Chapter 29
Sunday. Maaga akong sinundo ni Elmo ngayon dahil gusto niya raw kaming magsimba sa San Guillermo Church sa Bacolor, Pampanga.
"Bakit dito mo naisip magpunta?" pagtataka ko nang nagpark na siya sa labas ng gate ng simbahan.
"Wala lang." kibit-balikat na sabi niya.
"Weh. Di nga bakit nga?" pangungulit ko naman saka pa siya kiniliti sa tagiliran.
"Hahaha. Alright I'll say it." aniya. "Nagtext si Manang Sol sa akin. She wants us to come over for lunch kasi diba? Birthday niya ngayon."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala! Birthday ni Manang Sol at hindi man lang ako nakabili ng gift para sa kanya!
"Bakit di mo sinabi? Di tuloy ako nakabili ng gift." sabi ko nang makababa ako sa kotse niya. He held my hand and intertwined our fingers as we entered the church.
"The very reason why I didn't tell you. Magpapakastress ka nanamang bilhan si Manang Sol ng regalo. Eh alam mo namang makita ka lang niya masaya na siya eh." aniya.
"But still, gusto ko namang bigyan siya ng something na magagamit niya." sabi ko. Pumasok na kami sa simbahan and sat at the back. Wala pa ang pari at konti pa lang din ang mga tao kaya malaya pa kaming nakapag-usap.
"Hahahaha. Madami ng gamit si Manang Sol. Ang kailangan niya presence nating dalawa. I do have an idea kung anong pwede mong iregalo sa kanya." sabi niya as he gave me a peck on the cheek. Minsan wala ring paki tong kumag na to kung saan siya manlalandi eh. Kahit sa simbahan pa yan basta atakihin ng kalan niya hindi yan papaawat.
"Okay? Let me hear it." sabi ko and took a sideway glance at him.
"Tell her na nagkabalikan na tayo." he whispered. Napangiti ako saka humarap sa altar.
"Ayoko. Wala namang mapapala si manang dun eh. Di naman niya magagamit yun. Di naman siya mabubusog dun." asar ko sa kanya. Naaninag ko ang pagkunot ng noo niya pero pinigilan ko ang paglingon at ang pagtawa.
"She's our no. 1 shipper you know?" sabi niya. "Since highschool tayo. Actually mula nung kinwento ko sa kanya na may crush ako sayo hindi na niya ako tinantanan na ligawan daw kita. And when we became a couple hindi naman niya ko tinantanan na magpakasal daw tayo. Kaya she was heartbroken when you told her na wala na tayo. Come on, asawa. Peace offering mo na kay manang to." aniya.
I took his hand and kissed the back of it saka ako tumango. I do owe Manang Sol something. Or someone. Kung hindi siguro niya kinulit si Elmo baka hindi kami nagkakilala nito.
"Yung mga anak ni manang dadalaw din ba?" tanong ko. The mass has ended and we're on our way to their ancestral home.
"Si PJ daw lumuwas kahapon. Si Anneth ata ngayon din ang dating." sabi niya.
Sina PJ at Anneth ang mga anak ni Manang Sol. Sa Bataan sila nakatira kasama ang iba nilang kamag-anak. Matanda kami ni Elmo sa dalawang anak ni Manang Sol. Siguro mga dalawang taon din ang agwat namin. Pero kahit ganun ay naging kaibigan namin sila nung nasa Pampanga pa kami. Pinapagbakasyon kasi sila nina Tita Esther sa mansion kapag summer at sembreak.
"Ang tagal ko na din silang di nakikita. The last time I saw them was the year when you left for the States kasi diba kasama ko sila nung hinatid ka namin nina Maqui and Pat?"
"Yeah. I remember that. But I doubt na nakalimutan ka na nila. Ikaw pa? Eh mas parang ikaw ang alaga ni Manang Sol kaysa saken eh. Hahahahaha." aniya. Tumawa na rin ako saka tumango.
Dumating kami sa kanila after 45 minutes. Pagpasok sa gate ay agad naming namataan ang isang lalaking pumapanhik sa loob ng bahay. Napalingon siya sa amin at nakita ko kung paano siya ngumiti.
