CHAPTER 39

271 7 1
                                    

This chapter is dedicated to my avid readers in Fb:

zaicamae27
scarlette_heurt
Acerlyngalasi
kianniely
blackdamon
Ivy Daloso Noble

Maraming samat sa walang sawang feedback. Gusto ko kayo i-mention lahat kaso ang dami ninyo haha! Binabasa ko lahat ng comments at natutuwa ako kasi ang daming naho-hook sa story. Di ko naman in-expect na magiging maganda ang kalalabasan nitong kwento. Nagsimula lang kasi 'to sa simpleng prologue lang then few chapters at di na natuloy (Last year pa kasi to). Pero dahil maraming nangulit sa'kin ayon tinuloy ko na. Salamat ng marami at dahil sa inyo nakarating tayo sa chapter na 'to! Love lots ♡


~●~

Ilang araw din ang lumipas pagkatapos ng insidenteng iyon sa restaurant. Naalala ko pang dali-daling umalis si Lexie sa harapan ko pagkatapos. Tahimik lang si Franco na nagmaneho ng sasakyan pabalik sa building at natapos ang buong araw na parang walang nangyari.

Inasahan ko nang magagalit si Theo dahil sa mga narinig niya kaya nilapitan ko siya pagkatapos naming maghapunan. Papunta na sana siya noon sa tinutuluyan niyang kubo nang sundan ko siya sa bakuran dahil naroon ang daan. Magpapaliwanag na sana ako pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Dismayado man sa inakto niya ay dumiretso nalang ako sa sariling kwarto at natulog.

Nagpatuloy pa ang mga araw na hindi ako nito kinausap pero pansin ko ang pagiging determinado nitong magpa-impress kay mamala. Halos magbalat kalabaw na ito kakatrabaho sa sakahan tuwing umaga at pagdating naman sa tanghali ay nagsisibak ito ng kahoy para kay ante Fatima sa pagluluto. Sa pagsapit ng hapon ay kasama nito ang tahimik na si Kokoy at sasamahan sa sakahan na magpalipad ng saranggola.

"May problema ba kayo ni Theo, apo?" Tanong ni mamala sa akin isang araw habang nakahalumbaba ako sa bintana at nakatanaw sa lawak ng sakahan.

"W-wala naman ho, La. Ganyan na po talaga siya noon pa." Sabi ko sa mahinang boses.

Inipit niya ang ilang takas na hibla ng buhok sa likod ng aking tainga at ngumiti. "Alam ko ang tinginan ninyong dalawa. Akala mo ba'y hindi ko napapansin nitong mga nakaraan?" Usisa nito sa akin.

Napabuntong hininga ako at tiningnan siya pabalik.

"Ano ho bang dapat kong gawin?" Nagsusumamo kong tanong kay mamala dahil hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. Naguguluhan ako kung dapat ko pa bang pagkatiwalaan si Theo lalo na at malaki ang atraso ng pamilya namin sa kanya. Isa pa iyon na dahilan kung bakit hindi ko magawang tanggapin siya dahil pakiramdam ko ay hindi namin deserve ang isa't isa.

Ano bang malay ko kung isa nanaman ito sa mga plano niya para pasakitan ako? Hindi ko na talaga alam. Alam kong napatawad ko na sya pero hindi ko parin maiwasang isipin.

"Apo, kung ikaw ay magpapatawad sa isang tao, alisin mo na ang lahat ng galit. Dahil galit ang nagiging dahilan kung bakit pareho kayong nahihirapan." Paliwanag niya. Naglumikot ang tingin ko dahil sa diretso nitong tingin sa akin.

"Pero may sapat naman po akong dahilan para magalit sa kanya." Laban ko pa.

Umiling-iling sya at halata ang disgusto sa sinabi ko. "Komporme sa dahilan. Kung ikaw ay magpapatawad, dapat ay taos sa iyong puso."

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at marahang hinaplos haplos iyon na may halong pag-iingat.

"Mabait na bata si Theo. Hindi nga lang mahahalata sa masungit nitong mukha. Naikwento ko na bang ganyan noon ang papalo mo? Kaya't hirap na hirap akong habulin iyon noon." Natatawang kuwento nito nang maalala niya ang paghahabol niya noon kay papalo. Pero ibang kuwento naman sila. Wala namang ibang babae na involve sa love story nila samantalang sa amin ni Theo ay meron. Kung tutuusin pa nga ay ako ang involved dahil dalawa sila ni Alexa ang nagmamahalan. Parang ako pa yata ang sumira sa plano nilang dalawa.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon