Chapter 1
"Bilisan mo, Maq! Malelate na tayo!" sigaw ko mula sa hagdan. Ang bagal talaga nitong bestfriend ko kumilos.
"Oo na teka lang naman!" sigaw naman niya pabalik. Maya-maya pa ay nakita ko na siyang mabilis na bumababa. "Grabe ka talaga no? Ang aga pa kaya." reklamo niya.
"Anong maaga? Sa traffic pa lang late na tayo eh." sabi ko naman. Lumabas na kami ng bahay at saka na pumara ng tricycle papunta sa terminal ng fx.
Pagdating sa terminal ay napanganga kaming dalawa.
"Bull. Shit." aniya. "Anong meron? Blockbuster movie?" tanong niya.
Paano naman kasi napakahaba ng pila sa fx. Mga 3 loop ata bago makarating sa dulo eh.
"Sale siguro?" sabi ko naman. Nagtinginan kami saka na lang nagtawanan.
"Leche ka kasi eh! Bakit ba nasa talyer nanaman yung kotse mo?!" tanong niya saken.
"Eh de uling na nga diba?! Sabi ni Mang Robert yung spark plug na daw ang problema tsaka kailangan na palitan yung battery. Eh wala pa kong pera para magbayad sa kanya kaya di pa rin niya sinisimulan." sagot ko.
"Tsk. Bumili ka na kasi ng bago. Para saan pa yung sweldo mo kung di ka bibili." reklamo niya. Umusog ang mga tao sa pila kaya naman sumunod na kami.
"Wow Maq ha. Yayamanin ako ganun? Parehas lang kaya tayo ng sweldo. Nagbabayad kaya tayo ng upa kay Mama H. Tapos kuryente, tubig pa. Tapos pagkain pa natin. Baka may maipon." sabi ko. Umirap lang naman siya saka na lang kami sumunod sa pag-usad ng mga tao.
"Hanap ka na ng jowa na mayaman, Jules. Dali!" suggest niya maya-maya. Agad akong napalingon sa kanya saka nagtaas ng kilay. Pinagsasabi nito?! "Parang yung ex mo. Diba? Mayaman."
"Can we not talk about that guy? Maqui, five years na po ang lumipas. Uso move on." sabi ko.
"Baka nakamove on ka na." asar naman niya.
"Psh. Oo kaya. Sa tagal ng limang taon napakaimposible namang di pa ko makamove on no." sagot ko. "Tsaka teka nga. Pwede wag na balikan ang nakaraan? Ayan nanaman tayo eh."
"Hahahahaha. Oo na hindi na. Nakakahiya naman sayo eh. Baka kasi humagulgol ka pa dito."
"BUENDIA! BUENDIA!" agad kaming napalingon ni Maqui sa sumisigaw at nakita ang isang bus na nakaparada sa may terminal. Maluwag pa dun kaya naman tumakbo kami agad bago pa man kami maunahan ng iba.
"Hay salamat! Ang sakit na ng paa ko sa pagkakatayo natin ha." sabi ni Maqui nang makaupo na kami sa bus.
"Sabi ko naman kasi sayo wag ka na magheels kapag pumapasok sa trabaho eh. Whole day lang naman tayong nakaupo sa desk." sabi ko naman.
"Sorry na madam." sabi niya.
"San kayo?" tanong ng conductor sa amin.
"Buendia kuya." sagot ko.
"Magkano po?" tanong naman ni Maqui.
"Bente-singko lang." sagot niya habang pinipilas-pilas ang bus ticket. Nag-abot ako ng singkwenta at saka na niya inabot sa amin ang mga ticket.
"Infairness. Mura si manong ng Php10." ani Maqui.
"Oo nga eh. Aircon din to oh. Tsaka di na tayo pumila ng matagal." sabi ko.
"True!"
Nagkwentuhan pa kami ni Maqui hanggang sa makarating na kami sa isang street na malapit na lang sa office. Pumara na kami at bumaba saka na lang naglakad.
