CHAPTER 24

232 4 0
                                    

"Good morning anak!" gising ni mommy na siyang nagpabalikwas sakin.

Pusturang pustura ito ngayong araw dahil naka-gayak ito na parang may pupuntahang reunion.

"Morning mom. Where are you going?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Today is your fitting day!" masiglang sabi nito sa akin.

Naputol ang paghihikab ko.

"W-what?" nabubulol kong tanong dito.

"Bilisan mo na't mag-ayos ka. Kanina pa naghihintay si Vincent sa baba at didiretso na tayo sa boutique" nakapameywang nitong utos sa akin nang makitang di pa ako kumikilos.

"P-pero mom-"

"No buts, baby girl. Up! Up!" hila nito sa akin patayo at pinagpapalo ang pwet ko papunta sa banyo.

Afterlunch na kami nakarating sa boutique dahil nakatikim pa ko ng samu't saring reklamo mula kay mommy dahil sa sobrang bagal kong kumilos.


"Hi Emilia my friend! Look at me, do I look like a princess?" nae-excite na sabi ni Czarina sa suot niyang kulay rose gold na gown nang makapasok kami sa loob. Magandang tingnan ang design ng gown sa kanya dahil nakacross ang strap nito sa harapan at mas nadepina ang hubog ng kanyang katawan.

"Of course, you look beautiful!" nakangiting sang-ayon ko dito.

"How's my look?" sabi ng pamilyar na boses sa gawing gilid naming dalawa at mula sa isang fitting room ay lumabas si Alexa doon suot ang kaparehong kulay pero naka-pahalang naman sa balikat ang strap nito. Kitang kita ang collar bone niyang exposed at ang liit ng kanyang bewang.

"Looks good on you" sabi ng boses na nasa likuran ko. Pero hindi ko na nagawa pang lingunin dahil kilala ko naman kung sino.

Kita ko pa kung paanong namula ang mukha ni Alexa pati ang pagkagat sa ibabang labi upang pagtakpan ang kilig na isinawalang bahala ko nalang.

"Emilia my friend, Let's try this one! It looks sexy and elegant. I'm sure as hell it will fit on you!" agaw ni Czarina sa atensyon ko na ngayon ay may hawak nang wedding dress.

Hinila ako nito sa bridal fitting room at iniharap sa malaking salamin. Sinimulan ko nang hubarin ang suot na blouse pagkasara nito ng sliding door.

"Thanks sis." nakangiti kong sabi sakanya na sya namang ginantihan ng kindat.

"Where's Pau and others?" tanong niya bigla.

"They're busy right now and has important matters to attend to" dahilan ko sa kanya.

"Mas importante pa sayo?" taas kilay nitong tanong.

"Hayaan mo na sila. I already asked the owner to have a gown and suit for them" paniniguro ko sa kanya na pinaniwalaan naman nito.

FLASHBACK:

"Pau, aren't you coming? It's my wedding day next week" malungkot kong salubong sa kanya pagka-accept nito ng tawag.

"Seriously couz? We're not going" mataray nitong sagot.

"Why? Can't I have the support atleast?" Naghihinampong tanong ko dito.

"Nope. We're not going especially if you're not happy. I can't afford to look at your sad face wearing that trash gown" nahihimigan ko ang lungkot nito sa kabilang linya kahit halatang gigil din ito sa mga nangyayari.

Napabuntong hininga ako at hindi na nakasagot. Siguro ay na-sense niya iyon kaya nagpatuloy pa ito.

"You know I love you, Emilia. But I don't wanna see the hurt in your eyes while looking at someone you-"

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon