Maqui and Patrick's POV
"Umakyat na tayo." anyaya ko kay Julie. Kanina pa siya lasing at umiiyak. Sa lahat ng ayoko ay ang makita ang bestfriend ko na ganito. Na nagkakaganito nanaman. And for the same fucking reason. Because of that stupid, idiotic, bastard.
"H-hindi. Okay lang ako bes. Inom pa tayo..." aniya pero hindi ko siya pinakinggan. Inakay ko na siya paakyat sa kwarto namin saka siya hinilamusan. "Mahal na mahal ko pa rin siya, Maq..." sabi niya habang pinupunasan ko ang mukha niya.
"Alam ko." sagot ko naman.
"Hindi. Di mo alam. Mahal na mahal ko siya na kung pwede lang yakapin ko siya pabalik kanina ginawa ko na. Mahal na mahal ko siya na nung sinabi niya sa akin na... Na mahal niya pa rin ako at walang nagbago dun, gusto kong maniwala. Pero pucha, Maqui. Ayoko na magpakatanga. Sawang-sawa na kong umiyak gabi-gabi. Sawang-sawa na akong umasa sa taong kailanman hindi na babalik sa buhay ko. Sawang-sawa na kong manghinayang sa sampung taon na tinapon niya. Tangina, Maq. Sawang-sawa na ko sa buhay ko. Buong buhay ko binigay ko sa kanya. Buong pagkatao ko binigay ko sa kanya. Wala akong tinira sa sarili ko, Maq. Wala ni katiting. Pero pucha. Anong nangyari? Wala. Iniwan niya ko. Nawala siya sa buhay ko." hagulgol niya.
"Julie wag ka namang magsalita ng ganyan..." sabi ko pero umiling lang siya.
"Mas mabuti pang namatay na lang ako Maq kaysa yung buhay nga ako pero para naman akong patay dahil yung puso ko nasa taong niloko lang ako. Ang sakit-sakit naman Maq. Ano bang ginawa ko para parusahan ako ng ganito ha? Nagmahal lang naman ako diba? Diba?" sabi niya habang pilit niya akong pinatitingin sa mga mata niya. "Ten years, Maqui. We've been together for ten fucking years. We've built our dreams together, our future, pero ano? Asan na lahat ng pinangako niya? Asan na lahat ng pinlano niya kasama ako? Wala. It will all just be a bad memory."
"Alam mo, hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo eh. Madami pa diyan, bes. Madami pang darating para mahalin ka at pasayahin ka ulit. Tsaka andito naman kaming mga nagmamahal sayo eh. Si Mama H, sina Gela, si Patrick. Ako. Andito ako Julie. Ni minsan hindi sumayad sa isip ko na bitawan ka kasi mahal na mahal kita eh. Kapatid na turing ko sayo eh. At ayokong nakikita kang nagkakaganyan ulit. Kasi ang sakit nanaman para sa akin na makita yung isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko na nasasaktan nanaman. Kaya please bes? Wag na siya. Madami diyan diba? Diba?" sabi ko habang hawak ko siya sa magkabilang pisngi. Umiyak nanaman siya at saka pa niya ako niyakap.
"Pero Maq siya lang yung lalaki sa mundo ko eh. Si Elmo lang..." iyak niya.
Nakahiga na si Julie sa kama niya ngayon. Nakatulog rin sa wakas. Napagod na rin siguro siya sa kakaiyak samahan mo pa ng kalasingan niya.
"Ako bahala sayo bes. Hinding-hindi ka na niya maloloko. Hindi na siya makakalapit pa sayo." sabi ko bago ako lumabas ng kwarto at sumali uli sa kanila.
"Tulog na siya?" tanong ni Maya nang makabalik ako sa labas. Tumango naman ako saka uminom.
"Bakit ba bigla siyang nagyaya uminom? I mean, usually kasi diba hindi nagyayaya yan? Maaga ngang natutulog yan eh. Diba? Pero bakit ngayon..." ani Gela.
"Heartbroken nga kasi eh." sagot naman ni Jacky sa kanya.
"Kanino ba? Eh diba wala namang boyfriend si Julie?"
"Wala nga. Pero kasi..." sabi ko.
"Kasi ano?" tanong nilang tatlo. Tumingin ako kay Patrick saka niya ko tinanguan.
"Nung Monday kasi, binigyan kami ng assignment nung boss namin. Yung team namin ang mag iinterview dun sa business tycoon na bagong dating dito. Una hindi pa kilala ni Julie kung sino. Pero knowing her, she wants to do some research regarding her subject para may hint man lang ang team namin kung paano kami makikisama sa kanya. So ang nangyari, she asked our boss kung sino yun and well... Turns out na yung ex niya pala yun." kwento ko.
