CHAPTER 29

278 6 5
                                    

Nakauwi na ako pasado alas kwatro ng hapon dahil napasarap ang paliligo ko sa sapa.

"Hoy ikaw bata ka, bat hindi mo na ko binalikan sa sapa?" salubong ko sakanya nang madatnan ko siyang nasa kusina at kumakain ng puto kutsinta. Pinameywangan ko siya.

"Eh kasi naman ate inutusan pa ako ni inay sa bayan" halos magkandabulol na sabi niya.

"Ganun ba. Bukas samahan mo ako sa bayan ha? Bibili ako ng mga damit ko. ililibre kita" suyo ko sakanya.

"Talaga po?" napahinto siya sa kinakain.

"Oo naman syempre!" paninigurado ko sakanya at dumiretso na ko sa kwarto para magbihis na ng bestida.

"Emilia! Emilia! May magandang balita ako sayo" nagkukumahog na sabi ni ante Helen nang makalabas ako ng kwarto.

"Ano po yon ante?" kunot noong tanong ko habang sinusuklay ang ngayon ay mahabang buhok.

"May natanggap na tawag ang mamala kanina. Tanggap ka na daw sa kumpanya ng mga Alcoser at mag-uumpisa ka na sa susunod na linggo!" excited nitong sabi buhat buhat ang anak.

"Thank God!" mahina kong sabi at nilaro-laro ang kamay ni Dallia.

Kinabukasan ay pumunta kami ni Danica sa bayan mga alas nuwebe ng umaga gamit ang kotse ko. Kada pumupunta kasi kami sa kung saan ay sumasama si Danica basta yung kotse ang sasakyan. Nagmumukha raw kasi syang sosyal tingnan kapag ganoon kaya hinayaan ko nalang.

Bago kami dumiretso sa mga pamilihan ay nag-withraw muna ako ng pera sa ATM machine dahil hindi ko naman masyadong nagastos ang mga sinahod ko noong nagta-trabaho pa ako sa maynila at may bukod pa akong ipon doon.

Nakarating kami sa isang maliit na department store. Bumili ako ng apat na pares ng office attire na gagamitin ko para sa panibagong trabaho at dalawang heels na hindi masyadong kataasan. Bumili na din ako ng make-up sa labas kanina dahil may local establishments din pala dito ng cosmetics.

"Ate nakakita ako ng jersey na damit at shorts. Ang ganda kasi tingnan gusto ko parehas tayo" abot langit ang ngiti ni Danica hawak ang jersey shirt na pang-volleyball pati ang mini-shorts nito. Naalala ko noon na mahilig akong maglaro ng volleyball during high school days kaya lang ay naiba ang focus ko sa buhay nang mag-college na kami nila Jean.

"Sige kunin mo na" nakangiti kong sabi sakanya. Binilhan ko pa sya ng mg agamit para sa eskuwela.

"Mamala tingnan mo, bagay ba?" sabi ko kay mamala nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Sinukat ko kasi ang mga pinamili naming damit kanina at nagmukha akong propesyunal sa suot na blue tops at black skirt.

Inikot ko pa ang sarili sa harap niya para makita ang kabuohan ko. Nilapitan niya ako at marahan niyang sinuklay ang aking buhok.

"Ang ganda ganda mo apo. Kamukhang kamukha mo ako noong kabataan ko." kinikilig nitong sabi sa harap ng salamin habang nasa likuran ko siya.

"Mamala, di hamak na mas maganda ka noon. Sabi ni mommy ang daming nagkakandarapang manliligaw sayo" puri ko din sakanya pabalik.

"Ganoon din ang mama mo noon. Sumasakit nga ang ulo ko lagi sa mga lalaking nagsisipunta dito dahil ayaw naman kausapin ng mama mo. Pakiramdam ko tuloy ako ang nililigawan" natatawang kwenta niya sa akin at kinuwento niya rin kung paanong niligawan sya ni papalo noon. Kahit wala pa ako noong panahong yon ay kinikilig din ako sa kwento nila dahil noong araw ay mahilig magpapansin si mamala noon sa papala hanggang sa nagkatuluyan din sila sa huli. Natatawa akong umiling sa sarili. Hindi na kataka-taka kung kanino ako nagmana.

"Ate Emilia! Ate Emilia!" nagkukumahog na singit ni Danica sa usapan namin ni mamala.

"Oh Danica anong problema?" tanong ko sa kanya. Hingal na hingal pa siya sa katatakbo.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon