Chapter 31
"Paaaaaaat!!! Happy Birthdaaaaaay!" masiglang bati ko kay Patrick sabay yakap sa kanya at halik sa pisngi. Tinulak naman niya ako palayo sabay pahid ng pisngi niya.
"Eww, Julie Anne! Since when did you become a lesbian?!" aniya. Tumawa kami ni Maqui sa inasal niya. Birthday na birthday niya nag-iinarte siya diyan.
"Ang arte mo bakla. Buti nga binati ka pa namin eh." sabi naman ni Maqui sabay sapak kay Patrick.
"Grabe talaga kayo both! Birthday ko dapat di niyo ko winawarlaloo!" sabi niya.
"Eh ikaw na nga tong nilalambing diyan ayaw mo naman. Ano ba talaga ha?!" sabi ko saka ko pa siya kinurot sa patilya.
"Argh! Naalipusta nanaman ang beauty ko." sabi niya sabay talikod sa amin at nagsimula na magtrabaho. Tumawa na lang kami ni Maqui saka na lang din nagtrabaho.
Abala ako sa pagttype nang may biglang tumayo sa may divider ng cubicle namin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang nakangiting si Daryl.
"Hey guys!" bati niya sa amin.
"Oh. Hi, Dar!" bati ko. Lumingon sina Maqui at Patrick sa kanya at bumati rin.
"Hi, Daryl!" ani Maqui.
"Hey, Dar!" ani Patrick. "Anetch ang ginagawa mo sa teritoryo namin? Ha?"
"I came by tita's office. Nakalimutan niya kasi yung files niya sa bahay so hinatid ko dito. Wanna go grab some lunch?" anyaya niya. "Lunch break niyo na diba?" tumango naman kaming tatlo.
"Okay lang." sabi ni Maqui. "Ano Pat? Mamaya pa naman tayo diba?"
"Yeah sure." ani Patrick. "Save ko lang to."
"Anong meron?" tanong ni Daryl sa akin.
"It's his birthday." bulong ko.
"Oh okay." tango niya. "Hey! Happy Birthday, Patrick!"
"Thanks, Dar." ani Patrick. "Tara?"
Tumayo na ako saka na kami lumabas ng office na apat.
"Himala ata na hindi ka tambay sa resto mo ngayon?" puna ko. Lately kasi ay di sila nakakasama sa amin ni Gino. Sabi ni Jared ay busy daw kasi ang dalawa sa Derby's.
"Yeah. Ang dami kasing naging problema sa resto. Inayos pa namin ni Gino." aniya. "Pero everything's okay na."
"What happened ba?" tanong ko.
"Well, yung isang waiter kasi namin, nagkaron ng issue with the busboy kaya ayun." kibit-balikat na sabi niya. "Anyway. Ikaw? You weren't with us last Sunday. Magkakasama kami nila Maqui and Pat eh."
"Ah talaga? Eh kasi I was in Pampanga last Sunday." sabi ko.
"Oh. Taga dun ka?"
"Yeah. I grew up there. Pero nung college dito na ko sa Manila."
"Eh sinong pinuntahan mo dun? Parents mo?"
"No. My parents died when I was a senior in highschool."
"Ah. Sorry." aniya. "Eh sinong pinuntahan mo dun?"
"Uhm. Yung yaya kasi ni Elmo, birthday niya nung Sunday. Kaya ayun. Nagpunta kami dun."
"Ano? Dito na tayo?" tanong ni Patrick sabay turo sa Persian Restaurant na kinatatayuan namin.
"Yeah sure." sang-ayon ni Daryl saka na kami pumasok na apat sa resto "Wait. Elmo? Yun ba yung..."
"Boyfriend ko." sagot ko. Tumango si Daryl at maya-maya pa'y kumunot ang noo niya.
"Wait, wait. Siya din yung..." he said. Tumango ako smiled at him.
