Chapter 42
Maldives. Velassaru Resort, Maldives. Who would've thought that I, Julie Anne San Jose, would be standing on the sands of Maldives. Dati panaginip ko lang to eh. Teka. Baka nananaginip pa rin ako? Somebody pinch me.
"Asawa?" napapitlag ako nang tawagin ako ni Elmo. Lumingon ako at nakitang malapad ang ngisi niya sa akin. "Tara na?" tango lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Hindi pa rin talaga nagssink-in sa sistema kong andito na kami sa Maldives.
Naglakad kami sa pathwalk papunta sa water bungalow na tutuluyan namin. Sa deck pa lang papunta dun ay marerelax ka na agad. It's just so amazing seeing the beauty of Maldives as we walked towards our villa. May mga nakakasalubong kaming ibang tourists and employees and they're all greeting us kaya bumabati rin kami pabalik sa kanila. Grabe talaga. Now I really know why people have Maldives in their 'Places-to-go-before-I-die' list.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa tutuluyan namin. Nasa may entry deck pa lang ay napanganga na ako sa view. Mula kasi sa entry ay matatanaw mo ang kabuuan ng buong isla. I can really live here and have a peaceful life. Promise!
"Here we are." ani Elmo nang huminto siya sa main entry ng villa.
He opened the door with the keycard and we were greeted by another amazing interior. Pagpasok mula sa main entry ay makikita agad ang minibar. Sa kaliwa ay may bukana kung saan nandun ang walk-in closet at may pinto naman dun patungong bathroom. Pinuntahan ko ang bathroom at napaawang ang bibig ko. The bathtub has a glass wall beside it where you could see the magnificent view of the whole of Velassaru. Tapos ay lumabas na uli ako and we both explored the rest of the place. Mula sa bathroom ay naglakad kami papunta sa sitting room or living area. Puti ang L-shaped couch nila at may orange throw pillows lang na nagsisilbing buhay ng bahay. May 42" LED TV rin dun. Sa kaliwa ko ay may isang step paakyat at dun makikita ang king-sized bed. Puti rin ang sheets nun but the pillows are the color of brown. Sa kanan naman ay ang sliding door palabas sa deck kung saan makakakita ka ng dalawang beach chairs at isang daybed sa isang sulok at sa gitna ng deck ay ang hagdan pababa sa dagat. Beside the stairs ay may pool at ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay ang nagmistulang hammock sa edge ng deck. It's a net fixated at the edge that formed a somehow hammock shape and there are pillows to complete it. Naisip kong dun ako magtatambay mamaya if I want to catch up on some reading.
"So?" tanong ni Elmo. Lumingon ako sa kanya at agad ko siyang niyakap at hinalikan.
"Thank you." I said against his lips. Ngumiti siya and kissed me again bago siya nagsalita
"Anything for you, asawa." aniya.
Hindi kami agad nagswimming. Napagod ako sa byahe kaya pagkatapos niyang magpahatid ng pagkain at nang matapos kaming kumain ay nagsabi akong matutulog muna ako. Boomboom needs to rest.
I woke up after a couple of hours and he's nowhere to be found. Wala siya sa living area at wala rin sa may bathroom. Tinignan ko sa deck pero wala rin siya. Ang tanging nakita ko lang ay isang towel na nakasampay sa beach chair. Siguro nainip siya kaya nagswimming na siya. Hay. Kainis naman. Hirap kapag buntis. Puro tulog ang alam kong gawin.
"Asawa!!" nagulat ako nang may biglang sumigaw mula sa di kalayuan. I squinted my eyes and saw him waving at me while riding a white and blue jetski. Natawa ako saka kumaway rin pabalik sa kanya. Pinaharurot niya ang jetski patungo sa deck ng villa at kita sa mga ngiti niya ang excitement sa ginawa niya.
"Looks like you had fun while I was sleeping." sabi ko. Natawa naman siya saka napailing.
"No, asawa." sagot naman niya. Tinaasan ko siya ng kilay at lalo lang siyang tumawa. "Alright you got me. Pero I swear wala pang 15 minutes akong nagjjetski. I was just waiting for you to wake up." aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25049625-288-k582843.jpg)