"Emilia! Tara na at nakahanda na ang hapunan. Papasukin mo na ang boypren mo at nang makakain na tayo" mabilis kong iniwan si Theo sa balkonahe nang marinig ko si ante Fatima na nagsalita at pumasok na agad sa loob.
"Kuya Theo, salamat po sa mga tsokolate" sabi ni Danica sa kalagitnaan ng hapunan. Kita ko pa kung paanong namula ang magkabilang pisngi at tila'y hiyang hiya pa siya sa kaharap."Do you want some more? I'll buy-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at inunahan ko na siya.
"Magtagalog ka. Hindi ka maiintindihan niyan" walang gana kong sabi sa diretsong boses. Kita kong napalingon siya sa akin dahil katabi ko lang siya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil busy ako sa pagsalok ng kanin sa sariling plato.
Ibinalik nalang niya ang atensyon kay Danica. "Gusto mo bilhan pa kita ng marami? Ayos lang" nakangiti niyang tanong dito na mas lalong nagpapula ng pisngi nito.
"T-talaga ho? Gusto ko yon!" nahihiyang tanong niya.
"Naku Theo, mamimihasa iyang batang yan!" singit ni ante Fatima na naglapag ng nilagang dahon ng talbos at maalat na bagoong. Napahinto si Theo bahagya at napatitig sa pagkain.
Halos matawa ako sa hitsura niyang iyon dahil alam kong hindi niya trip ang mga madadahon na ulam. Pero nabura ang ngiti ko nang walang anu-ano'y kumuha siya ng maraming piraso non at kumain.
"Madilim na sa daanan. Dito ka na matulog" napahinto ako sa pagtayo nang marinig ko ang sinabi ni mamala kay Theo.
"Thank- Salamat, mamala" sagot niya dito. .
Tinitigan naman ako ni mamala ng mariin at tinuro. "Ikaw Emilia, ihanda mo ang kwarto mo. Doon matutulog si Theo"
"Mamala!!?" bulalas ko sa kanya. Hindi pwedeng doon siya matutulog! Kung ganoon ay magkatabi kaming dalawa? Shit. No wayy-
"Doon ka sa kwarto ko matutulog" seryosong sabi ni mamala at mabilis nang tumayo sa inuupuan at dumiretso na sa kwarto niya.
Maaga akong nagising para pumasok na dahil tapos na ang day-off ko ngayon. Nakasuot ako ng light pink na bulaklaking chiffon blouse at black pencil cut na may di kataasang slit sa gilid. Hinayaan ko lang ang maikling buhok na nakalugay dahil wala naman akong maisip na estilo para dito. Inipit ko nalang ang buhok sa kaliwang bahagi ng tenga at hinayaang nakaladlad ang sa kabila.
Bago pa man ako makalabas ng kwarto ni mamala ay nagawa ko pang magpahid ng pink lipstick sa manipis kong labi kahit di ko naman ugaling lumabas ng bahay na naka-kolorete ang mukha. Nasanay na kasi akong mag-make up sa sarili sa tuwing dumarating ako sa opisina dahil nakakaubos ng oras pag sa bahay pa ako mag-aayos. Hindi ko lang alam kung anong trip ko at ginawa ko iyon kaya isinawalang bahala ko nalang.
Pagkapihit ko nang seradura ng pintuan ay halos matunaw ako sa titig ni Theo nang makita ko siyang padaan papunta sa kusina. Pansin ko ang pagtingin nito mula sa mga paa ko hanggang sa mukha at may bahid ng pagdisgusto ang mukha nito dahil paulit-ulit pa itong tumingin sa palda ko.
Hindi ko siya pinansin dahil naiirita ako sa pagmumukha niya kaya taas-noo akong nilagpasan siya pero bago pa man ako makalagpas ay mabilis ako nitong hinila papasok sa loob ng kwarto ni mamala. Kaagad akong kinabahan ng malakas dahil sa ginawa niya. Sunud-sunod akong napamura ng malutong at tinulak-tulak siya papalayo sa pintuan na hinarangan pa niya para di ako makalabas.
"Change that damn skirt. It's too short!" mabagsik niyang utos sa akin na halata mong kinokontrol ang sarili na sigawan ako. Bago pa man din ako makasinghal sa kanya ay mabilis siyang lumabas ng kwarto at malakas na isinara ang pinto. Mahina man ang boses niya ay rinig ko parin kung paanong sunud-sunod itong nagmura ng malutong habang papalayo.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.