Chapter 43
The next morning ay nagising ako dahil sa halik ni Elmo. I opened my eyes and saw him carrying a breakfast tray with sunflowers.
"Breakfast in bed for the most beautiful woman in the world." he said. Umupo ako as he places the tray on the bed at saka rin siya tumabi sa akin. "Did you sleep well last night?" tanong niya. Tumango naman ako saka ngumiti.
"Yeah. Sino bang hindi eh ang sarap dito." sabi ko. "Sama mo pang katabi kita matulog." dagdag ko as I kissed his cheek. He smiled goofily na parang highschool boy na nakiss ng crush.
"Halika, kain na tayo." sabi niya.
We ate as we talked about our activities for today. Sabi niya bago daw niya ako gisingin ay nanggaling na siya sa Immersion Dive Centre to have us booked for the second hour of diving lessons. Nagstart na kasi yung first hour kaya sa second hour siya nagpareserve. After that, we will be eating at the Turquoise Restaurant pero sabi ko wag na dun since he's allergic to seafood kaya I suggested na sa Vela Restaurant na lang where they serve Indian dishes. Pumayag naman siya since naisip niya rin ayaw niyang mamaga yung mukha niya.
True enough ay nang matapos kaming kumain ay naghanda na kami para sa diving lessons namin. I went out from the bathroom wearing my black two piece na sinabi ni Maqui na dalhin ko saka na lang ako nagsuot ng shorts. Paglabas ko ay nadatnan kong nakasimangot si Elmo sa akin.
"What's that?" he asked, pointing at my bikini top.
"Uh... Two piece?" sagot ko.
"Damit ba yan? Eh para kang nang-aakit ng lalaki dyan eh! That's too daring, Julie Anne. Change into your rashguard." utos niya.
"Bakit? Diving lessons naman to diba? I'm not even sure if I'm allowed to do such things." sabi ko.
"Just please wear this." sabi niya habang inaabot sa akin ang kinuha niyang black rashguard mula sa cabinet. Umirap ako saka ito padabog na kinuha sa kanya at bumalik sa loob ng bathroom. "I love you, asawa." he yelled through the door.
"Whatever." iritang sabi ko habang nagbibihis ako. "Oh. Okay na?" tanong ko sa kanya pagkalabas ko. Ngumisi siya saka tumango bago niya kinuha ang kamay ko at hinila na ako palabas ng villa.
We walked down the deck towards the dive centre at pagpasok namin dun ay akala ko ay bumalik ako sa pag-aaral. May mga arm chairs kasi at whiteboard dun at may iba kaming mga kasamang maglelessons din.
"Good morning, my name is Rashi and I am your resident Marine Biologist." bati sa amin ng isang lalaki.
Nagsimula na siyang magturo about sa mga klase ng isdang makikita namin sa tubig kapag nagsimula na kaming magsnorkeling mamaya. He showed us pictures of what to expect underwater and kahit pictures lang yun ay sobrang mamamangha ka na. What more mamaya diba?
"Any questions?" tanong niya matapos ang 1 hour lesson.
"Yeah I do." ani Elmo sabay taas ng kamay.
"Yes?"
"You see, my wife here is pregnant and I was wondering if she's allowed to do this activity?" tanong niya. Ngumiti si Rashi saka siya tumango.
"Yes she is still allowed. According to our resident doctor, pregnant women are most likely encouraged to take swimming lessons so they could have a good exercise for their breathing. This wouldn't be strenuous so she'll be fine." aniya sabay ngiti sa akin. Tumango si Elmo saka na niya hinawakan ang kamay ko.
"See? You're good." bulong niya.
Sinundan namin si Rashi palabas ng room hanggang sa makarating kami sa dulo ng deck kung saan may naghihintay sa aming bangka.