Sobrang pagod na pagod ang katawang lupa ko pagkauwi kaya kahit walang palit palit ng damit ay pabagsak akong humiga sa kama.
Nanunubig ang mata ko kanina pa at hindi ko alam kung bakit. Na-empatcho yata ako?
Papikit na sana ang mga mata ko nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko.
patulog na eh! tsk.
You received a message from
Poging CyrillHi sis. Punta ka here sa The Pub later. We'll celebrate Pau's birthday! Don't forget okay? we're expecting you anyway. See ya! Lovelots.
Muntik ko nang sabunutan ang sarili nang mabasa ko to. Gusto ko na matulog eh! Sobrang bigat na ng mata ko.
Di bale, alas singko palang naman ng hapon kaya pupunta nalang ako mamayang 9pm. I'm pretty sure magdamagan nanaman ang party party nila don.
If you're thinking na katulad ako ng mga kaibigan ko ay nagkakamali kayo dahil una sa lahat mali ako ng sinabi. Mga pinsan ko sila at hindi kaibigan. Pangalawa, hindi ako party goer katulad nila. Pangatlo, close lang din ako sa mga kamag-anak ko kaya pumapayag ako sa mga imbitasyon nila. Pang-apat, di ako walwalera. Mukha lang akong pokpok dahil sa ayos ko kanina at mas lalong hindi ako slut!
Ayan nanaman tayo sa word na slut na yan! Kung si Jean ang nagsabi niyan okay lang naman sa akin kasi naiintindihan ko ang galit niya unlike sa lalaking pinagkaitan ng masayang kabataan. Langya yon! Di pa nga gumagaling ang pasa ko sa braso, dinagdagan na niya agad tsk.
It's 8pm already nang magising ang katawang lupa ko. 3 hours is not bad. Mukhang na-regain ko naman ang lahat ng energy ko kanina sa sayaw.
Dali-dali akong dumiretso sa banyo nang makita kong 81 missed calls na ang naka-appear sa cellphone ko at may parating pa na tawag kaya inisnab ko muna yun at nagmadaling naligo dahil nanlalagkit na din ako sa sarili.
Pagkatapos kong magbihis ay sinipat ko ang black dress na binili ko noon. Para sa club sana tong susuotin ko kasi daring na ito tingnan para sa akin. Black sleeveless na naka-crossed yung back straps unlike sa super daring na red dress na suot ko noong nakaraan although above the knee yung length ng dress. Si Cza lang naman nagpumilit sa aking isuot yon!
As for my hair, I just let it flow downwards tinamad na kasi akong talian e kaya hinayaan ko nalang at ginawang wavy sa dulo. I also wear a 6 inch black stilletos dahil yun lang ang keri kong taas. I wear no heavy make-up tonight bukod sa light pink na lipstick at eyebrows.
Hinalughog ko pa ang kwarto ni Daddy at lahat ng nasa drawer niya. Nagbabakasali lang na makita yung susi ng kotse ko. Kaso wala eh! kaya no choice kundi magpahatid sa driver at kinailangan pa ng permission ni Daddy kaya pinakausap ko sakanya si Pau at awa ng kalikasan ay pumayag din.
As I enter inside the bar, mukhang nagsisimula na ang party party nila base sa malakas na hiwayan at tugtugan sa saliw ng kantang Thunder.
May nakita pa nga kong nagbudots sa kaliwang banda at kung di ako nagkakamali ay sila na yon. Mga baliw kasi ang mga pinsan ko at buti nalang di ako natulad sa kalokohan nila?
"Happy birthday Pau! Pwede ka nang mag-asawa! haha kidding" bati ko kay Pau na mukhang tunggak na sa alak dahil sa mga baliw naming pinsan. Yumakap pa siya ng mahigpit sa akin at tumatawa tawa pa na parang ewan.
"Where's my gift?" nabubulol na sabi niya at ang singkit niyang mata noon ay halos di na niya maidilat ngayon dahil sa kalasingan.
"Tinatanong pa ba yan? Pinadala ko kay manong sa bahay nyo kanina" sabi ko.
"Let's have a drink then!" alok niya sakin. Binigay na niya sa akin ang baso na dapat ay para sa kanya kaya wala akong nagawa kundi inumin yon.
"Hi Emilia baby!" si kuya Cyrill. Kapatid siya ni Pau at kasama ata niya ang girlfriend na halos sabunutan siya dahil sa tinawag sa akin.
"Hi Kuya!" ganti ko sabay apir.
Nagkamustahan muna kaming lahat na magpipinsan at nagkainuman na rin dahil sa mapilit silang lahat. I admit, nag-enjoy ako ng sobra. Nagka-iyakan pa nga at naglabasan pa ng kwentong love life samantalang ako walang mai-share bukod sa pulis na mukhang yelo.
Hindi ko pa nakalimutan yung sinabi niyang slut ako eh. Inaamin kong nasaktan ako when he said those words in gritted teeth. My heart pounds loudly to the point na makirot. basta! hindi ko masabi. Bahala na si darna magexplain!
Halos gumapang na kaming tatlo ni Pau at Kyle sa sahig ng bar dahil sa kalasingan. Iniwan na rin kami ng iba naming pinsan. Dahil nag-promise ako kay Daddy na uuwi ng bahay at all cost ay pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa gilid ng kalsada. Naghintay ako ng naghintay ng masasakyan kahit umabot pa ng alas tres ng madaling araw.
Nang mapansin kong may mabilis na sasakyang paparating ay mabilis din akong pumagitna at pumara which is effective dahil napahinto agad yung sasakyan na yon.
"What the hell is the matter with you!?" sabi ng sexy na boses.
"You!" tinuro turo ko siya habang papalapit sa kanya "Bring me home. now!" utos ko. I don't care kung sino siya. Ang mahalaga ay makauwi ako.
Nang mapansin kong nakatayo lang siyang tinitingnan ako ay inayos ko ang paningin ko at tinitigan din siyang mabuti.
Omg!
Malabo na talaga ang paningin ko dahil umiikot na ang lahat pati langaw!
Kinapa kapa ko ang sasakyan niya at tinunton ang kabilang pintuan saka ko binuksan. Buti nalang at hindi naka lock!
Madali akong pumasok sa loob at sinabing: "Let's go to my house!"
Minutes later ay hindi parin siya kumikilos at ramdam kong hindi gumagalaw ang sasakyan kaya hinarap ko siya.
"Iuuwi mo ako o re-reypin kita? choose!" sabi ko sakanya. Kahit malabo ang paningin ay sinikap kong lumapit sa katawan niyang pamilyar din.
"What are you doing in that place? it's 3am in the morning and there might be a rapist near you" sabi niya pero hindi ko na siya maintindihan.
"You know what? Ang ganda ng katawan mo. Mukhang masarap!" natatawang kwento ko sa kanya. "kaso parehas kayo ng body built ni chief kaya wag nalang! galit ako dun e" nadidismayang bawi ko.
"W-why?" tanong niya sa malalim na boses.
"basta! sayang.. ang pogi pa naman. Laglag ang asdfhjkl ko dun e tuwing tumititig siya sakin—teka!—chismoso ka din e no? magdrive ka na nga!"
Narinig ko siyang nagmura ng malutong.
Siya pa talaga ang galit ah?
"Anong kinagagalit mo? Ay teka—gusto mo ko no? tara kiss kita!" sabi ko sakanya habang lumalapit sa gilid niya.
Nakanguso pa ko palapit sa mukha niya at dahil nararamdaman kong hindi siya umilag ay lumapit pa ako ng todo para abutin ang labi niya.
Hanggang sa..
Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo sa sobrang sakit. Bwisit na hangover!
Nang idilat ko ang mga mata ay gulantang ang buong kalamnan ko nang mapansin kong iba ang disenyo ng kwarto. Pati ang kamang hinihigaan ko ay hindi pamilyar sakin! wtf. nasa kaninong bahay ako!?
"You're lucky, you're still breathing" sabi ng pamilyar na boses kasabay ng paglabas ng isang lalaki mula sa banyo na nakatapis pa.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.