16

3K 84 5
                                    

Chapter 16

Paglabas ko ay naabutan ko siyang nagbabayad na sa counter. Pagkakita niya sa akin ay matamlay siyang ngumiti at hinintay akong makalapit sa kanya.

"Do you feel comfortable?" tanong niya na siyang tinanguan ko. "Good. Halika na."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta."

Hindi na ako nagtangkang magtanong pa uli at nagpatianod na lang sa paghatak niya sa akin pababa sa basement kung saan siya nagpark. Pinatunog niya ang car alarm at nakita kong umilaw ang headlights ng isang SUV na itim na Mercedes Benz. Puro itim ba talaga sasakyan nito?

"Get in." utos niya nang buksan niya ang pinto ng passenger's seat. Pumasok naman ako at pinanuod siyang patakbong pumupunta sa driver's side. "Let's go?" nakangiting sambit niya.

"Do I have a choice?" tanong ko.

"Yes or oo lang naman yan, Julie." aniya. Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa labas ng bintana. Narinig ko ang pagsinghap niya saka na niya pinaandar ang sasakyan.

"Uhm... NLEX na to. Bakit andito tayo Elmo?" tanong niya.

"Magsisimba tayo."

"Ang layo naman ng simbahan. Meron naman sa Manila bakit kailangan sa North pa?"

"I want to bring you somewhere after kasi." aniya. Tumahimik na lang ako at hinayaan ko siyang magmaneho.

Nagmulat ako at nakita kong nasa Clark na kami. Nakatulog pala ako.

"You're up." aniya.

Umayos ako ng upo saka na pinagmasdan ang bawat madaanan naming mga gusali. Lumiko siya at napalitan ang lahat ng gusali ng mga naglalakihang puno. Maya-maya ay huminto siya sa may malawak na soccer field.

"Here we are." aniya. Bumaba na siya saka nagmadaling nagpunta sa pwesto ko at pinagbuksan ako ng pinto. "Halika na?"

"Uh... Anong meron dito? Akala ko ba magsisimba tayo?" tanong ko.

"Magsisimba nga tayo. Diyan oh." sabi niya sabay turo sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang isang modern design na chapel. Puti ang kabuuan nito at dark brown ang bubong. May stained glass art ang nasa gitna na nagsisilbing disenyo nun. "Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko saka na kami naglakad papasok ng chapel.

Maganda ang loob nun. Ang inakala kong enclosed roofing ay isa palang skylight na tinted blue ang glass. Maaliwalas rin dahil sa taas ng kisame. Punwesto kami sa bandang gitna at sakto namang nagsimula na ang misa.

Tahimik lang akong nakikinig sa pari habang homily nang maramdaman ko ang kamay ni Elmo na kinukuha ang isa kong kamay. Hinawakan niya yun at maya-maya pa'y pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya habang diretso ang tingin kay father.

"Mahal tayo ng Diyos. Sa sobrang pagmamahal niya sa atin ay pinatawad na niya tayo sa lahat ng kasalanan natin. He forgave us from all our sins be it our past sins, present and even the sins we haven't committed yet. Ganun magmahal ang Panginoon. Sa mga simpleng bagay na nangyayari sa atin ay binibigyan niya tayo ng isa pang pagkakataon. Kaya dapat bigyan rin natin ng isa pang pagkakataon ang mga taong nakasakit man sa atin. The Lord gave us the chance to change and He believes that we will soon become a better person. Kaya tayo, hayaan nating patunayin sa atin ng mga taong nakasakit man sa atin na kaya nilang magbago. Lagi na lang nating isipin na si Jesus Christ nga pinatawad ang isang magnanakaw at sinama pa sa Paraiso paano pa tayong mga taong simple lamang ang nagagawang kasalanan hindi ba? Now I want all of you to face your seatmates. Your loved ones and tell them that you forgive them and you love them."

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon