Warning: Read at your own risk.
Hindi na ako nagpatuloy pa sa boodle fight doon sa plaza dahil nawalan na ako ng mood para magsaya pa. Mag-isa ko na lamang tinalunton ang daanan pauwi sa bahay.
Nagsimula na ang tag-ulan kaya maputik ang mga daanan ngayon. Makikinita mo pa ang mga bakat ng paa ng kalabaw sa gitna ng basang kalsada. Dahil sa suot na rubbershoes ay mas pinili ko nalang na dumaan sa madamong bahagi para di ako mahirapang labhan iyon bukas.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay ay hindi na ako nagtaka na madadatnan kong sarado iyon dahil halos lahat ng mga tao ay nasa plaza at nagsasaya.
Dahil napaliligiran ng bukirin ang bahay ay umikot ako ng daan kahit alam kong medyo may kalayuan hanggang sa narating ko ang mumunting kubo na tinutuluyan ni Theo.
I felt the sudden urge to go inside so I followed my instinct. Sigurado naman akong walang tao sa loob kaya napagdesisyunan kong pumasok na.
Tulad ng dati, malinis paring nakasalansan ang mga gamit nito sa isang shelf bukod sa mga boteng naka-kalat sa may bandang sulok. Pati ang magulong higaan nito ay nakalimutan na yatang iligpit dahil wala iyon sa ayos.
Wala sa sariling kinuha ko ang manipis na kumot at iniligpit iyon. Paano nitong naaatim na matulog gamit ang manipis na tela sa malaki nitong katawan lalo na't sa pagsapit ng gabi ay sobrang lamig? Nakakatulog kaya ito ng maayos?
I shook my head profusely. Bakit ba kasi ako nag-aalala?
Maingat kong inilapag ang kumot sa ibabaw ng unan. Sigurado akong hindi ito sanay sa matigas na papag dahil hindi naman ito laki sa hirap.
Sinipat ko muna ng maigi ang kabuohan ng kwarto nito bago umalis nang makaramdam ako ng matigas na bagay na humawak sa aking bewang. Kasunod ng pagdikit ng matigas na dibdib nito sa aking likuran ay ang mainit nitong hininga na pumapaypay sa aking batok.
"Please, stop avoiding me. It f*ckin kills me, darling." Sambit ng garalgal na boses. May bahid ng pagsusumamo at kapaguran ang boses nito kasabay ng malalim na paghinga. Marahan nitong idinampi ang manipis na labi sa aking leeg ngunit saglit lang iyon. Halos magsitindigan ang buhok ko sa batok dahil sa sensasyong ipinaparamdam nito sa akin.
Mariin akong napapikit at dahan-dahang humugot ng lakas para tanggalin ang pagkakayakap niya. Hinarap ko siya pagkatapos.
Wala itong suot na pang-itaas at tanging jersey shorts na lamang ang saplot nito sa katawan. Nakalaylay ang damit nito sa maskulado nitong balikat at halos manlambot ang mga tuhod ko sa tagpong iyon.
Napalunok ako ng mabagal dahil sa namumula nitong mga mata. "Si Lexie." Panimula ko.
Biglang sumeryoso ang paningin nito sa akin. "What about her?" Umigting ang panga nito pagkatapos.
"S-she told me something about you." Nauutal kong sabi. Narinig ko pa ang pagmumura nito ng mahina.
"Don't believe in her. She's a scheming woman." Asik nito sa akin.
So tama ang kutob kong magkakilala nga sila. Napakuyom ako ng kamao dahil mukhang tama nga ang sinabi ni Lexie sa akin. Na ginamit lang ako ni Theo para magpakita ang daddy ko na pumatay sa ama niya at sa ganoong paraan ay mahuhuli niya ito ng walang kahirap hirap.
Mapait akong napangiti. Pilit kong inilalayo ang sarili sa gulo pero pilit din nila akong sinasali dito.
"Stop playing games with me. If you're doing this just to make my parents show up, itigil mo na. Ako pa mismo ang magsasabi sayo kung nasaan sila sa oras na malaman ko." Matabang kong sabi sa kanya.
"Is that the reason why you're avoiding me the whole time?" Malamig nitong tanong sa akin kahit na halata ang pagod sa hitsura nito. Hindi ako nakasagot dahil totoo naman iyon.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.