40

3.8K 99 8
                                    

Chapter 40

"Oh ano?! Ano na?!" rinig kong atat na tanong ni Patrick.

"Teka lang!" saway naman sa kanya ni Maqui. "Nagmamadali ka ba ha? Ha? Natatae ka?!"

"Hindi. Excited lang. Eeeeh!!!" aniya. "Bilisan mo Julie Anne!!" sigaw pa niya sabay kalampag sa pinto ng cr.

"Teka!" sabi ko naman. Pinagmasdan ko ang isang maliit na bagay at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ano nga ba?

Makalipas ang tatlong minuto ay lumabas na ako ng cubicle saka na nagdiretso sa sink para maghugas.

"So?" sabay na tanong nila.

"Dalawa." sagot ko. Nagtilian silang dalawa saka pa ako niyakap ni Maqui.

"Oh my god!!! As in?!" di makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako saka pa pinakita sa kanila. "Eeeeeh!!!!"

"O to the m to the g!!! I'm so happy for you girl!!!" tili naman ni Patrick. Niyakap nila kong dalawa saka pa hinalikan sa magkabilang pisngi.

"You should tell him." ani Maqui.

"Already? What if false alarm lang?" tanong ko naman. Umirap silang dalawa saka natawa.

"Fine. I know someone who could help you." ani Patrick.

Lumabas na kami ng mall at sumakay na sa kotse ni Patrick. Hindi ko tinanong kung saan kami pupunta. I just kept on staring on that little apparatus. At some point ay natutuwa na ako. Excited pa nga pero kasi di pa naman confirmed eh. Diba minsan akala mo yun na pero yun pala hindi? Kaya hihintayin ko na lang kung ano ba talagang resulta.

"Mom siya ng friend ng pinsan ko." simula ni Patrick. Napansin kong nasa may Katipunan na kami. "Mabait yun. Tsaka may chance na magkaron ka ng discount kasi kilala naman niya ko."

Dumating kami sa isang parang bahay sa Marikina saka na kami pumasok. Hindi naman kalakihan iyon. Sa labas ay akala mo bahay pero sa loob ay isa siyang opisina. Binati kami ng dalawang babaeng nasa reception area at agad akong tinulak ni Patrick para makalapit sa kanila.

"Hi. Bago no?" tanong nung medyo matanda na. Tumango naman ako at saka may kinuha ang mas bata sa isang drawer. Inabot niya sa akin ang isang purple na card. "Fill-upan mo na muna. Wala pa si doc eh."

Pagkakuha ko nun ay agad kong sinulatan ang kailangang informations. Tapos ay binalik ko na ulit yun sa kanya.

"Ayan. Bea, kunin mo yung height tsaka weight." utos niya dun sa bata. Lumapit siya saken saka ako sinamahan sa isang weighing scale.

"First mo?" tanong ni Bea. Tumango naman ako saka siya nginitian. "Siya yung daddy?"

"Hindi ah. Hahaha. Bestfriend ko yan. Bakla yan." natatawang sabi ko. Natawa rin siya saka pa napahawak saken.

"Nako sorry! Akala ko kasi..." aniya. "Asan yung asawa mo?" tanong niya.

"Nasa trabaho eh. Tsaka di pa niya alam." sagot ko.

"Nako. Magandang regalo yan if ever! Oh sige. Upo muna kayo dun ha? Maya-maya lang dadating na si doc. Galing pa kasi sa ospital yun eh. Pero malapit lang naman." ani Bea. Tumango na ako saka ko tinabihan si Maqui.

Makalipas ang kalahating oras ay tinawag na ako sa loob. Pagpasok ay nakita ko ang isang matandang babae na maikli ang buhok at may katabaan na nakaupo sa likod ng mesa at maganda ang ngiti sa akin.

"Hello, Julie. I'm Dra. Chiombon." bati niya.

"Good afternoon po, doc." sagot ko. Umupo ako sa upuang katapat ng mesa niya at hinintay siyang magsimula.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon