na tubig na hinanda ko kanina sa fridge bago ako lumabas. Nilagay ko yung tubig sa isang palanggana at matapang na hinarap ang isang matinding misyon.
Pumasok ako sa loob ng kanyang kwarto. Kung kanina ay nakakumot pa siya, ngayon ay halos naihubad na niya lahat ng saplot sa katawan dahil tanging boxers lang suot nito. In-off ko kasi kanina yung aircon para pagpawisan siya at mukhang effective naman dahi sa butil butil na pawis na lumalabas sa kanya.
Mukhang di na ko mahihirapan na punasan siya.
at gahasain. Charot!
"Sana makisama to!" Bulong ko sa sarili.
Ibinaba ko muna ang palanggana sa bedside table at piniga ang maliit na tuwalya dito. Marahan kong pinunasan ang gwapong mukha ni chief. Kahit nakakunot ang noo ay ang gwapo gwapo parin!
"Kiss kita jan eh!" humahagikgik kong sabi. Alam ko namang di niya naririnig dahil mahimbing parin itong natutulog.
Sunod ko namang pinunasan ay ang kanyang mamasel na balikat pati ang magkabilang kamay. Habang pababa ng pababa ang dapo ng bimpo sa kanyang katawan ay siya ring paglunok ko ng sunud-sunod. This is torture!
Mariin pa akong pumikit dahil nasa may bandang puson na niya ang kamay ko pero bago pa man makababa ang aking kamay ay may humawak ng mariin dito.
"What the fuck?" sabi ng garalgal na boses kasabay ng pagbangon nito.
"What the hell are you doing!?" sabi niya. Mariin parin ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Ano pa ba? edi inaalagaan ka!" defensive kong sagot. Kahit madilim sa kanyang kwarto ay kitang kita ko ang matalim niyang titig sa akin.
Dumapo pa ang tingin nito sa malaking orasan which says 8pm in the evening.
"It's late now. Umuwi ka na" utos nito sa akin.
"No, I'll stay here hanggang sa gumaling ka" pagpupumilit ko sakanya.
"As you can see, I'm not in the mood to handle you now!" sabi niya out of frustration.
"I'll handle you then!" pamimilosopo ko pa. Umiling iling siya at nagmura ng mahina.
Ang hilig naman nito magmura!
Ok lang. Mahilig naman ako magmahal. Ayiiieeeut!
Napatawa ako ng lihim dahil sa naisip na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Binuksan ko nalang ang tableta ng gamot at inalok sa kanya.
"Oh ito. inumin mo!" sabi ko sabay abot malapit sa bibig niya habang hawak ko sa kabilang kamay ang isang baso ng tubig."What's that?" naniniguradong tanong pa niya.
"Paracetamol. Paraceyolang ako!" sabi ko ng may kasamang kindat.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa alarm na sinet ko kanina. Oras na para painumin ulit ng gamot si chief at nang mainlove naman siya sakin.
Dahil sa sobrang ligalig ko kanina ay nakatulog ako sa sofa niya. Napakalambot naman kasi at komportable ako sa paghiga higa ko doon. Malaki ang espasyo atsaka mukhang magkakasya naman kami ni chief. charot!
Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto niya ay nagpapanic na nilapitan ko siya dahil halos maligo na ito sa sobrang dami ng pawis. Kinuhaan ko nalang siya ng puting t-shirt na cotton doon sa walk in closet niya para maisuot ko na rin sakanya.
Nang akmang isusuot ko na sakanya ay bigla nalang itong nanghatak dahilan para mapa-ibabaw ako sa katawan niya.
"So cold" sabi nito at mahigpit akong niyakap ng matipuno nitong braso.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.