CHAPTER 10

260 6 0
                                    

"Sandali" sabi niya sa dumadagundong na boses.

Mabilis akong lumingon sa kanya at nakangiting nagsalita. "Sabi ko na nga ba di mo matitiis ang beauty ko chief eh!" habang tinataas baba ang magkabilang kilay.

Alam kong desperada na ako pero hindi ko naman binalak na pilitin tong si chief. Pero dahil mukhang papayag na siya ay napangiti ako ng malaki.

Igting ang panga niyang nakatingin sa akin na parang gusto niya akong sakalin maya't maya pero alam kong hindi niya magagawa iyon lalo na't narealize kong gentleman naman pala siya.

"Can you please stop smiling like that!? It's annoying."nafu-frustrate nitong sabi dahilan para ngumiti pa ako lalo sa kanya.

"Alam mo chief, ang gwapo gwapo mo pag nakangiti. Promise di ako nagbibiro!" sabi ko sa kanya out of nowhere.

Napatigil si chief dahil sa sinabi kong iyon. Nahuli ko pa ang mabagal na paggalaw ng kanyang adams apple.

"I know what your doing. Tell me, what's the purpose?" madilim niyang sabi at seryosong nakatitig ng diretso sa mga mata ko na parang dinadala ako sa isang hipnotismo.

"W-wala" nauutal na sabi ko. Pano ba naman kasi, nadadala ako sa tingin niya na parang dinadala ako sa kung saan.

"Are you sure?" seryoso parin nitong tanong.

"Alam mo chief, type kita. Atsaka mukhang type mo rin naman ako so, bakit pa natin patatagalin?"

Sabi ko sa kanya. Late ko nang na-realize kung ano ang mga salitang sinabi ko. Gosh Emilia! Anong kalandian ito!?

"I'm sorry but you're not my type" sabi niya habang naka-crossed arm.

"I'll make you like me then" determinadong sagot ko sakanya.

"How?"

"Simple lang chief.  Ano bang mga tipo mo sa babae?" sabi ko sabay lapit sa table niya at nilapit ang sarili sa kanya ng bahagya.

Napahawak siya sa baba wari'y nag-iisip ng malalim.

"A woman that has no attitude like you and—" tiningnan niya muna ako ng maigi dahilan para mapalunok ako sa sariling laway.

"—a woman with no criminal records"

Gamuntik ko nang sabunutan ang lalaki sa harapan ko kung di ko lang naisip na baka i-blotter niya ulit ako edi panibagong record nanaman!  tsk.

"Alam mo chief, una sa lahat, hindi naman ako magkakaroon ng record sa presinto ninyo kung hindi mo ako ginalit eh!" mahabang paliwanag ko sa kanya.

"And it's my fault?" salubong na ang kilay niya.

"Of course it is. Pero wala na akong magagawa dun."

"Now that you know my type in a woman,  you can get outta' here now and stop messing up with me forever" sabi niya at pilit akong pinapaalis sa kanyang opisina. Ibinalik niya ang atensyon sa binabasang report at parang walang napapansin na may tao sa harapan niya.

"Hindi ako aalis hangga't di ka pumapayag!" nafu-frustrate na sabi ko sakanya.  Siya lang kasi ang nakikita kong liwanag ng pag-asa para hindi matuloy ang kasal ko.

And I'm not going to tell it to him dahil alam kong hindi siya papayag. Ngayon pa nga lang na sinabi kong type ko siya ay ayaw na niya eh. Sa ganoong set-up pa kaya? tsk.

"Emilia, I'm busy ok? wala ka bang pasok?" naiinis na tanong niya sa akin.

"m-meron!" mahinang sabi ko sa kanya. I admit, nagi-guilty ako dahil umabsent lang ako para sa walang kwentang bagay pero isang beses lang naman ako umabsent so that's not a big deal.

Ang big deal ay ang matuloy ang hindi ko gusto mangyari.

"Out!" utos niya sa akin. Base sa napipikon niyang hitsura ay kinokontrol nalang siguro ang inis dahil nakuyom na ang kamao nito.

"Di ako papasok sa school hangga't di ka pumapayag!" laban ko sa kanya.

"Stop acting like a child!" mabilis niyang sagot.

"I'll commit suicide!" pagbabanta ko pa.

"My work is important than your nonsense proposal" sabi niya na napahilot pa sa sentido.

Hindi ako nakaimik don. Nang mapansin niyang natahimik ako ay nagsalita ulit siya.

"I'm serious!" malamig na sabi niya.

"I'm serious too!" naiiyak ko nang sabi sa kanya and this time ay pinakita ko sakanyang seryoso ako.

Pareho kaming napatahimik dahil sa sunud-sunod naming sagutan. Hindi ko naman alam na magaling din sa debate itong si chief!

"Let me think about it" sabi niya sa bandang huli.

Nagliwanag ang paligid ko at parang nagkaroon ng makukulay na alitaptap sa aking harapan dahil sa sinabi niya.

"Ibig sabihin?" nae-excite kong sabi sa kanya na parang kinikilig.

Emilia, maghunos dili ka!

"I'm not agreeing with you yet. tsk! " naiinis niyang sabi na parang lugi pa siya.

"But it's enough for me! Atleast interesado ka sa beauty ko. Pramis maiinlove ka sa'kin within a month!" kinindatan ko siya.

"And I'm pretty sure that will never happen" sagot niya agad.

"Try me chief. Try me!" sabi ko.

 

After two weeks of courting, natuto ako kung paano magluto dahil sa youtube. Bago kasi ako pumasok sa university ay sinasabihan ko si mang Emman na dumaan sa presinto bago ako pumasok sa klase. Sinasabi ko nalang na inaasikaso ko yung record ko para di sila magtaka.

Siyempre as expected, ang nakakunot na noo at matalim na tingin ang bubulaga sa akin bago ko pa mailapag ang lunchbox sa table niya.

Sasabihin niyang itigil ko na raw pero pagdating ko ng hapon wala nang laman ang lunchbox.

Mukhang naiinlababo na si chief sa kagandahan ko ah! hindi kaya?

"Emilia my frieeeend!!" sigaw ni Czarina na ngayon ay halos magpasuray suray na ng lakad.

Nandito kasi ako ngayon sa isang bar dahil may tumawag sa akin na may makulit na babae raw na nanghaharass.

Edi syempre harurot naman si ako papunta sa bar na yon at nakita ko siyang lango sa alak katabi ang isang lalaki na halata mong nagpipigil na huwag siyang patulan.

Infairness ang gwapo ni kuya pero mas gwapo si sir chief no!

"I misshhuuuu naa!" humahagikgik na sabi niya habang hinahalik halikan ako sa pisngi.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya at mukhang maharot na ang galaw nitong babaita na to. Kanino niya ba natutunan ang pagiging maharot?

"Cza, iuuwi na kita sa bahay bago pa malaman ng kuya mo" nag-aalalang sabi ko sa kanya.

Finish na talaga ang criminal records ko pag nalaman ni chief to! tsk.

"Okay, okay. But meet my boyfriend-to-be first!" makulit na sabi pa niya. Muntik ko na siyang sabunutan dahil lasing na nga lumalandi pa!

Susmaryosep!

"Hi soon to be boyfriend, she's Emilia my friend and you know what? she's badly inlove with my kuya so she's off limits now" bulol bulol na kwento niya sa gwapong papa.

"Hi Emilia" Nakangiti nitong sabi.

"Hi uhmm—"

"Jeric" dugtong niya.

"Oh. Hi Jeric! thank you for taking care of my bestfriend!" mabilis na sabi ko sa kanya para makauwi na rin kami ni Cza.

"If you don't mind, iuuwi ko na ang kaibigan ko. Mapapatay ako ng kuya nito e!" sabi ko.

"It's okay" matalim na sabi niya habang nakatingin sa kaibigan kong halos maglaway na dahil nakatulog na sa balikat ko.

The Pokpok ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon