CHAPTER 21

249 5 0
                                    

Napangisi siya ng wala sa oras nang mapansin niyang wala akong masagot kundi matalim na titig lang.

"At isa pa, alam kong masasaktan ka lang sa sasabihin ko sayo Emilia kaya makinig kang maigi" sabi niya habang pinagku-krus ang mga braso.

"I don't have time to listen to your crap lies-" mahinang sabi ko sa matigas na tono.

"But it's important for you to know that technically, we're not cousins and I know by now, na alam mong adopted si Theo"

Alam ko. Sarili ko lang naman ang nagpapaniwala na magpinsan sila para makonsensya sya.

"You know, when we were young, sinanay kami ng mga magulang namin na kilalanin ang isa't-isa bilang magpinsan." dugtong niya pero hinayaan ko lang siya magkwento dahil wala naman akong pakialam sa lovelife nilang dalawa.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang pananatili ko sa harapan niya at pakikinig ko sa mga kwento niya na alam ko namang makakasakit sa damdamin ko.

"But I didn't acknowledged him as my cousin before dahil inlove ako sa kanya noon pero bawal. Sa mga mata nila it's forbidden when in reality it's not. So I don't have a choice but to accept the fact that we're 'cousins' not until he opened up his feelings to me last time" kibit-balikat na pagtatapos niya sa kwento na parang napakasimple lang intindihin at nasa sa akin na yon kung paano ko tatanggapin.

"Anong gusto mong maging reaksyon ko? Na.. na masaya ako para sainyo? Anong gusto mong sabihin ko Alexa? Congraaats sis! Finally, kayo na ng hindi mo pinsan na si Theo! Yeheeey! Ganun ba?" sarcasm na sagot ko sa kanya with matching actions pa na parang tuwang tuwa.

Gustuhin ko mang kumalma ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Kung nagagawa ko lang ba ito dahil sa nasasaktan ako o dahil sa ego ko hindi ko na alam.

"Or gusto mo ganito.. Congraaats Alexa! kayo na ni chief Theo! I'm so happy for you! finally, you've reached the uncousin level 999-"

"WHAT THE F*CK IS HAPPENING HERE!?" Malakas na sigaw ng pamilyar na boses pagkatapos ng malakas na kalabog ng pinto.

"Theo!" natatakot na sumbong ni Alexa kay Theo sabay kapit nanaman dito na parang linta.

"Wala. Usapang malalandi lang" I keep my cool at walang gana ko silang tiningnan.

Nang mapansin kong wala naman kaming mapapala sa alitang ito ay nagmadali na akong kumilos para lagpasan silang dalawa. Pero bago pa man ako makalapit sa pintuan ay may matigas na kamay na humablot sa kaliwang braso ko para pigilan akong lumabas.

"Don't start with me woman!" matigas na pagbabanta ni Theo kasabay ng mahigpit na paghawak sa braso ko.

Paniguradong magkakapasa nanaman ito mamaya! Tsk.

"Don't touch me!" angil ko sakanya nang hindi ko na makayanan ang sakit pero nanatili lang ang nanlilisik nitong tingin sa akin.

"I can sue you for harrassing her!" sabi niyang nagtitimpi base sa pamatay nitong tingin.

"And I can sue you for physical injury so kwits lang! " matapang na sagot ko sakanya bago ko malakas na binitawan ang kamay niya mula sa braso ko sabay alis sa lugar na iyon.



Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Ang kasal na ipinlano ng mga magulang ko ay hindi nasunod dahil nakiusap akong kilalanin muna si Vincent bago kami ikasal.

Dismayado man sila ay wala silang nagawa dahil sinabi kong kahit anong mangyari ay matutuloy naman ang kasal.

Napabuntong hininga ako sa harapan ng salamin. Kung noon ay uniporme lang ang sinusuot ko, ngayon ay business attire na. Kakaiba ang ayos ko ngayon dahil mas nagmukha akong professional sa kulay white na blouse at dark gray na pencil cut above the knee.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon