Chapter 20
Tulala kaming tatlo nila Patrick at Maqui dito sa rooftop ng building. Nakabalik na kami kanina pa pero di pa kami nagpapakita uli sa office. Bigla na lang kaming napadpad sa rooftop sa di malamang dahilan.
"So she was heartbroken too..." Maqui trailed off.
"I didn't know she had that kind of experience. I mean, normal namang maging masungit ang matandang dalaga diba? Pero siya? I guess hindi siya kagaya ng mga iniisip nating old maid." sabi ni Patrick.
"She was hurt by that one person she truly loved. It was almost perfect pero nasira ang lahat ng yun in just a snap of a finger." sabi ko. "Grabe talaga no? Ang unfair ng buhay. Masaya ka na pero babawiin pa. Nagmamahal ka pero sasaktan ka pa. Yung moment na 'I do' na lang ang sasabihin, gagaguhin ka pa ng tadhana."
"Julie..." sabay na sabi nila.
"Nainitindihan ko na si Ma'am Clarisa ngayon. We're in the same situation. We both got hurt by our first loves. Siguro ang kaibahan lang namin ay bumabalik si Elmo sa akin samantalang siya, tuluyan ng nawala si Harold sa buhay niya. He's role in her life was done and now she closed her doors for a second love. Mahirap nga namang magmahal ng ibang tao kung buong puso mo nasa taong nanloko sayo."
"Ayan nanaman tayo sa drama eh. Julie please?" pakiusap nila.
"Sorry." sabi ko. "Di ko lang mapigilan." dagdag ko and wiped the tears from my eyes.
"Hay. Tara na nga sa baba. Baka hinahanap na tayo." anyaya ni Maqui. Bumaba na kami sa office at bumalik na sa trabaho.
Di mawala sa isip ko yung kwento ni Daryl. Naaawa ako kay ma'am at the same time gusto kong manghingi ng advice sa kanya. Pero paano? Hindi naman kami close. Hindi naman siya nakikihalubilo sa amin. She only talks about work and nothing else.
"Uy san ka?" nagulat ako nang hawakan ni Maqui ang hem ng polo ko. Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka sa mata. "San tungo?" tanong niya uli.
"Ha? Sa office ni ma'am..."
"Bakit?" tanong ni Patrick.
"Ano... May itatanong ako about sa assigned article na gagawin ko." pagdadahilan ko saka na tumalikod at naglakad papunta sa office niya. Kumatok ako sa pinto at saka sumilip.
"Come in, Julie." ani ma'am nang makita ako. Umupo ako sa upuan sa tapat ng mesa niya at tumitig sa mga daliri ko. Bakit nga ba ako nandito? "Anong kailangan mo?" tanong niya.
"Uhm..." pinagmasdan ko ang mga daliri ko na parang may sariling utak na naglalaro. "Ma'am ano po kasi..."
"What is it? May mga gagawin pa ko. Can you make it fast?" aniya. Halatang naiirita siya sa akin pero I just have to ask her. Di ako makakatulog nito eh.
"Ma'am, sorry if I will ask this. Pero... Nakamove on na po ba kayo kay Harold?" sa pagbigkas ko pa lang sa pangalan na iyon ay napansin ko na ang paninigas ni ma'am sa upuan niya. She looked surprise that I know the guy from her past.
"How did you--"
"I was with Daryl earlier, ma'am. Pamangkin niyo po siya diba? And uhm... Nakwento niya po..."
"Hindi mo na kailangan malaman ang mga bagay na yan Ms. San Jose! That's private!" aniya.
"Pero ma'am... I-I know how you feel..." sabi ko dahilan para bumagsak ang balikat niya at tumitig sa akin. "Nagmahal na rin ako ma'am. He was also my first love. We've been together for 10 years. Pero niloko niya ko. And..."
"Si Elmo ba yan?" she asked, her voice soft. Tumango ako at saka yumuko. "But he's asking for a second chance diba? Sabi mo nanliligaw siya ulit."
"Yes. Pero kasi diba ma'am the last time we talked..."
