41

3.5K 74 1
                                    

Chapter 41

"Sigurado ka? You really want that?" tanong ni Elmo over the phone. Andito lang ako sa bahay habang nasa labas naman siya at hinahanapan ako ng makakain.

"Yes asawa. Gusto ko talaga yan." sagot ko.

"Hindi ba weird ang lasa nun?" pagtataka niya. Sumimangot naman ako at narinig ko siyang natawa. Nakaramdam din. "Alright. I'll ask them." aniya.

"Yey! Thank you. I love you!" sabi ko.

"I love you more." aniya naman.

"Ano ba kasing pinapahanap mo diyan sa jowabels mo ha?" tanong ni Patrick. Nandito sila ni Maqui simula pa kanina. Sabi ko kasi sa kanila miss na miss ko na sila kaya pinapunta ko sila rito.

"Kagabi pa kasi ako nagccrave ng siopao na ketchup ang sauce." sagot ko.

"Eww." sabay na sabi nila ni Maqui.

"Bakit? Masarap kaya yun!" defensive na sabi ko.

"Masarap your face! Kadiri kaya!" angal naman ni Patrick.

"Bakit? Ikaw ba kakain?!" sabi ko naman.

"Oh. May point si buntis. Wag na makipagtalo bakla." sabi naman ni Maqui. "Pero bes, bakit ketchup?"

"Ewan ko. Basta gusto ko ng siopao na may ketchup!"

"Alright bitch! No need to shout." aniya. Tumawa si Patrick at nagpatuloy kami sa panunuod.

Maya-maya ay dumating na si Elmo na may dalang paperbag.

"Asawa, wala silang siopao with ketchup so bumili na lang ako separately." sabi niya pagkalagay sa harap ko yung pagkain. "Okay na ba to?" tanong niya.

Tumingin ako sa paperbag at nakita ang malalaking siopao at isang bote ng ketchup. Ngumisi ako and nodded as I get myself a piece. Pinanuod lang nila kong tatlo habang kumakain ako. Patrick looks disgusted habang si Maqui naman ay mukhang nawweirduhan sa akin. Si Elmo naman ay nakangiti lang habang pinapanuod ako.

"Gusto niyo?" alok ko sa kanila.

"Wititit! Busog akiz." tanggi ni Patrick saka na nagbalik ng tingin sa tv.

"Ikaw bes?"

"Di na. Baka mahawa ako sa paglilihi mo eh. Nakakahawa yun diba?" aniya.

"Asawa, gusto mo?" alok ko kay Elmo. Umiling naman siya saka nagpunta sa kitchen at pagbalik ay may dalang chips at soda para sa kanilang tatlo.

"I bought those for you. Ayoko namang makihati tsaka sabi nga ni Maq nakakahawa daw ang paglilihi." aniya.

"Truelaley. Wag na kami idamay girl. Wala kang karapatan." mataray na sambit naman ni Patrick. Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Ang sarap kaya! Asado siopao with Heinz ketchup. Yummy!!

"Nga pala, ilang buwan ka ng juntis, girl?" tanong ni Patrick maya-maya.

"3 1/2 months?" sagot ko.

"Ay. Kasagsagan nga ng paglilihi. Pero bakit siopao at ketchup?" pagtataka naman ni Maqui.

"Ewan. Nanaginip kasi ako ng matabang baby na mapula yung cheeks eh. Tas pagkagising ko kagabi yung siopao at ketchup agad gusto kong kainin." sagot ko naman.

"She's been requesting weird food lately. Like nung minsan nagpahanap siya sa akin ng rambutan eh hindi naman season ng rambutan ngayon. Nakapunta pa kong Quezon just to find rambutan. Tapos nung isang linggo gusto niya ng banana na may halong corned beef." kwento naman ni Elmo.

"Yuck! Anong trip niyang jugets mo girl?!" ani Patrick. Tawa lang naman nang tawa si Maqui.

"Bakit ba? Eh sa yun ang gusto ni Boomboom eh!" defensive na sabi ko.

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon