27

3.2K 81 3
                                    

Chapter 27

Wednesday morning. Nagising ako na sobrang sakit ng puson ko. Tinignan ko ang phone ko at chineck ang calendar. Nakamark yun ng pula and that only means one thing. Annoying period is here.

"Bes, bangon na malelate tayo!" sabi ni Maqui pagkapasok sa kwarto.

"Maq... Sakit ng puson ko." reklamo ko.

"Huh? Time of the month mo?" tanong niya. Matamlay akong tumango saka niyakap ang unan ko. "So di ka papasok?" tanong uli niya.

"Sabihin mo kay ma'am masama pakiramdam ko." sabi ko.

"Osige. Ako na bahala. Magpahinga ka ha? Andito naman si Mama H eh. Bibilin na lang kita sa kanya." aniya.

"Okay. Thank you, bes."

Umalis na siya ng kwarto at naiwan naman akong nakakulong sa kwarto. Ayoko ng ganitong feeling. Bakit ba kasi babae pa kailangan magkaron ng monthly period?!

"Julie anak?" narinig kong sabi ni Mama H. Tumingin ako sa may pinto at nakita ko siyang nakasilip. "Masama daw pakiramdam mo sabi ni Maqui."

"Opo, ma. May dysmenorrhea po ako." sabi ko.

"May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita." sabi niya.

"Mamaya na lang po, ma. Kapag nagutom na lang ako."

"Osige. Magpahinga ka na muna diyan. Aakyat na lang uli ako mamaya para hatiran ka ng pagkain."

Nakatulog ako pagkatapos nun. Hindi ko alam gaano katagal basta nagising na lang ako dahil naramdaman kong may humalik sa noo ko. Nagmulat ako at nakitang si Elmo pala. Bakit andito siya?

"Maqui told me that you're not feeling good. Galing kasi ako sa office niyo kanina para sana yayain ka maglunch." sabi niya na parang nabasa ang tanong sa utak ko. "How are you?" he asked.

"Sakit ng puson ko." matamlay na sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Aww, asawa..." he breathes. "First day?" tanong niya na siyang tinanguan ko.

"Tabihan mo ko..." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya and laid beside me.

"Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Mama H." he said. Tumango naman ako and snuggled close to him. I just want to lie down. "You should eat, asawa. Di ka pwedeng nalilipasan ng gutom." sabi niya.

"Di ako nagugutom. Masyadong masakit yung puson ko."

"But you have to eat. Tayo ka muna okay? I brought food for you." sabi niya. Pinaupo niya ako at sumandal naman ako sa headboard ng kama habang inabala niya ang sarili niya sa pag-aayos ng pagkain. "Naalala ko dati. Kapag may monthly period ka ang gusto mong kinakain yung beef mami dun sa Pares eatery sa Pampanga."

"Di mo pa pala nakakalimutan yun." napangiti ako.

"Of course. I always bring you that for ten years. And now that we're back together gagawin ko uli yung mga ginagawa ko noon." sabi niya. "Here. Sorry di yan from Pampanga ha? Nadaanan ko yan sa may Cubao. Mukha namang masarap kasi madaming kumakain eh." aniya.

Sinubuan niya ako at napangiti ako. Masarap. Parang yung galing din sa Pampanga.

"Does it taste good?" tanong niya. Tumango ako kaya sinubuan niya uli ako. Kahit paano ay naibsan ang sakit ng puson ko. Di na katulad ng kanina na sobrang namimilipit ako sa sakit. "After mo kumain papaliguan kita. Tapos magpahinga ka na ha? We can watch a movie on your laptop if you want to basta kailangan magpahinga ka."

"What about your work? Baka may appointments ka or something." pag-aalala ko. I don't want to bother him with his work dahil lang sa may dysmenorrhea ako. Mama H is here naman.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon