50

3.3K 82 2
                                    

Chapter 50

Today's my last day before I go to New York. Nakaupo lang ako sa sulok ng kama ko habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kwarto namin ni Maq. This has been my room for 13 years and it has witnessed every moment in my life. And in just a snap of a finger, heto ako. Aalis na at iiwan lahat. Nakakalungkot dahil masyado na kong naging attached sa lugar na to. Sa mga taong nakasama ko dito. Pero kailangan ko to. Para sa baby ko.

"Anak?" nagulat ako nang dumungaw si Mama H mula sa pintuan. Pumasok siya at saka umupo sa gilid ng kama ko and took my hand. "Bakit andito ka pa? Sumalo ka sa mga kaibigan mo sa baba."

"Ma..." tumingin lang naman siya sa akin saka ngumiti ng malungkot. Alam ko namang masakit kay Mama H ang pag-alis ko.

"Naghanda sila ng mga pagkain dun. Halika sa baba." aniya.

"Ma sorry ha?" sabi ko sa kanya. "Sorry kasi iiwan kita. Sorry kasi hindi ako naging matatag. Sorry kasi binuhos ko lahat sa kanya. Sorry kasi pati kayo nasasaktan dahil sa mga kagagahan ko. Sorry po kasi kailangan ko pang lumayo para lang hanapin ang sarili ko. Ma, sorry po sa lahat." tuluyan bg tumulo ang mga luha ko at agad niya akong niyakap.

"Alam mo, naiintindihan ka namin kung bakit napagdesisyunan mo ang bagay na yan. Julie anak, alam naming hindi ka gumagawa ng desisyon na hindi mo alam kung anong mangyayari sayo. Simula nung kupkupin ko kayo ni Maqui, nakita ko kaagad sayo kung paano ka sa pagtanda. Siguro may mga bagay kang nagagawang sa tingin mo ay mali pero anak, hindi ka Diyos para mamuhay ng perpekto. Dadating at dadating talaga sa buhay mo na masasaktan ka, madadapa ka at mawawala ka sa tamang landas. Pero kailangan mong naging matapang, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa at kailangan mong itama ang bawat maling nagawa mo. Alam kong sa pag-alis mo, maiisip mo ang mga bagay na sarili mo lang rin ang makakasagot. Andito kami para alalayan ka. Kung kailangan mo ng kausap pwede mo kaming tawagan. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng sumusuko agad, Julie. Napatunayan ko yan nang makipagbalikan ka sa kanya. At mas napatunayan namin yan nang mapagdesisyunan mong lumaban na mag-isa para sa magiging anak mo. Basta anak, tatandaan mo na lagi kaming andito para sayo."

"Opo ma..." ang tanging nasabi ko. Humiwalay siya sa akin sa pagkakayakap saka niya ako nginitian.

"Halika na sa baba. Hinihintay ka ng mga kaibigan mo." anyaya niya. Tumango na ako saka na kami sabay na bumaba papunta sa garahe kung nasaan nakapwesto ang mga kaibigan ko. May inihanda silang mga pagkain sa mesa. Naset-up din nila ang videoke machine sa isang sulok at may malaking cooler na puno ng bote ng beer.

"Finally! Andito na ang mujer!" ani Patrick pagkakita sa akin. "Hilda Coronel, gora ka na ditey at ikaw na ang kakanta!" sabi pa niya sabay hila kay Mama H at abot ng mic dito. Umupo ako sa tabi nina Gela at Jack at parehas naman nila akong inakbayan.

"Kain na Jules." ani Daryl sabay abot sa akin ng platong may pizza at barbecue. "May gusto ka pa ba? Drinks?"

"Hoy Daryl kapag yang bestfriend ko pinainom mo ng beer malilintikan ka saken ha?!" banta ni Maqui na abala naman sa pag-iihaw kasama ni Gino.

"Juice na lang, Dar." sabi ko.

"Uy, Julie size 7 ako ha? Hahahaha." biro naman ni Maya na galing pa sa loob at may dalang tray na puno ng noodles.

"Langya! Wiz pa nakakafly may habilin ka na agad?!" maarteng sambit ni Patrick. "Pero girl ha? Blue eyes keri na." aniya pa sabay kindat sa akin. Binato naman siya ni Jack ng lukot na tissue.

"Gagong bakla to! Hahahahaha." sabi ni Jack. "Basta Jules, ingat ka dun ha? Tawag ka agad!"

"Oo naman." sabi ko.

"Julie ha? Ninang kaming lahat ng baby mo." sabi naman ni Gela sabay hawak pa sa tyan ko. Ngumiti naman ako saka ko sila tinanguan. "Hay. Ang gwapo siguro ng baby mo paglabas. Hanap ka na din ng jowa mo dun ha? Madaming magkakagusto sayo dun. Malay mo, totoo pala si Christian Grey."

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon