CHAPTER 46

559 13 11
                                    

Third Person's POV

Theo can't help but be amazed on how Emilia took care of herself. Mukhang wala naman itong problema base sa masiyahing hitsura nito at nagagalak siya para doon. Siguro ay huli na para dito ang pagpaparamdam muli sa dalaga pero 'di niya hahayaang lukubin ng karuwagan lalo na't alam niyang nasa kapahamakan ito.

She's indeed beautiful at mas na-emphasize ng maigi ang maliit nitong  mukha dahil sa maikli nitong itim na buhok. Lumitaw pang lalo ang kaputian ng babae dahil sa suot nitong off-shoulder na bestida and he hated the way people look at her especially, males. Gustung-gusto niyang lapitan ang dalaga at ipagdamot sa mga lalaking naroroon kaya lang ay alam niyang hindi iyon magiging madali. Maingat niyang sinundan ang babae ng hindi nito nahahalata hanggang sa makapasok sila sa loob ng isang simbahan.

Bigla ang pagsiklab ng damdamin nito nang lumingon si Emilia upang batiin sana siya at kita niya ang pagkataranta nito kapagdaka. Imbes na hayaan ito ay hindi niya na napigilang ilapit ang sarili sa likuran ng dalaga at mahinang nagsalita. Muntik na nitong pagsisihan ang kalokohan nang masamyo nito ang mabangong amoy ng nasa harap pero kailangan nitong maging mahinahon at gumalang dahil kasalukuyang nagmimisa ang pari.

Inasahan na ng binata ang pag-iwas nito sa kanya nang dali-dali itong umalis kasama ang isang dalagita palayo sa kinaroroonan niya.

Sa kabila ng matinding kaba ay buong tapang nitong ipinakilala ang sarili sa matandang babae --na natitiyak niyang lola nito --pagkatapos ng misa. Hindi naman iyon kataka-taka dahil malaki rin ang pagkakahawig nila ng dalaga.

Para sa babaeng halos ilang buwan nang gumugulo sa isipan niya ay gagawin nito ang lahat para suyuin siya. Kahit ilang tauhan pa ang i-assign niya para lang subaybayan ito habang nasa maynila.

Gayunpaman, hindi na siya naging kampante sa mga nangyari simula noong huling pag-uusap nila ni Arnaldo. Kaya ganoon na lamang ang naisip nitong dalihan para makalapit  kay Emilia, ang ipakilalang kasintahan ng babae sa kanyang mamala.

Like a knife digging a deep hole inside his chest, inasahan na niya ang lahat ng maaanghang na salitang sasabihin ng dalaga. But he didn't expect she would knock him brutally with such venomous words coming out of her mouth.

"I don't love you anymore." She said with disgust. Iniwas nito ang tingin sa kanya.

Pregnant silences creep in. Hindi siya agad nakasagot. He have no freakin' idea it would turn out differently. Taliwas ito sa inaasahan niyang gagawin ng dalaga. Pero sino nga bang niloloko niya? Sa dinami-raming pasakit na ginawa niya sa babae ay hindi na kataka-taka ang pagbago ng pakikitungo nito sa kanya.

"I'll make you love me then." He said softly. Naging mabilis ang pag-iling nito at nakikinita na niya ang mga mumunting butil ng luha sa malungkot nitong mga mata. Sa mga oras na iyon ay gusto niya itong aluhin ngunit may kung anong pumipigil sa kanya na gawin iyon.

"No. Don't bother yourself making me love you once more. 'Cause even if I die, I will never love you the same way I loved you before." Her words stinged under his skin like a sharp needle. Ramdam ni Theo ang panggagalaiti sa boses ng kaharap at bago pa man siya makasagot ay nasulyapan nito ang marahas na pagpunas ng luha bago siya tuluyang iniwan na mag-isa.

Abot langit ang galit niya nang makauwi siya galing sa lugar na pinagta-trabahuhan ni Emilia. Balak kasi nitong sunduin ang dalaga pagkatapos ng trabaho nito. Halos maubos na niya ang mga mura sa diksyunaryo nang makita nitong suot parin ng dalaga ang maikling skirt na nakita niyang suot nito kaninang umaga.

He can't contain his anger anymore so they end up fighting each other, again. Mas lalo itong nagpuyos sa galit nang makita nitong sumakay sa sasakyan ni Franco.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon