CHAPTER 30

263 5 1
                                    

"Bakit ka naman kasi nagmura girl? Mukhang wala sa mood si sir Franco!" bungad sakin ni Mica nang umalis na sa harapan namin si sir Franco. Kinabahan naman ako ng sobra dahil first day ko palang mukhang matatantusan agad yung evaluation sheet ko!

"A-ah ano.. kasi yung kwan.. ang pogi kasi niya kaya napamura ako!" katwiran kong pilit na ngumingiti sa kanila.

Tahimik akong napamura sa sarili dahil sa napiling dahilan.

"Ay kavog! Kaya naman pala. Ayos lang yan no! Alam mo ba yang si sir Franco sa sobrang gwapo napapamura na din ako minsan ng shett! sir please, eat me! Raaawr!" singit ni Joey na biglang napadausdos ng marahan sa sariling cubicle pababa sa sahig habang kagat labing umaarte.

Nilapitan siya ni Judith at sinabunutan ng matindi.

"Landi mong gaga ka! makukunan talaga ako sayo ng maaga eh! magsibalik na nga kayo sa trabaho." nakukunsuming sabi nito sa kanila ni Mica. Humarap ito sa akin pagkatapos habang hinahaplos ang malaki nitong baby bumps.

"Ihahatid na kita sa office ni sir Franco tutal ay na-orient na din naman kita at tinuro ko na ang mga rules and regulations dito." sabi niya. Palakad na sana siya nang hawakan ko ang braso niya para pigilan.

"S-seryoso ba yon?" tukoy ko sa lalaking iyon.

"Wag kang matakot. Mabait naman yon si sir Franco. Nadadaan naman yata sa sorry" kibit balikat na sabi niya.

"Sana nga" napabuntong hininga muna ako bago sumunod sa nilalakaran niya.


Dahil nasa iisang floor lang naman ang opisina namin at ang opisina ni sir Franco ay mabilis naman kaming nakarating sa tapat ng pintuan niya. Sinabi na rin kasi sakin ni Judith na hindi man kalakihan ang building na ito ay di hamak na mas malaki ang main building sa manila. Kumbaga branch lang ang nandito at si sir Franco ay mas piniling dumito sa San Carlos kaysa sa manila.

Iniwan na ako ni Judith sa tapat ng opisina at sinimulan ko nang kumatok sa pinto.

"Come in" sabi ng malalim na boses. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang seryosong titig ni sir Franco pagkapasok ko.

"H-hi sir. Ahmm.. about kanina-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mabilis itong nagsalita.

"name please" maikli nitong sabi habang may inaasikasong mga papeles sa ibabaw ng desk niya.

"Emilia Lauren Ybarra" sabi ko. Binitawan niya ang mga papel na hawak at tumingin sa akin.

"Emilia, hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Here in our company, we don't allow everyone to cuss or speak unnecessary words towards your co-workers and your superior including me" masungit nitong sabi na ikinatango ko dahil totoo naman at nakonsensya ako sa ginawa dahil sinabi ko pa talaga iyon sa harapan ng mga empleyado niya.

"I'm sorry sir. Will never do that again in the future" nakatungo kong sabi. Tiningnan ko pa siya ng may paawa effect at baka sakaling maawa naman siya pero kunot noo lang niya ako tiningnan na parang tanga.

"Good. I'll let it slip for now. You may go" iling-iling na sabi nalang niya.

"Thanks sir" ngiting sabi ko. Mabilis na akong tumalikod para makalabas nang opisina pero bago ko pa man mahawakan ang seradura ng pinto ay nagsalita sya.

"You have no ideal boobs but ... nice butt anyway" he smirked.

Napamura ako ng sunud-sunod at mabilis na tinakpan ang pang-upo bago umalis sa lugar na iyon.

Hindi ko na alam kung makakatagal pa ako sa kumpanyang ito dahil sa kanya. Hindi ko kasi gusto ang panti-trip niya sa'kin at nakakapikon ang ugali niyang pabago-bago! May multiple disorder ba yon? Hays.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon