CHAPTER 8

273 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pauwi na sana si Theo galing sa headquarters dahil nahuli na nila ang suspek sa isang murder case nang may humarang sa dinadaanan niya.

Damn woman!

Why do you keep on blocking my way?

Usal niya sa sarili at naiinis na bumaba sa kanyang sasakyan.

"What the hell is the matter with you!?" he frustratingly said.

Base sa pasuray suray na lakad nito ay sigurado siyang lango ito sa alak. Kumuyom ang kanyang kamao nang utusan siya nitong ihatid siya pauwi sa bahay nila.

Who do you think you are?

Gusto niya sanang sabihin sa babae iyon. Tinitigan niya lang ito ng maigi habang ang babae ay mukhang pinipilit na kilalanin ang kaharap pero nang mapansin niyang hindi siya nito nakilala ay kinapa kapa nito ang sasakyan niya at pumasok sa kabilang pintuan.

Gusto niyang matawa. He think she's doing it on purpose.

"You know what? Ang ganda ng katawan mo. Mukhang masarap!" sabi ng babae sa kanya habang humahagikgik. Hindi na sana niya papansinin iyon ngunit may idinugtong pa ito. "Kaso parehas kayo ng body built ni chief kaya wag nalang! galit ako dun e" malumanay na sabi niya.

"W-why?" He gulped slowly. Wala naman dapat siyang pakialam kung galit ang dalaga sa kanya pero dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay parang nadismaya siya dahil galit ito sa kanya.

Well, hindi na siya nagtataka dahil siya lang naman ang nagpupumilit na lumayo ang kapatid sa babaeng ito. Atsaka base sa ayos niya palagi sa tuwing nagkikita ay laging naka-dress ito na parang nang-aakit.

Kung hindi lang dahil sa sinabi ng kapatid na matino ito na parang hindi ay iisipin niyang sinasadya ng babaeng ito ang pagkikita nilang dalawa palagi.

"basta! sayang.. ang pogi pa naman. Laglag ang asdfhjkl ko dun e tuwing tumititig siya sakin—teka!—chismoso ka din e no? magdrive ka na nga!" muntik na siyang mabwisit sa pagiging blunt ng babaeng ito. Lasing nga talaga ang kausap niya dahil kung anu-ano na ang nasasabi.

Sunud-sunod siyang napamura ng malutong dahil sa ayos ng upo niya. May makatabi ka ba namang dalaga sa isang sasakyan na nakabukaka at halos makita na niya ang hindi dapat makita.

You're so unpredictable!

"Anong kinagagalit mo? Ay teka—gusto mo ko no? tara kiss kita!" halos nabubulol na sabi nang babaeng katabi niya habang pilit na lumalapit papunta sa kanya.

Pinipilit niyang ibaling ang atensyon sa daanan pero dahil sa napakalapit na presensya ng babaeng ito ay napreno niya ng malakas ang sasakyan kasabay ng pagkahulog nito sa upuan.

Napagdesisyunan niyang dalhin nalang ito sa tinitirhan niyang condominium dahil wala naman itong sinabi na address at hindi sya driver para ihatid sya doon.

Nang mai-park niya ang sasakyan ay sinipat niya muna ang babae na parang batang natutulog at bahagyang nakaawang ang mga labi. Muntik na siyang matawa dahil narinig niya pa itong humilik ng mahina pero nag-iba ang mood niya nang marealize niyang lasing ito at mag-isa lang sa kalsada.

Paano nalang kung hindi siya ang naharangan ng babaeng ito?

Paano nalang kung may masamang tao na lumapit sa kanya?

Napahilot siya sa sentido dahil sa naisip na iyon. Sakit sa ulo talaga ang mga babae!

Dahil hindi na niya magising ang dalaga ay binuhat nalang niya ito at buti nalang ay hindi ito tulad ng ibang babae na maharot kung nalalasing.

Nang mailapag niya ang babae sa kama niya ay tiningnan niya muna ito mula ulo pababa and guess what he saw?

This girl is damn careless!

Nakita lang naman niya halos ang kaluluwa ng dalaga sa pang-ibaba. She didn't even wear a mini-shorts or cycling for pete's sake!

Nafu-frustrate na kinuha niya ang pinagliitang boxer sa walk-in closet at pikit-matang isinuot iyon sa kanya.

She looks delicate wearing a black fitted dress. Hindi niya napansin ang ayos ng babae kanina dahil madilim sa daan at naka-dim ang light ng kanyang sasakyan.

Kinumutan niya ang katawan ng dalaga dahil pilit niyang pinipigilan ang antisipasyon na nararamdaman sa tagpong iyon. He is a man with needs at natural lang na maramdaman ng lalaki iyon lalo na't hindi naman sila nito magkaano-ano.

He don't like being with a woman for a long period of time but he's not a saint also.  During his college days,  he had a fair share of experience with his exes before.

Hinawi niya ang nakaharang na buhok sa maamo nitong mukha. She looks innocent and seductive at the same time. Naiinis si Theo sa sarili dahil hindi ganitong babae ang mga tipo niya ngunit sadyang mapang-asar at careless ang babaeng ito kaya siguro nakukuha niya ang pansin ng mga taong nasa paligid niya and he's not an exception.

Nang makita ni Theo ang babae sa kanyang higaan na nakaupo at mukhang tahimik na nagpapanic ay nagsalita siya.

"You're lucky, you're still breathing" sabi niya sa babae. Wala na siyang iba pang masabi dahil sa nakaka-distract na hitsura nito. Girls are indeed beautiful when they just woke up.

Mabilis na napabalikwas ng bangon ang dalaga at tinuro siya. Dahil mukhang maganda ang gising niya ngayon ay nakipagsabayan nalang siya sa babaeng ito.

"Anong ginawa mo sa akin kagabi!? Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko! Walang hiya ka!" nagpapanic na sigaw nito.

"So what?" asar niya sa dalaga.

"Walang hiya ka talagang lalaki ka! Pulis ka but you're the one who's committing a crime!!" bintang nito sa lalaki habang binabato sa direksyon niya ang mga unan na hawak.

Napamura siya ng malutong dahil muntik na niyang mabitawan ang tuwalyang nakatapis sa pang-ibaba kaya panameywangan niya ang babae.

"Isusumbong kita sa pulis!" halos maluha luha nitong sabi

"I am here at your service" sabi ni Theo sa mababang boses at dineretso ang walk-in closet para makapagbibis na.

Ngunit sa kasamaang palad pagkatapos niyang magsuot ng boxer ay sumunod ang babae sa loob at halos mapilipit na niya ang magandang leeg nito. Naisip ng binata kung ibang lalaki ba ang kasama ng babaeng ito ay ganyan din siya kakomportable sa kanila?

Pero nasagot ang kanyang katanungan nang sabihin nitong nahalikan at natikman na nito ang katawan niya kaya okay lang sa dalaga ang silipan siya.

Hindi niya napigilan ang malutong na tawa. She really thought that they had sex!

It's very rare for him to laugh that hard and that's all thanks for this woman.

"Do you think we really did 'it' ?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"You mean?" nadismayang tanong nito.

"I'm just kidding you know?" sabi niya sa mapang-asar na tono at pilit na pinipigilan ang matawa ulit.

"Of course I know!" angil nito.

"Really?" he said in amusement.

"Yes! Tine-test lang kita no!" mataray na sabi pa nito at pilit na pinapataas ang pride.

"I see" naasar na sabi niya sa babaeng halos kasing kulay na ng kamatis.


EMILIA'S POV

Halos ingudngod ko na ang sarili sa nilalakaran kong kalsada.  Hindi ko na hinintay si chief na matapos magbihis dahil umalis na ako right after mapahiya ang beauty ko.

Tangina naman Emilia, sino naman kasi bumulong sayo na mag-assume ka? Anak ng tokwa!

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa terminal di kalayuan sa akin nang may humintong sasakyan sa gilid ko.

"Oh my gosh! Emilia is that you!?" sabi ng pamilyar na boses babae.


The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon