Halos malaglag ang babaeng hitad sa kinuupuan niyang arm rest nang marinig ako. Mabilis siyang tumayo at dumistansya sa gilid ng upuan ni chief. Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa akin.
"Misis, mawalang galang na ho. Ano po ba ang ipinunta mo dito at kung makalingkis ka sa boyfriend ko ay para kang naluging sawa?" nagtitimping tanong ko sa kanya habang siya naman ay halos malukot ang hitsura dahil sa inis.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nakipaglaban lang ng titigan sa kanya.
"Miss, it's none of your business! Kung ano man ang ipinunta ko dito ay sa amin lang ni chief yon!" pagtataray niya.
"Really? Paano kung sabihin ko sayong ako yung kabit ng asawa mo?" hamon ko pa. Nginitian ko siya ng nakakaasar. Bigla nalang kasi may pumasok na kalokohan sa utak ko.
"Edi sayo na siya! Tutal hindi ko naman talaga minahal ang gagong yon e. Pinakasalan ko lang yon dahil sa pera niya!" sagot nito na hindi ko inasahan.
Halos maubos na ang pasensya ko sa kanya. Nag-iinit na ang bunbunan ko dahil sa kakatihang bumabalot sa katauhan ng babaeng ito at kahit na mas matanda siya sa akin ay hindi ko siya uurungan!
"What the fuck did you say, Minerva!?" sabi ng panlalaking boses sa pagalit na tono kasabay ng paglitaw ng presensya niya sa loob ng opisina ni chief.
Hindi ko man inexpect ang pagdating ng asawa niya ay mas lalong hindi ko inexpect ang pangalan na sinabi ng lalaki sa kanya.
Halos mamatay matay na ako sa kakapigil ng tawa dahil sa pangalan ng babaeng hitad na ito. Sinupil ko lang ang namumuong ngiti nang makita ko ang nakamamatay na sulyap ni chief sa akin.
"H-honey!?" nabubulol na tawag ni Minerva sa kararating lang na asawa niya. Nanginginig na nilapitan nito ang asawa na ngayon ay nagtitimping sampalin siya dahil sa kahihiyang sinabi nito kanina.
"Let's go home. We'll talk about the annulment later" mabagsik na sabi ng asawa ni Minerva. Aalma pa sana siya pero pinutol ng asawa ang sasabihin sana niya.
"Pardon my wife for creating a scene here. Iuuwi ko na siya" masungit na sabi ng ginoo kay chief. Mukha itong kagalang galang dahil sa suot nitong business attire.
"It's okay Mr. Lim. You can go ahead and settle your problems first" masungit na sabi ni chief sa kanya na siya namang tinanguan ng lalaking mukhang kaedaran lang ni daddy.
Nang makaalis na ang mag-asawa ay tahimik naman kaming naiwan ni chief sa loob at kinuha ko ang chance na yon para iabot ang lunchbox sa table niya na may kasamang dabog.
Mag-uumpisa palang ako sa maaanghang na salita nang unahan ako nito ng masungit na tanong.
"Is it true?" sabi niya sa malamig na tono. Magkasalikop ang dalawang kamao habang nakadantay ang magkabilang siko sa kanyang table. Matalim ang tingin na binibigay sa akin at salubong na din ang magkabilang kilay.
"Is it true ang alin?" balewalang tanong ko.
"You're the mistress of Mr. Lim?" masungit na tanong ulit niya.
Halos sabunutan ko na ang lalaking kaharap dahil sa inis. Seriously? sa ganda kong ito mukha akong kabit?
"Liligawan ba kita kung kabit ako?" balik-tanong ko nalang sakanya.
Natahimik siya. Igting ang panga na nakatingin sa direksyon ko habang nakatingin sa lunchbox na inilapag ko kanina.
"What's that?" nahihiwagahang tanong niya na parang ngayon lang siya nakakita nito sa tanang buhay niya.
Susmiyo anak ng boogie land!
"edi Lunchbox!" di makapaniwalang sagot sa kanya at lihim na inirapan.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.