Tatlumpung minuto.Tatlumpung minuto na akong nakatitig sa labas ng bintana kahit na madilim na ang paligid. Diretso ang tingin ko sa mga talang nagsisilitawan sa kalangitan. Malalim ang iniisip at nagmumuni dahil sa mga nangyari kanina sa kubong tinitirhan ni Theo. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ang mga maiinit na eksenang ginawa naming dalawa.
Dama ko ang panginginig ng kamay ko na para bang nasa harapan ko lang siya.
Tama ba ang ginawa ko? Masyado ba akong naging mabilis?
Napabuntong hininga ako sa sariling naiisip. Kahit naman wala pang nangyaring 'kaganapan' sa aming dalawa ay hindi ko pinagsisihan iyon.
Inaamin kong umasa ako kahit papaano na may mangyayaring ganoon pero naalala ko ang mga sinabi ni Theo sa akin pagkatapos.
"Marry me first, darling." Kasabay ng mapaglaro nitong mga ngiti. Ang kapal ng mukha 'di ba? Nagmukha pa tuloy akong atat na matikman siya kahit halata naman sa pagmumukha noon ang matinding pagpipigil sa sarili. Lalo na sa klase ng titig nito sa akin.
Pakipot ka pa, Emilia. Samantalang halos mag-iririt ang buong kalamnan mo sa tuwing tinatawag ka nitong darling!
"Couz, ayos ka lang?" Napahinto ang pagmumuni ko nang maramdaman ko ang pagkalabit ni Coleen sa aking balikat.
Sa sobrang pag-iisip sa mga nangyari kanina ay nakalimutan kong may gusto nga pala si Coleen dito. Problema ko pa tuloy kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Kausapin ko nalang din siguro sya mamaya pag wala na sila mamala sa harapan naming dalawa.
Kung kanina ay suot pa nito ang kulay green niyang jersey, ngayon ay naka-puting sando na at maikling shorts pa. Nakaipit sa likod ng kaliwang tainga ang hibla ng kanyang kulay abong buhok.
"H-huh?" Wala sa sariling usal ko.
"Sayang at umuwi ka kaagad. Nanalo si mamala sa palaro kanina! Akalain mo 'yon?" Nakangising baling niya kay mamala na abala sa pag-ayos ng mga ginamit nila kanina sa mga pagluluto.
"Nanalo si inay sa boodle fight kanina kasi siya ang napiling may masarap na putahe. Niluto niya iyong pochero gamit ang paraan ng pagluluto ni lola Aurora." Tukoy ni ante Fatima sa yumao nitong lola. Bakas sa mga mukha nila ang saya dahil sa napanalunan.
"Tignan mo ate may premyo tayo! Isang sala set!" Sabi ni Danica na tuwang tuwa sa pag-upo upo sa malambot na sofa. Rinig ko pa ang pagkalansing ng mga barya mula sa bulsa nito.
"Bakit ka nga pala umuwi ng maaga, apo?" Singit ni mamala.
"N-napagod lang ho, mamala. Sumakit yung katawan ko sa laro namin ni Coleen kanina." Pagdadahilan ko na syang pinaniwalaan nito agad. Sinegundahan naman ito ni Coleen ng mga kuwento at natuwa siya sa naging laro naming dalawa.
"Nag-tira nga pala ako ng pochero para sa inyong dalawa ni Theo." Sabi ni mamala pagkatapos.
"Ako na ho ang bahalang tumawag kay Theo, mamala!" Singit ni Coleen sa usapan namin.
"Si Emilia nalang. Wag ka nang mag-abala at pagod ka sa paglalakad." Agap ni mamala sa biglang pagpresinta ni Coleen. Binigyan niya ito ng mapanuring tingin ngunit isinawalang bahala niya ang gustong ipahiwatig ng matanda at nagpumilit pa ito.
"Ayos lang mamala. Kaya ko pa naman ho maglakad." Nakangiti nitong sabi kasabay ng mabilis na paglakad takbo palabas ng bakuran patungo sa kubong tinitirhan ni Theo.
Napatikwas ang kilay ni mamala sa naging asal nito at idinapo ang tingin sa akin. "Hindi ako natutuwa sa ikinikilos niyang pinsan mo. H'wag kang mag-alala at kakausapin ko iyan mamaya." Matalim nitong sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.