Chapter 22
Maaga akong nagising kinabukasan. Himala nga eh. Nauna akong magising kay Maqui. Bumangon na agad ako at naghilamos agad saka bumaba para magluto ng almusal namin. Pagdating sa baba ay may narinig akong nagwawalis sa labas ng bahay kaya naman sumilip ako at nakita ko si Mama H na nagwawalis ng mga nalaglag na dahon mula sa puno ng santol.
"Ma!" tawag ko sa kanya. Nahinto siya sa ginagawa at nang makita ako ay napangiti siya.
"Oh anak! Gising ka na pala." aniya. Inayos niya lahat ng dahon bago ako nilapitan. "Ang aga mo atang nagising?"
"Sakto lang, ma. Magluluto pa po ako eh. Nagkape ka na ba?" tanong ko. Ngumiti lang siya kaya niyaya ko siya sa kusina.
"Mukhang good mood ka ah. Ang aliwalas ng aura mo eh." puna niya.
"Ako po? Hahaha. Di naman, ma."
"Aysus. Ikaw bata ka. Nawala lang ako ng ilang linggo mukhang may maganda ng nangyayari sayo ha?" natatawang sambit niya.
"Hm. You could say that." kibit-balikat kong sabi.
"Talaga? Bakit? Kayo na ba uli ni Elmo?" tanong niya. Natawa ako at napailing dahilan para mapakunot ang noo niya. "Eh ano?"
"Uhm... Ano po... Nanliligaw siya ulit?" patanong na sabi ko.
"Bakit parang di ka sigurado?"
"Eh kasi ma, ewan. Hahahaha. Nanliligaw siya. Yun na." kamot-ulong sabi ko.
"Mama H!!!" nagulat kami ni mama nang nay marinig kaming tumili mula sa hagdan. Paglingon namin ay nakita namin sina Gela, Maqui at Jacky na nakadungaw mula dun.
"Oh. Gising na pala kayo." bati ni Mama H sa kanila. Tumakbo silang tatlo pababa saka yumakap agad kay Mama H.
"Ma namiss kita!" sabi ni Gela.
"Ako din, ma!" sabi naman ni Jacky.
"Mama H!!! Buti naisipan mo ng umuwi. Mababaliw na ko kay Julie. Mama!!!" madramang sabi ni Maqui.
"Mababaliw? Bakit naman?" pagtataka ni Mama H. Umupo sa tabi niya si Maqui habang yakap pa rin siya nito at saka tumingin ng masama sa akin.
"Paano kasi, ma. Yang alagain mo napakabipolar. Nung una ayaw niya dun kay Elmo kasi daw sinaktan siya. Tapos kagabi ba naman ma akala mo highschool na kinikilig?! Grabe ma! Di ko na alam gagawin ko! Mama!!!" ngawa nanaman ni Maqui. Nagtawanan kami nina Jacky, Gela at Mama H dahil sa inasal niya.
"Ano ka ba, anak. Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao. Halo-halong emosyon ang nararamdaman mo." pigil-tawang sambit ni Mama H. "Asan si Maya?"
"Tulog pa yun ma. Late na nakauwi kagabi yun eh. Gumimik kasi sila nung mga kaopisina niya." sagot ni Jacky.
"Ma, okay na yung kapatid mo?" tanong ni Gela.
Kaya kasi nawala si Mama H ng ilang linggo ay dahil umuwi siya ng Cebu dahil sa naospital ang bunsong kapatid niya. Kailangan siya dun dahil kinailangan sumailalim ng kapatid niya sa blood transfusion. Eh sa kanilang magkakapatid, si Mama H lang ang kapareho ng blood type ng kapatid niyang yun which is AB+.
"Medyo bumuti na yung lagay niya. Naiuwi na namin siya ng kuya ko sa bahay at dun na nagpapahinga." sagot niya. Tumango naman kami. "Kayo? Kamusta dito?"
"Hay nako, ma. Okay naman kami dito. Wala namang problema. Si Julie lang." sabi ni Maqui.
"Bakit ako nanaman?!" gulat na sagot ko. Napahinto tuloy ako sa pagsasangag ng kanin. Tumawa sila at iiling-iling lang naman si Mama H.
