Kasintahan?
Mabilis na nagsalubong ang magkabila kong kilay nang makita ko ang tingin ni Theo sa direksyon ko. Hindi ko magawang suklian ang tingin niya kaya inilipat ko nalang ang atensyon kay mamala at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
"M-mamala, wala po akong boyfriend. Hindi ko po siya kilala!" paliwanag ko sa tanong niya kanina habang nakaturo sa lalaking hindi ko mawari kung anong trip sa buhay.
Alam kong hindi naniniwala si mamala base na rin sa masungit nitong tingin sa akin at mukhang mapapagalitan pa ako ng wala sa oras dahil nagsisimula nang lumukot ang medyo kulubot nitong noo.
"Aba'y hindi naman niya ako sasadyain kanina sa simbahan kung hindi ka niya kilala!" sabi nitong pagalit.
Halos manayo ang mga balahibo ko sa batok nang maalala ko ang mga nangyari sa simbahan kanina. Wala sa sariling napahawak ako sa sariling batok at rinig ko pa ang pagtikhim ng lalaki sa ginawa kong iyon dahilan para mapatingin ako sa direksyon niya. Kita ko ang mapang-asar nitong mga mata kahit seryoso ang mukha niya at mas lalong nag-init ang ulo ko sa pagtitig niya sa maikli kong buhok pababa sa mga balikat ko.
Mabilis akong napalingon kay mamala nang marinig ko siyang tumikhim at halos kabahan ako sa matalim niyang tingin ngayon. "M-maniwala po kayo sa akin La, h-hindi ko nga po siya kasintahan!" pangungumbinsi ko pa dito.
"Oo nga po mamala kasi kilala ko talaga ang boypren ni ate!" napatingin si mamala sa kakalabas lang na si Danica galing sa kusina at kumakain ng Toblerone. Takang napatingin ako sa hawak nito na puro toblerone sa kaliwa at may hersheys pa sa kanan. Hindi ko na binigyan ng pansin iyon dahil mukhang alam ko na kung kanino ito nanggaling.
Mabilis na binawi ni mamala ang mga kamay niyang hawak ko at hinarap si Danica. "Anong ika mo Danica? Alam mong may boypren ang ate Emilia mo pero hindi mo nagawang sabihin sa akin!?" napatigil siya sa pagnguya ng kinakaing tsokolate at nanginginig na nagpaliwanag sa matanda.
"E-eh kasi mamala kahapon nahuli ko siyang may kasama sa sapa. Kung hindi lang ako dumating magki-" pinutol ko na ang kuwento niya dahil alam kong mas lalong magagalit si mamala pag narinig iyon.
"Danica!! Isa pang dakdak mo at tatamaan ka sa akin!" pinanlakihan ko siya ng mata para matakot siya kaya napatakbo nalang ito pabalik sa kusina.
"Emilia! Huwag mong patulan ang bata dahil hindi nagsisinungaling iyan!" sita ni mamala sa akin na napalakas bahagya ang boses. Nag-alala ako ng sobra dahil baka may mangyari pa ditong hindi maganda. Bago pa ako makahawak ulit kay mamala ay biglang sumingit sa usapan si Theo at mula sa peripheral vision ko ay tumayo sya sa inuupuan at lumapit sa aming dalawa. Nang makalapit siya sa tabi ko ay pasimple ako ditong lumayo dahilan para hablutin nito ang braso ko ng madiin at nang hindi na ako makalayo pa.
"Excuse me. Can I talk to her first, mamala?" malalim na sabi niya kay mamala na siyang tinanguan bilang sagot. Napairap ako sa kawalan nang marinig kong sinabi niya ang word na 'mamala' as if na nagka-close kaming dalawa.
Bago pa man ako nito makaladkad palabas ng bahay ay narinig ko pa ang sinabi ni mamala. "Hindi ko siya pinapayagang lumabas ng bahay na may kasamang lalaki"
"I understand" maikling sagot ni Theo dito.
"Mabuti kung naiintindihan mo" masungit na sabi ni mamala bago ito umalis sa harapan naming dalawa.
Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si mamala ay marahas kong binitawan ang hawak ni Theo sa braso ko at matalim ko siyang tiningnan. Mabilis akong pumunta sa balkonahe ng bahay sa labas at alam kong sumusunod siya.
Iritable akong napabuntong-hininga. "What are you doing here Theo?" seryoso kong tanong sa kanya at hinarap ko siya pagkatapos.
At mukhang wrong move pa ako sa part na yon dahil bumungad sa akin ang mukha niyang malapit sa mukha ko. Madali kong inilayo ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.