CHAPTER 13

253 5 0
                                    

Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa ko bago pumasok sa library ni dad. Nang makapasok na ako ay nakita ko siyang busy sa pagta-type ng kung anu-ano sa kanyang laptop.

"Sit down" utos niya na agad ko naman sinunod.

"..." napalunok ako ng mabagal dahil sa madilim na awra na pumapalibot sa kabuohan ng kwarto.

"Your mother is in good condition now" panimula ni daddy.

"thanks God!" mahinang usal ko. Napadasal pa ako ng palihim at himingi ng pasasalamat sa Diyos dahil hindi Niya pinabayaan si mommy.

"She'll come home after your graduation" dismayado man sa narinig ay inintindi ko nalang. Hindi man makaabot si mommy sa graduation ko ay thankful parin ako dahil okay na siya.

"I understand. I'm so happy na makakauwi na si mom" hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa magandang balita.

"and your wedding will start two weeks after you graduate" dugtong ni daddy na siyang nagpabagsak sa mga ngiti ko.

"b-but"

"Didn't we talk about this already?" masungit na sabi ni dad.

"Dad naman! Do you think mom will be happy if she found out?" pangangatwiran ko sa kanya.

"I already told your mom that you're going to marry this year" mahinahon niyang sagot.

"How dare you dad!?" hindi ko napigilang sigaw sa harapan niya pigil-pigil ang pagtulo ng mga luha.

We're talking about my freedom here!

"I'm sorry. It's for your own good too" sabi niya sa may mababang tono na para bang gusto niya akong aluhin.

"No it's not. It's for the company's sake! I am nothing for you! I hate you dad!" maanghang na sabi ko sa kanya.

Pumasok akong lulugo-lugo sa kwarto ko. I don't know what to do anymore! isang buwan nalang at ga-graduate na ako at isa lang din ang ibig sabihin non.

Kailangan kong mas igihan ang pagpoporma kay chief Theo!

Siya lang naman ang nakikita kong paraan para hindi na maituloy ang bwisit na kasal ko sa kung sinong poncio pilato eh.

Sa halip na magpaawa sa sarili ay natulog muna ako sandali at nag-ayos para makapasok na rin sa university pero bago ang lahat, inihanda ko na rin ang lunchbox ni chief Theo para maibigay ko na rin mamaya.

Binigay na rin pala ni daddy ang susi ng kotse ko kanina. Hindi na ako grounded ngayon. Sinabi ko nalang na tatanggapin ko yung deal kung hindi na niya ako papakialaman pa.

After 123456 years ay nakarating ako sa presinto. Suot ang aking pencil cut na bulaklaking skirt partnered with a pastel colored blouse ay taas noo kong pinasok ang loob ng presinto nang hindi pinapansin ng mga pulis. Kilala na kasi nila ako dito at alam na nilang ako ang future wife ng kanilang chief.

Saktong pagkapasok ko ay may babaeng nakaupo sa harapan ng table ni chief na halos lumuwa na ang kaluluwa dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Hindi muna ako lumapit sa umpisa pero dahil napapansin ko ang iritadong mukha ni chief Theo ay natuwa ako.

"Miss, your case will not be solved if you keep on coming near me" as usual, halos mamatay matay na sya sa babaeng lumalapit sa kanya. Makita nga lang ako ng mga mata niya ay halos gusto na akong iwala sa mundong ibabaw eh yang babaeng haliparot pa kaya.

"sir, yung asawa ko kasi nakita ko kahapon na may ibang babae. I came here straight para maisuplong silang dalawa" nagrereklamong sabi ng malanding sawa sa harapan ni chief habang pinapadaan ang mga daliri sa kwelyo nito.

Hoy!!!! gusto kong isigaw sa babae. Gusto ko nang hilahin ang kamay ng babae at ilayo si chief sakanya.

"Only if you have an evidence—"

"I have!" malanding sigaw niya.

Pansin ko pa na muntik nang mapamura si chief dahil sa asal niya kaya halos matawa tawa ako sa gilid ng pinto.

"Let me see it then" hamon ni chief sa kanya. Nakita ko pa ang mga tingin ni chief sa direksyon ko na sumaglit lang dahil ginantihan niya ng ngiti ang malanding hitad na parang inaakit rin ito.

Ang bruho!!

Ramdam ko ang pag-akyat ng kumukulong dugo ko mula sa leeg paakyat sa sentido nang makita kong may kinuha ang babae sa bag niya ng kung ano at lumapit pa sa tabi ni sir chief. Kandamura ako sa lalaking wala manlang reaksyon!

"Take a look, ito ang mga pictures na magkasama silang dalawa oh" malanding sabi ng babae na umupo pa sa gilid ng upuan ni chief.

Habang sinisipat ng tingin ni chief ang mga picture at tumatango-tango pa ay nagsalita pa ulit ang babaeng hitad.

"Alam mo ba sir kung ano ang pakiramdam ng maipagpalit sa iba? masakit sir! Masakit dito oh" maarteng sabi niya na parang naiiyak kahit walang luha habang tinuturo ang malaking dibdib sa lalaking katabi.

"dito sir!" ulit niya pa nang mapansin na hindi ito lumilingon at busy sa pagtingin sa picture na hawak.

"sir tingin ka dito" malanding utos ng babae.

Sa halip na tumingin sa direksyon ng dibdib niya ay napaangat ang tingin niya sa mga tingin ko na siyang dahilan para bigyan ko ng subukan-mo-tumingin-look.

"h-huh?" nauutal na sagot ni chief sa malanding hitad na halos ibalandra na ang sarili sa kanya.

Nang mapansin ng babae na walang balak lumingon ang katabi sa kanya ay nadismaya ang hitsura nito.

"Masakit sa puso sir! ano ng gagawin ko nyan sir?" nagtatampong tanong pa nito.

"Ang gawin mo MISIS, ipakamot mo sa mister mo para di masakit. Usap kayong dalawa atsaka kayo magpa-annul. Wag mong pestehin ang jowa ng may jowa!" umaalingawngaw na sabi ng boses ko  sa apat na sulok ng opisina ni chief Theo.


The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon