37

4.7K 90 2
                                    

Chapter 37

Saturday came at hinatid ako ni Elmo sa office ng 4am. Nandun na sina Maqui at Patrick pati na rin si Reg at ang iba naming officemates. Pagbaba namin ni Elmo sa kotse ay napaawang ang bibig ng ibang officemates namin. Oo nga pala. Tanging sina Maq, Pat, Reg, Essa at Ma'am Clarisa lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Elmo.

"Good morning, Julie!" bati ni Reg sa akin. "Good morning, Elmo."

"Good morning." nakangiting sambit naman ni Elmo.

"Hi, Julie! Good morning po, Mr. Magalona." bati naman ng bagong dating na si Brenda.

"Hello." ani Elmo. "Asawa, ito lang ba dala mo?" tanong niya sa akin. Kita sa mata ng iba naming officemates ang pagtataka. Malamang. Business tycoon na naging cover ng anniversary issue namin tatawagin akong asawa? Kahit sino magugulat at magtataka eh.

"Yeah. Yan lang." sagot ko saka na niya nilapag ang duffel bag ko sa tabi ng backpack ni Patrick.

"Uhm... Hello po, Mr. Magalona." sabi ni Chad sabay lahad ng kamay kay Elmo.

"Hi!" bati niya. "Call me, Elmo. Di naman tayo nagkakalayo ng age eh."

"Ah eh..." nahihiyang sambit niya sabay lingon sa kamay ni Elmo na nasa bewang ko.

"Chad, si Elmo. Boyfriend ko." ako na ang nagsalita. Rinig ko naman ang pigil na hagikgik nina Maqui at Patrick.

"Huh?"

"We've been together since we were in highschool." sabi naman ni Elmo na nakapukaw lalo sa attention ng iba kong katrabaho.

"Pero sabi po ni Julie wala siyang boyfriend?" pagtataka ni Brenda.

"We broke up before pero nagkabalikan na kami." sagot niya ulit. Tumango si Brenda saka ngumiti sa akin. Hindi kami ganun kaclose pero mabait si Brenda. Minsan kapag nagkakasabay kami sa elevator ay nagkakausap kami. Pero small talks lang lahat.

"Kaya pala blooming ka na uli, ganda." puna niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya at napailing.

Kung anu-ano pa ang tinanong nila kay Elmo. Minsan about sa business niya, sa new projects ng company niya, sa mga hilig niya at minsan ay tungkol sa amin. Nakasundo nga ni Elmo sina Chad at James dahil pare-parehas silang mahilig sa mga luxury cars. Hinayaan ko naman sila at sumali naman sa kwentuhan nina Maqui, Patrick at Reg.

"Uy." sabi ko. "San si Essa?"

"Waley pa girl. Late nanaman siguro yung babaitang yun." sagot ni Patrick.

"Jules, taray ni Elmo ha? Nakahakot nanaman ng interviews galing kanila Chad at James." ani Reg.

"Oo nga eh. Hayaan mo. Puro kotse na nga pinag-uusapan nila eh." sagot ko.

"Alam na ba ni Elmo na kasama si Daryl, bes?" tanong ni Maqui.

"Yeah. Nung una medyo tampuhan effect. Tapos nagpumilit sumama. Hanggang kagabing nag-aayos ako ng gamit, namimilit siyang isama ko daw siya. Kakausapin pa daw niya si ma'am para lang makasama. Jusme!" humagalpak silang tatlo sa tawa.

"Grabe magselos! Parang bata!" ani Maqui.

"Truelaley! Buti friend napakiusapan? Di naman nagtantrums?" tanong naman ni Patrick habang tumatawa pa rin.

"Bakla muntik na! Napigilan ko lang. Hahahahaha." tumawa si Patrick saka nakipag-apir sa akin.

"Omg ka! Funny ka pala pag madaling araw?!" aniya. Tinulak naman siya ni Maqui saka pa sila naghagalpakan sa tawa.

"Bakla, di ba siya funny kapag umaga at gabi?" tanong ni Reg habang tumatawa pa rin.

"Hindi girl. Jirits yan kausap pag umaga at gabi eh. Hahahahaha." sagot ni Patrick.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon