Chapter 14
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Elmo. Ikaw ba naman ang ibugaw ng mga kaibigan mo, makakaangal ka pa ba? Pero baliw din yung dalawang yun eh. Tutol sila dati pero ngayon naman pinagtutulakan nila ako palapit kay Elmo. Gulo ha?!
"Hey..." napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Elmo sa kamay ko. "You okay?" tanong niya.
"Uh... Y-yeah. Okay lang ako." sagot ko saka dahan-dahang inalis ang kamay ko sa kamay niya.
"Good. So uhm... Hi." aniya.
"Uh... Hi?" sambit ko naman. Napatawa siya at saka lumapit sa akin. Agad ko namang iniwas ang mukha ko sa mukha niya. "What are you doing?" tanong ko.
"Putting your seatbelt on." sagot niya sabay hatak sa belt at nilock na iyon. "Okay. Let's go?"
"Uhm... S-san ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta." kindat niya saka na nagmaneho. "I do hope na okay lang sayo na magtagal kasama ako."
"Wala naman akong choice eh. My friends pushed me away." sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya.
"Julie... A-akala ko ba okay na sayo? I mean, okay na manligaw uli ako."
"I don't know Elmo. I'm still having second thoughts."
Hindi na siya nakasagot pa at nabalot naman ng katahimikan sa buong byahe.
Mukhang malayo nga ang pupuntahan namin. Halos dalawang oras na kaming nasa daan lang at sa bawat kilometro ay nagiging pamilyar ang lugar na dinadaanan namin. Parang papunta ito sa...
"Well. Here we are." aniya. Napalingon ako at nakita ko ang ngiti sa mga labi niya. "Tara?" anyaya niya saka na siya bumaba at nagmadaling naglakad sa passenger's side para pagbuksan ako.
'Holy Angel University'
"B-bakit tayo nandito?" pagtataka ko.
"Sabi ko sayo, aayusin natin to diba? Gusto ko uumpisahan natin sa simula. Sa lugar kung saan tayo nagkakilala." sagot niya saka na niya hinawakan ang kamay ko.
"Good afternoon po sir." bati ng guard.
"Good afternoon kuya. Pwedeng pumasok?" tanong niya. "Alumni kami dito."
"Ganun po ba? Sige po pasok lang po." sabi ng guard saka na kami nagpatuloy.
"Wow." sambit niya. "Ang laki ng pinagbago no?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako saka ko inalis uli ang kamay ko sa kamay niya.
"Bakit mo ko dinala rito?" tanong ko.
"Julie I told you already. Gusto kong magsimula uli tayo."
"Pero bakit kailangan pang bumalik dito?" pagtataka ko. "If you want us to start again, hindi mo na ko kailangan pang dalhin dito sa dating school natin. Diba?"
Lumapit siya sa akin saka niya ko hinawakan sa magkabilang braso at pinadausdos niya iyon hanggang sa magtagpo ang mga kamay namin saka niya pinagsalikop ang mga daliri namin.
"I brought you here because this is where I first fell in love with you. We will travel back in time. Nung mga panahong masaya tayong dalawa. We'll relive those memories and erase all the bad memories that ever happened between us. Julie gusto kong mapawi lahat ng masasamang ala-ala na nangyari sa atin. Kaya kita dinala rito."
"Elmo, kahit naman sampung beses mo ko dalhin dito, hindi naman maaalis agad yung mga sinasabi mong bad memories. Nakatanim na yun eh. Mahirap ng alisin yun." sabi ko. Matamlay siyang ngumiti saka tumango.
