CHAPTER 12

247 6 0
                                    

Grabe naman si chief magkasakit! Imbes na siya ang dapat chansingan ay mukhang ako pa ata yung minamanyak nito! chos.

"T-teka lang chief! wag masyadong mabilis baka bumigay ako" nahihirapan kong sabi sakanya. Paano ba naman kasi halos hindi na ako makagalaw sa higpit ng yakap niya.

Nang marinig niya ako ay mabilis siyang napadilat at napatitig sa mga mata ko. Naging matagal ang titigan na iyon bago niya ako mabilis na itinulak sa kama.

"Are you taking advantage on me!?" sigaw niya sa akin kahit halatang nahihirapan siya.

Nanakit ang puwetan ko dahil sa impact ng tulak niya. Grabe may sakit na't lahat nagawa pang manulak!

"FYI chief, ikaw ang unang nanghihila jan. Malay ko bang may lihim na pagnanasa ka pala sa akin?!" naiinis na sabi ko sakanya at marahang tumayo habang hawak ang puwetan.

"Get out of my room, now!" sigaw niya sa akin habang nakaturo sa labas ng pintuan.

Hindi ko siya sinunod. Kinuha ko nalang yung gamot niya sa table pati ang tubig na ni-ready ko kanina para maipainom ulit sakanya.

"Inumin mo muna tong gamot mo!" alok ko sa kanya ng gamot.

"What the fuck is that again!?" naiinis niyang tanong habang hinihilot hilot ang sentido.

"Paracetamol.. Paraceken ka lang" sabi ko sakanya na kaagad naman akong binigyan ng nakamamatay na tingin.

Dahil wala na siyang lakas para makipagbangayan sakin ay sumunod nalang siya. Kahit masakit ang puwetan ay inalalayan ko parin siya para makaupo. Pinainom ko sa kanya yung gamot at ako na rin ang nagpainom ng tubig.

"Pagaling ka na chief. bubuo pa tayo ng pamilya" pangungumbinsi ko.

"Dream on" sabi niya ng naka-smirk.

"Ang sungit" sabi ko sa kanya ng diretso.

"None of your business" sagot agad niya. Hindi talaga nauubusan ng sasabihin ang lalaking ito! tsk.

"Kaya walang nagkakagusto sayo eh!" inirapan ko siya.

"Are you describing yourself?" napatigil ako sa sinabi niya. Nag-uusok na ang ilong ko sa inis dahil sa mga sinasabi ng lalaking ito. Kung wala lang siyang sakit, masasaktan ko ito e!

Tumingala ako sa ceiling para pahabain ang pasensya ko. Mapagpatol pa naman ako minsan!

"Sa ganda kong ito walang magkakagusto? marami kayang nahuhumaling sa beauty ko at kasama ka doon. Tama ba ko chief?" asar ko nalang sa kanya.

"....." sagot niya. Dahil wala akong narinig na respond mula sa kanya ay nilingon ko siya at napansing nakapikit na ang mga mata niya at tahimik na natutulog.

Kita mo tong lalaking ito. Sa hinaba haba ng sinabi ko tinulugan niya lang ako!

Nang masiguro kong tulog na nga siya ay napasimangot ako. Wala manlang kiss na nangyari! hinintay ko pa naman. chos!

Pero hindi ko siya nanakawan ng halik no! never. Baka mahawaan ako ng sakit niya e. Char!

Nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto at itinuloy ang tulog sa malaki niyang sofa. Nang magising ulit ako bandang alas tres ay samu't saring text messages ang natanggap ko mula kay Daddy.

Anak ng bukid!

Kakauwi lang ni daddy kagabi at hinahanap niya ako. Pero dahil inuna kong lumandi ay hindi ko manlang na-check ang cp ko bago natulog. Haayy Emilia!

Bago pa man ako umalis sa condo ni chief ay nagiwan ako ng sulat sa bedside table niya na uminom siya ng gamot if ever na masakit parin yung ulo niya. Nag-iwan na rin ako ng tubig sa tabi ng gamot.


Pasado alas singko nang makauwi ako sa bahay. Hindi ko na binalak pang pumunta sa bakuran para umakyat sa kwarto ko dahil may nakaabang na agad sa pintuan pa lang.

"Where have you been young woman!?" sabi ng mala-kidlat na boses ni daddy. Nakasuot na ito ng business suit kasi ugali na nitong pumasok palagi ng maaga simula noong ma-comatose si mommy.

"I came from Pau and Kuya Cyrill's house, Dad" sabi kong pilit na tinatakpan ang kaba.

"Are you telling the truth!?" naniniguradong tanong niya.

"Of course I am" I said with conviction para makatotohanan.

"Okay, call her" gamuntik na kong matumba nang sabihin niya yon.

"W-what?" nauutal kong tanong.

"Call Pauline" prenteng sabi ni daddy.

"O-okay" maikling sabi ko kahit deep inside ay gusto ko nalang tumakbo papasok ng bahay sabay lock ng pinto para di na makapasok si daddy. Pero siyempre di ko gagawin yon takot ko lang.

"Turn the speaker on" utos niya.

"WHAT?" nabibiglang tanong ko pa. Pinilit kong pahinain yung salita pero napasigaw talaga ako.

"Emilia!" sigaw din niya sa akin na halata mong nagdududa na sa akin dahil halos lumabas na ang ugat sa sentido niya.

"Okay dad" sabi ko nalang ulit. Mariin akong napadasal sa lahat ng santo na madaan sa utak ko habang nagi-scroll ng number sa contacts. Pinagdasal ko na sana ay out of coverage siya or di niya sagutin kasi baka tulog pa kaso hindi nangyari yun.

Nanginginig pa ang mga kamay ko nang marinig kong nagriring na yung dina-dial kong number. Nang sagutin niya ang tawag ay may naisip akong idea. Buti nalang ay magagamit ko din itong kalokohan namin noong mga highschool palang kami.

"Hello sis. KAMUSTA KA?" i said emphasizing the word 'kamusta ka' alam na nila ang meaning non dahil yan ang codes na ginagamit namin kapag kailangan namin ang isa't-isa.

"O-oh hi sis. Eto ok naman!" kamusta ka means katabi ko si daddy at nakikinig ito ngayon.

"Saan nga ba ko galing KAGABI?" tanong ko naman na sinadya kong iparinig sa kanya ng malinaw ang word na 'Kagabi'

"k-kagabi?" nauutal na sabi niya. Napatingin ako kay daddy na nakatitig na ng matalim sa akin. Kinakabahan na ako sa klase ng titig na yon. Mukhang nangangamoy grounded nanaman ako nito! tsk.

"Oo sis. KAGABI" ulit ko pa sa kanya. Mejo nawala pa siya sa kabilang linya dahil may narinig pa kong may kausap siya.

"Sis dito ka galing kagabi. Nakalimutan mo na ba?" palihim akong napangiti. Bibigyan ko na sya ng award bukas! Good job Pau.

Pinatay ko na ang cellphone ko bago pa makuha ni daddy sa akin at paaminin si Pau.

"See? Galing ako sa kanila kagabi dad"

"Go to my library. We need to talk" seryosong sabi niya.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon