CHAPTER 32

276 6 0
                                    

Kung hindi pa dumating si Danica ay hindi ako matatauhan sa ginagawa ko kaya bago pa makalapit si Franco ay naitulak ko siyang papalayo at sakto naman ang pagdating ni Danica.

Tinapunan lang ako nito ng pilyang ngisi at pinag-krus pa ang magkabilang kamay sa dibdib.

"Alas tres na ng hapon ate Emilia baka gusto mo na daw umuwi?" galit-galitang sabi nito sa akin habang pinanlalakihan ako ng mga mata.

Napatingin ako sa pwesto ni Franco na ngayon ay nakabusangot na. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti bago nilipat ang tingin kay Danica.

"O-oo na. Paalis na nga ako" wala sa sariling sabi ko at nagsimula nang tumayo. Hinablot ko ang tuwalyang dala kanina na nakasabit lang sa sanga ng maliit na puno ng bayabas sa malapit at itinapis ito sa sarili pero habang ginagawa ko iyon ay kinakausap niya si Franco.

"Nandito ka pala kuya Franco. Anong ginagawa ninyo dito ng ate ko?" malditang tanong nito sa mas nakatatanda sa kanya. Kung hindi ko lang kasama si Franco ay kanina ko pa nasabunutan ang batang ito dahil sa mga lumalabas sa bibig nitong di mo mawari kung saan niya napupulot. Animo'y matanda na kung magsalita!

"Kakadating ko lang dito. Maliligo lang din" nakangiting paliwanag ni Franco sa kanya na halata mong dismayado sa pagdating niya dahil siguro ay hindi natuloy ang gusto niyang mangyari. Napatingin ito sa akin pagkatapos at binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti.

"Ah ganun ba?" agaw pansin ni Danica sa napatagal yatang titigan namin ni Franco. Una kong pinutol ang titigang iyon dahil naiilang na ako at baka mamaya ay gisahin ako ng mga tanong ng batang ito pag-uwi. "Pinapauwi na kasi ni mamala si ate" dugtong pa niya.

"Ayos lang" mahinang sagot ni Franco dito kahit ramdam kong sa akin ito nakatingin. Pinilit kong huwag tumingin sa kanya dahil ayokong bigyan siya ng pag-asa at mas lalong ayaw ko na bigyan niya ng ibang kahulugan ang mga nangyari dahil hindi ko pa kaya.

"Sa ibang araw ka na manligaw kuya. Doon sa bahay po namin hindi dito sa sapa" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Danica. Gustung-gusto ko nang hilahin ang maliit nitong bangs dahil sa kadaldalan niya pero pinahaba ko lang ang pasensya dahil baka isipin ni Franco ay brutal ako sa pinsan ko.

"Una na kami Franco" mabilis kong sabi at tumalikod na agad para hilahin si Danica papalayo sa sapa.

"See you on monday" rinig ko pang habol ni Franco.

"Isusumbong kita ate may kasama kang lalaki sa sapa!" pananakot nito sa akin. Tahimik akong napadasal at humingi ng mahabang pasensya sa poong Maykapal dahil kung ibang tao lang ako ay kanina ko pa kinalbo ang batang ito. Kanino ba ito nagmana? Jusmiyo marimar!

"Tumahimik ka Danica. Pag sinumbong mo ako kay mamala malilintikan ka sakin" galit kong sabi habang mabilis na tinatalunton ang nanunuyong putik na daanan pauwi sa bahay.

"Sus. Kita ko pa nga na magki-kiss kayo! kung di lang ako dumating ate buntis ka na" napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Mabilis akong tumalikod para harapin siya at dinuro ang noo niyang may maliit na bangs.

"Hoy ikaw bata ka san mo pinagkukuha yang ideyang yan!? Ang bata bata mo pa para jan ah! Wala kang pera sa akin mamaya" singhal ko sakanya na napakamot-ulo nalang.

"Si ate naman hindi mabiro!" mahina nitong sabi.

"Pwes hindi moko madadaan sa biro mo. Alam kong hindi ako pinapauwi ni mamala anong kailangan mo?" mataray kong tanong.

"Hindi ate. Pinapauwi ka talaga ni mamala kasi dumating yung baklang nanggugupit sa bayan" defensive nitong sagot sa akin.

Pinameywangan ko siya. "Eh anong kinalaman ko ron?"

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon