17

3.2K 92 6
                                        

Chapter 17

"I didn't know that you play the piano. Ngayon lang kita narinig na tumugtog niyan." ani Tita Esther, mommy ni Elmo.

"Ma, she's the best pianist in the whole school." pagmamalaki naman ni Elmo.

"I bet she is. Who taught you sweetie?" tanong niya sa akin.

"My mom's a pianist po, tita. And she's also our music teacher so medyo nahawa na din po ako sa kanya sa pagppiano." sagot ko. Ngumiti siya saka tumango.

"Ma, entertain mo muna asawa ko ha? I'll just go to papa's office." paalam ni Elmo saka na tumakbo paakyat sa second floor nila.

"Elmo's never been this happy. Simula talaga nang maging kayo, my son has been the happiest boy on Earth." aniya. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya. "Julie, my son's very lucky to have you. You inspire him in so many ways."

"I'm lucky to have him too, tita. Parehas po naming inspirasyon ang isa't isa sa pag-aaral."

"Yes. Kaya nga hindi na kami tumutol ng papa niya when he told us that his crush finally became his girlfriend. Paano ba kayo nagkakilala?" tanong niya.

"Po? Ah eh..." nag-init ang pisngi ko sa tanong ni Tita Esther. Nakakahiya. Ikkwento ko ba?

"Don't be shy sweetie. Gusto ko lang malaman how my son pursued you."

"Ah ano kasi tita eh... Uhm... First year po kami nun. Ano... Nung first year po kami. Nagrequest daw po siya sa Marriage Booth sa school na ikasal kami. Tapos yun po. Dun po kami first time na nagkausap. Pero ano po... Uhm... C-crush ko na po siya dati pa."

"Well, he does tell me na madami daw ang mga babaeng humahabol sa kanya nun. He got his looks from his dad. Para silang pinagbiyak na bunga diba?" tumango naman ako. "So isa ka sa girls na may crush sa kanya?"

"I'm the silent one po. Hahahaha. Kasi sa school tita, everytime na dumadaan si Elmo and his teammates sa corridor nagsisigawan yung mga may crush sa kanya."

"Ah. So ikaw yung mga tahimik lang? Yung loving him from afar type of girl?" tumawa ako at nahihiyang tumango. "I guess that's why he started liking you. Kasi my son doesn't like loud girls. He's attracted to those who are more of like you. Yung mga tahimik lang."

Ngumiti ako at sinuklian din naman ako ni Tita Esther ng isang matamis na ngiti.

"I know it's too early to say this. Kasi nga bata pa kayo. I mean, graduating pa lang kayo ng highschool. Pero I want you to know na ikaw na ang gusto kong makatuluyan ng anak ko."

"Tita..."

"I'm not saying naman na magpakasal na kayo after graduation. I want you both to finish your studies first. Find the career you want and enjoy life first. Pero when the time comes that you want to settle down already, I'm already giving you my blessing. You're already a part of our family, sweetie." nakangiting sambit niya.

"So nanggaling kayo sa bahay nila dati?"

Nabalik ako sa ulirat dahil sa tanong ni Maqui. Andito na kami sa office kinabukasan ng umaga at hinihintay dumating si Patrick.

"Oo." tipid na sagot ko.

"Anong ginawa niyo dun?"

"Wala. Binisita niya lang yung bahay nila. Ano... Nagsimba muna kami tas tsaka kami nagpunta dun."

"San kayo nagsimba?" tanong niya.

"Sa Clark."

"Wow layo ha? Bahay nila sa San Juan tapos sa Clark pa kayo nagsimba?"

The ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon