Chapter 48
It's been almost a month simula nang maghiwalay kami ni Elmo and I can say na medyo okay na ako. Hindi naman siya nagtangkang magpunta sa apartment. In fact, si Mang Nicolas pa ang naghatid ng mga gamit ko a week after I left.
"Kamusta po siya?" I asked.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Nung umalis ka, hindi na siya lumabas ng kwarto. Palaging nagmumukmok. Sina madam nga nag-aalala na eh. Kaya lang ayaw ka naman nilang istorbohin dahil sa kalagayan mo."
Hindi ako nakaimik nun. Nahihiya ako dahil ako ang dahilan ng pagmumukmok ni Elmo. Pero ako naman ang dehado diba? Ako ang sinaktan.
"Nga pala, iiwan ko na sayo yang kotse mo. Sabi ni sir kapag di mo daw kinuha tanggal ako sa trabaho." halata sa boses ni Mang Nicolas ang panghihinayang at ang hiya na rin. Nanghihinayang siguro dahil heto nanaman at wala nanaman kami ni Elmo. At nahihiya dahil mahal niya ang trabaho niya kaya kailangan niyang ibigay at iwanan ang kotseng binili ni Elmo sa akin.
"Ah... S-sige po. Pasensya na talaga sa abala Mang Nicolas ha?" sabi ko.
"Wala yun Julie. Mag-iingat ka ha?" aniya saka na nagpaalam.
"Hoy!" I woke up from trance saka napalingon kay Maqui. "Kanina ka pa tawag ni Bea. Ikaw na next." sabi niya pa.
"Huh?" pagtataka ko. I looked at the direction she was pointing at and saw Bea, Dr. Chiombon's assistant nurse, smiling at me. Tumayo na ako saka na naglakad papasok sa office ni doc.
"Julie, hi." bati niya. "Excited ka na ba?" agad na tanong niya.
"S-saan po?" pagtataka ko.
"You'll know the baby's gender today!" she announced. Nagulat ako saka pa nanlaki ang mata ko. Ngayon na ba yun?
"Ngayon po?"
"Yes. Kaya halika na and let's go see your baby." sabi niya saka na naunang pumasok sa ultrasound room.
Sumunod ako sa kanya at saka na humiga sa procedure table. Nilapit naman ni Bea ang ultrasound machine habang abala naman si doc sa pagsusuot ng gloves. She then rolled her swivel chair towards me saka na niya kinuha ang apparatus as Bea placed a glob of cold gel on my belly.
"Alright. Let's see..." aniya nang ipatong ang apparatus sa tyan ko. She started moving it and an image on the screen appeared. "There... You see your baby?" nakangiting tanong niya.
I stared at the screen and watched as she continuously moves the apparatus on my belly. The screen showed a 4D image of my baby. I couldn't help but to smile the moment doc freezed the screen and focused on his face. Hi, Boomboom! Mommy's happy to see you.
"See your baby? He looks like you." aniya. Sinimulan niya ulit galawin ang apparatus sa tyan ko and it's confirmed. I'm having a baby boy. "I can see na gwapo ang magiging anak mo. Maganda ka and your husband's handsome. Asan nga pala siya? Bakit hindi mo kasama?" she asked.
"Huh? Ah... A-ano po kasi..."
"Sayang naman kung busy siya sa trabaho. Alam mo, most dads file a leave kapag day na ng ultrasound ng asawa nila. Tsaka alam mo ba sabi nila, although as a woman of medicine eh hindi ako naniniwala, sabi nila kapag daw kamukha ng mommy ang baby it means mahal na mahal ng daddy niya ang mommy niya. And seeing your baby now? Wow. Congrats, Julie. Ikaw na ata ang pinakaswerteng babae. You have a good and loving husband and you're blessed with this cute bundle of joy." she said.
"Uhm... Wala po yung daddy niya eh. A-ano po kasi... H-hiwalay na po kami..." the moment I said that ay napahinto siya sa pag-ultrasound sa akin. She looked at Bea who was also surprised bago siya muling nagbalik ng tingin sa akin.
