Alas sais ng umaga nang mapabalikwas ako ng bangon dahil sa boses na tumatawag sa pangalan ko.
"Emilia?" Tawag ni Coleen mula sa labas ng pintuan.
Naalala kong pupunta kaming dalawa sa bayan ngayong araw para bumili ng damit na susuutin mamayang gabi at dadaan sa simbahan pagkatapos mamili.
Bago pa man ako tuluyang makababa sa higaan ay may matigas na bisig ang humawak sa aking bewang para hindi makagalaw.
"H'wag mo munang gisingin at baka tulog pa." Rinig kong sabi naman ni ante Helen sa kanya.
"Mamaya nalang siguro, ma." Sagot nito at narinig ko nalang ang mga yapak nilang papalayo mula sa tapat ng kwarto ko.
Napalingon ako sa katabi at binigyan ito ng masamang tingin ngunit sinuklian lang ako nito ng isang ngiti.
"Good morning." Garalgal na sabi nito na nagpainit ng pisngi ko. Ang gwapo pala kasi ng boses nito lalo na kung bagong gising.
"M-morning." Mahina kong sabi sa kanyang halos pabulong. Nako-conscious din kasi ako dahil kagigising ko lang at hindi pa nagto-toothbrush!
Siniksik nito ang ulo sa aking leeg at marahang inamuy-amoy iyon. "You're beautifuller when just woke up." Halos magsitindigan ang mga balahibo ko sa batok nang madama ko ang mainit nitong hininga na pumapaypay sa aking balat.
Bago pa may mangyaring hindi inaasahan ay naitulak ko na ito ng bahagya at tinaasan ng kilay. "Bolero. Umuwi ka na nga at baka mahuli pa tayo." Ingos ko sa kanya habang tinuturo ang bintana sa aking kwarto.
Sumeryoso ang mukha nito pagkatapos at nagsalubong ang magkapares na kilay.
"I'm serious." Malamig nitong sabi. Napabuntong hininga nalang ako sa pagiging moody nito at mabilis kong inilapat ang labi sa kanya.
Kunot noo ako nitong tiningnan nang maiatras ko ang sarili. "Todo mo na 'yan?" Kita ang irita sa pagmumukha nito habang sinasabi iyon.
Before I could open my mouth to speak, He kissed me fully in the lips. I felt his tongue trekking inside my mouth making me drunk into his kisses.
"Buti at gising ka na. May bisita ka." Salubong sa akin ni mamala nang makalabas na ako sa sariling kwarto.
Bisita?
Dama ko ang malakas na kabog ng dibdib nang may maalala ako kagabi pero pinilit kong maging kaswal sa harapan ni mamala.
"Sino ho?" Tanong ko. Pinalapit lang ako nito gamit ang pag-tango bago iginiya papunta sa balkonahe ng bahay.
Tanaw ko ang apat na lalaking naka-itim na uniporme sa labas ng bahay habang seryosong nagmamasid sa paligid.
Nakaupo naman sa isang mahabang upuan na yari sa matibay na kawayang kahoy si daddy na seryoso at si mommy na may bahid ng pag-aalala sa mukha.
"Anak." Panimula ni mommy. Kaagad itong tumayo at lumapit sa akin. Si mamala naman ay pumunta muna sa kusina para maghanda ng makakain para sa kanila.
Bago pa man ako mahawakan ni mommy ay umatras ako papalayo sa kanya.
"Ba't kayo nandito?" Malamig kong tanong sa kanila.
"We'll explain everything, anak. Pero kukunin ka muna namin sa mamala mo." Malamyos na sabi ni mom. If I'm the same Emilia before, maybe I will choose to be with them. That's how important my family from me. Pero naalala kong iniwan nga pala nila ako.
"Hindi ako sasama." Matigas na sabi ko sa kanya. Kita ko pa ang matalim na tingin ni daddy sa direksyon ko but I don't care anymore. I can't contain my anger towards them.
BINABASA MO ANG
The Pokpok Chronicles
RomanceEmilia Ybarra will do what it takes to make this grumpy police man fall for her charm kahit pa idemanda sya ng binata. She has the guts to tell her raw feelings to Chief Theo Santander at babanggain nya ang lahat mapa-ibig lamang ito.