Chapter 2
"Julie Anne, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka." rinig kong angal ni Maqui. Tumingin ako sa kama niya at nakitang nakatalukbong na siya ng unan sa ulo niya.
"Sorry." sabi ko.
Pumihit uli ako at pinilit na matulog pero sadyang hindi ako makatulog. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa nangyayari sa akin.
"Punyeta Julie Anne. Matutulog ka ba o hindi?!" nagulat ako kay Maqui at nakitang nakaupo na siya at masama ang tingin sa akin. "Alas kwatro na Julie. Maaga pa tayo mamaya jusmiyo naman." aniya.
"Sorry talaga, Maq. Hindi kasi talaga ako makatulog eh." sabi ko. Nagulat na lang ako nang maramdaman ang maiinit na luha na pumapatak mula sa mata ko. Bullshit naman oh!
"Tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Marinig, makita, at mabasa mo lang ang kahit na anong may patungkol sa kanya umiiyak ka nanaman eh." sabi niya saka na lumipat sa kama ko at niyakap ako. "Tahan na nga. Ano ba yan."
"S-sorry talaga." sabi ko saka yumakap na rin sa kanya. "Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ako umiiyak eh."
"Wala tayong magagawa. Sabi mo nga diba? Si Elmo yan eh. Pero Julie please lang? Itulog na natin to." sabi niya. Tumango na lang ako saka marahas ma pinunasan ang luha ko.
"I'm sorry, Maq." sambit ko nang lumipat na uli siya sa kama niya.
"Oo na. Matulog na tayo pwede?" sabi niya at saka na natulog.
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Maqui sa kwarto. Siguro ay nasa baba na siya at nag-aalmusal. Bumangon na ko saka na naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako para sumalo sa iba pang boarders.
"Kumain ka na." wala sa mood na sabi ni Maqui sabay abot sa akin ng plato at ng mug. "Bilisan mo ha? 9 tayo susunduin ni bakla."
Tumango na lang ako at saka na nagsimulang kumain. Pagkatapos ay nagtoothbrush na ako at sakto namang may bumusina na sa labas.
"Mga bakla, gorabels na!" sigaw ni Patrick nang makita kami. "Uy, Gela bet ko ang haircolor mo tahday ha? Ano yan girl? Tagliyab? Hahahahaha."
"Gaga ka talaga bakla!" sabi naman sa kanya ni Gela. "Bye guys!"
"Bye, Gela!" sabay na sabi namin ni Maqui saka na sumakay sa kotse ni Patrick.
"Oh. Anetch na ulit ang address?" tanong naman ni Patrick.
"Unit 1906 Serendra II Residences." ani Maqui na nakaupo sa harap. "Dala mo camera mo bakla?"
"Of course golf course!" sabi niya. "Gorabels!" nagsimula na siyang magdrive at nagkkwentuhan sila ni Maqui. Samantalang ako naman ay nakadungaw lang sa labas ng bintana habang hawak ko ang notepad ko na may mga tanong para ngayong araw na to.
"Grabe! Gaano kadami ang sasakyan ng Maynila? Yung totoo?!" narinig kong reklamo ni Maqui.
"Kasing dami siguro ng problema ni Julie Anne. Hahahaha. Nyare girl?" tanong ni Patrick.
"H-ha?" pagtataka ko.
"Wala to. Sabi ko, anetch ang ganap sayo at more ka pa sa tulaley over there? Ano to girl? Music video ang peg? Gagitang to. Walang ulan uy! Hahahaha."
"Ah. H-hindi ah. Ano..."
"Hindi kasi natulog yan kagabi." si Maqui ang sumagot.
"Ay? Ganern? Whylaloo?"
"Tanga ka din minsan bakla no? Gaano kabrady ha?" asar na sabi ni Maqui. "Sino ba kasing hudas tong pupuntahan natin diba? Baka siya yung dahilan."